Hospital
Mica's Pov
Isinugod namin dito sa hospital at hanggang ngayon di parin lumalabas sa ICU ang doctor. Lahat ay narito mga nakakita sa pangyayari kanina, mga teacher at maging ang principal ay narito iniintay ang paglabas ng doctor.
Lahat galit, lahat may sama ng loob, lahat gustong gumanti sa ginawa ni Drake, lahat gustong makakuha ng magandang balita dahil kung hindi sasabog ang galit na pilit naming nilalabanan.
Masakit para sa lahat, sa mga teacher, sa principal, sa aming magkakaibigan, lalo na sa akin. Matagal ko ng nakasama si ate simula noong elementary ay mag kasama na kami niyan. Dalawa lang kaming magkapatid ni Mico kaya sobrang magkasundo kami salahat mimsan lang kami mag-away.
Kaya noong nakilala namin si ate Rane, alam namin na magiging masaya kami na kasama sya. Dumaan ang ilang taon at nahulog ang loob ni Mico kay ate. Kaya alam ko na masakit din ito para kay Mico na makita ang taong gusto mo na naghihirap.
Sumaya ang buhay namin at talagang naramdaman namin na welcome kami sa isang katulad ni ate na itinuturing na reyna.
Kaya ng narinig at nakita namin kung gaano namilipit si ate at pigilan ang mapasigaw alam namin na mas masakit iyon sa kanya.
Mahirap maging isang reyna na pinamumumunuan ang isang mundo na puno ng galit, gulo, pagkasakim at inggit. Pero marami pa rin ang naghahangad na makuha ang korona kay ate.
Lumabas ang doctor mula sa ICU iginala ang mata para siguro hanapin ang kapamilya ng pasyente at di nga ako nagkamali.
"Sino sa inyo ang kapamilya ni Rane?" tanong ng doctor na hindi alam kung kanino titingin.
"Kami." sabi ng isang boses na pamilyar sa amin at di nga kami nagkamali iyon ang tita at tito ni ate. Sa una natigil pa ang mag asawa kung lalapit ba o hindi. Pero sa huli lumapit parin sila.
"Ano ang kalagayan ng pamangkin ko MANACPACAN?" sabi ni tita sa boses na parang galit sa kausap.
"Oh Hi Tina, how are you?" sabi naman ng doctor sa boses na nangaasar
"Hoy Manacpacan, ano ang lagay ni Rane?" si tito iyon na mukhang sasabak sa gera. Nakakuyom ang kamao at pulang pula na ng mukha.
"Doctor MANACPACAN, ano... ang... lagay.... ng.... pamangkin... ko?" galit na sabi ni tita.
"Pasalamat ka at may pasyente pa ako..."
"ANO ANG LAGAY NG PAMANGKIN KO? ANO PAULIT-ULIT LANG HA MANACPACAN?" Ayan na galit na si tita.
"Fine.. Nakausap ko si Rane tungkol sa lagay nya at pinakiusapan nya ako na wag ko ng sabihin." sabi ng doctor na ikinagulat namin at di ko na napigilan ang pagsabat sa usapan nila.
"Ano po ang ibigsabihin non? Kaya lang kayo nagtagal sa loob dahil pinakiusapan ka ni ate? Sabihin mo na kasi ng deretsyo" galit kong utas
" Iha, Inaanak ko si Rane at alam ko naman na may plano syang sabihin iyong kalagayan nya pero ang masasabi ko lang... Huwag nyo ng iwang muli si Rane nakakasama iyon sa kalusugan nya. Oh and by the way, she need rest at ilan din sa dahilan kung bakit sya nahimatay ay dahil kulang sa kain, kulang sa tulog pero sabi nya umiinom sya ng vitamins pero bago uminom ng kahit anong gamot kailangan may laman din ang tiyan nya. Pwede nyo syang puntahan kapag nailipat na sya sa kanyang private room. Excuse me may pasyente pa ako."
Umalis ang doctor at ilang minuto lang ng puntahan namin si ate sa kanyang private room at ng nakita namin siya ay nagulat kami dahil walang sinabi ang doctor na ganoon ang magiging ayos ni ate.
Ilang oras lang namin di nakita si ate ganito na ang mga nakakabit sa kaniya. May oxygen mask, may swero naka hospital gown at ngayon lang namin napansin na sobrang payat at ang eyebags ni ate na sobrang laki.
"Anak, ano ba ang nangyayari sa iyo? Di ka naman sakitin eh. Anak alam ko naman na magaling kang magtago ng nararamdaman mo pero please lang anak wag pati ang sa kalusugan mo." pagkaisap ni tita kay ate habang ito ay tulog.
"Tita magpahinga po muna kayo kami na po muna ang magbabantay kay ate" pakikiusap ni kath
"Eh paano kayo, baka mapagalitan kayo ng mga magulang nyo"
"Nakapagpaalam na po kami at pumayag sila"
"Rane-Rane"
May tumawag kay ate at ng buksan ni Mico ang pimtuan doon namin nakita ang lolodad ni kath at ang lolo nito na magkasama.
"Lolodad, lolo" pagsalubong ni kath sa kanyang mga lolo. Pero dumaretso ang mga matanda sa hospital bed ni ate.
"Apo, ano ang nangyari sa iyo?" tanong ng lolo ni kath
"Apo ako ito si lolodad mo, gising ka na oh. Miss na miss kita apo ko" Sabi ni lolo Zamiel ang lolodad ni kath.
Kath's Pov
Ang sakit sa puso na marinig ang mga lolo mo na sinasabihan ang kaibigan mo ng apo, miss na kita. Buti pa si ate at sinasabihan ng ganoon eh ako na mga apo nila di man lang masabihan ng ganoon. Masakit na masakit.
Lumabas ako dahil di ko na kaya ang sakit. Nagpunta ako sa canteen pero habang papunta ako roon may naririnig akong bulungan mula sa mga school mates ko.
'Kawawa naman si Ms. President'
'Dapat parusahan ang may gawa noon kay Ms. President'
'Dapat ma pa talsik na iyon ang laking kasalanan non'
'Hindi bagay sa isang reyna na mahiga lang doon sa hospital bed at walang malay.'
Iba-iba ang naririnig kong bulungan, nagmadali ako sa paglalakad para makarating na sa garden ng hispital. My favorite place is the garden sa bahay man o kahit saan.
Mahilig ako sa bulaklak pero lahat naman kami mahilig sa bulaklak. Pero sila Mica at Mico libangan lang ang bulaklak di gaya namin ni ate na ang garden lang ang nakakapag pagaan ng nararamdaman namin pero mas may higit si ate dahil gusto nya na kapag pupunta sya sa garden ay dapat kapag sisikat at lulubog ang araw isabay pa ang mga hini ng ibon. Sa akin okay na ang garden lang na puno ng mga bulaklak ay okay na.
Ng nakarating ako sa garden ng hospital may nakita akong isang lalaki na nakatayo malapit sa swing. Lumapit ako at umupo sa kabilang swing na ikinaigulat ng lalaki.
"What the..." sabi ng lalaki
A/N: You can message me here on watty. At pwede nyo akong maging kaibigan. You can also add feiend me on facebook my fb account is... RECY JANE HERNANDEZ. THANK YOU.
Good day sainyo
If gusto nyo ring ma mention comment your username.
YOU ARE READING
Falling In Love (Dimple series 1)
RomanceMahirap sumulat ng libro. Napaka rami mong ico-consider katulad natin. Sabi nila "Our life is an open book" Mahirap i-direct ang buhay mo kung saan ito dapat tumungo. Mahirap piliin kung sino ang dapat mong isama sa bawat chapter o seasons ng buhay...