Chapter 11

5 3 0
                                    

Reporter

Rane's POV

Nang tingnan ko ang lalaki nakatingin naman ito sa labas. Ng tingnan ko ang driver at nakitang pamilyar ito sa akin. Dahil naka tingin ito sa labas ay hindi ko gaano na aninag kung sino ito.

Napangiti na lang ako dahil sa pananamit pa lang ng estranghero ay kilala ko na agad kung sino ito.

Hinatid kami ni Roa sa bahay at dahil hindi humaharap ang estranghero sa driver na lang ako nag pasalamat.

"Manong, maraming salamat po sa paghatid. Bababa na po kami. Salamat po uli." sabi ko sa driver ngunit ang mga mata ay nasa estrang hero.

Bumaba kami at pumasok na sa bahay ng di nililingon ang estrangherong lalaki. Matagal ko ng pngarap na mag kasabay kami sa iisang sasakyan kahit pa di nya ako nilingon kanina alam ko namang nakatingin sya sa akin sa gilid ng mga mata niya.

"Jusko Rane" sigaw ni tita ng makita kami kinarga pa.nya muna si Roa bqgo ako yakapin ng mahigpit.

"Bakit may mga reporter sa mall na iyon?" tanong ni tita na hinila pa ako paupo.

"Hindi ko po alam tita. Pero ayon sa mga tanong nila sa akin ayyung kayna lolo at lolodad at yung sa picture ko na may kayakap sa mall? Iyon ang narinig ko" I lied, alam ko kung ano ang kailangan nila sa akin.

"Eto, Sino ba itong kayakap mo?" ipinakita sa akin ni tita ang cellpone niya at nakita ko doon yung naka bangga ko kanina.

"Ahh, nasanggi ko po kasi sya tapos yung mga dala niya nabitawan niya so tinulungan ko po syang limutin yung mga nalaglag na pinamili niya."

"Yun lang ba?"

"Opo tita nagkabangga po kami tapos tinulungan ko syang manlimot tapos nag sorry ako. Tyaka kami umalis ni Roa"

"Ang bata mo pa para masang kot sa nga issue. Eto pa oh" pakita nya muli sa akin nung litrato na kayakap ko na si Ira.

"Pinuntahan mo?"

"Opo, naki usap po sa akin yung ale na kung puwede na makita ako nung anak niya kasi wala daw syang cellpone pang picture kaya pumayag na rin po ako"

"Eh, Eto pa" pag pakita nya naman na sumakay ako sa puting vios na nag hatid sa akin kanina

Pina akyat na kami ni Roa upang makapag pahinga dahil hapon na naman bumaba ulit ako at nag punta sa garden dala-dala ang cellpone, ibat-ibang kulay ng ballpen, lapis, eraser at earpones.

Pinatugtog ko muna ang kantang 'Falling In Love' ng ako lang ang nakakarinig. Nag simula akong mag drawing ng mukha niya na kinuha ko lang sa google. Sikat siyang tao kaya kahit naka private ang facebook account niya may nakuha pa rin akong picture niya na kaya kong idrawing ng hindi makikilala ninna tita.

Nag drawing muna ako bago ko binagkatan ng marker bago ko designan ng ibat-ibang kulay ng ballpen. Natapos ako ng mga 5:15 sa lahat.

Tiningnan ko ng maiigi ang drawing ko. Di talaga sya makikilala kung di ito tititigan ng mabuti.

Iniligpit ko ang aking mga gamit at iniakyat na sa kuwarto ko. Bumaba muli ako para mag dilig ng mga halaman. Mahilig ako sa halaman at si mama si tita naman ang nag didilig sa tuwing wala ako sa bahay.

May narinig akong tumatawag sa akin ngunit di ko iyon nilingon at pinatay muna ang hoss.

"Oh lolo, Bakit po kayo narito?" tanong ko kay lolo ng may pagdududa

May ibinulong sya sa akin na ikinatawa naming pareho. Lumabas si tita para silipin kung sino iyong tumatawag sa akin at ng nakita si lolo ay nagmadali siyang magmano.

"Rane, Ano ang nakakatawa?" tanong ni tita. Akala kasi niya siya iyong tinatawanan namin.

"Wala po tita, mag didilig na po ako." sabi ko bago muling natawa ng maalala ang ibinulong sa akin ni lolo

"Rane" galit ng utas ni tita

Hindi ko na pinansin si tita at muling nag dilig. Naalala ko na naman yung pag sabay namin kanina sa iisang sasakyan nung estrangherong lalaki.

"Ate."

May muling tumawag sa akin kaya nilingin ko ito na parang galit.

"Napadalaw ka?" tanong ko kayna Mica at Mico

"Napadaan lang ate" sagot ni Mico

"Pasalubong ko?"

"Ate, napadaan lang kami kaya aalis na kami dahil nga napadaan lang kami"

Wala akong magawa kung di magpapadyak sa inis. Bumalik ako sa aking ginagawa at lumipat sa likod bahay dahil doon mas maraming halaman.

Ng nawalan ako ng gana ay patuloy ko paring ginawa ang pagdidilig. Kaya ng natapos ay umakyat akong muli sa kuwarto at naabutan si Roa na tinititigan ang drawing ko na nakalapag lang sa kama kanina.

"Ano tinitingin-tingin mo?" nagulat man siya alam kong alam niya kung sino iyon.

"Ate, eto po ba yung poging lalaki na nag pasakay sa atin kanina?"

"Oo, sayang nga diko nakita mukha niya"

"Weh?"

"Oo nga kulit mo"

"Bakit mo naman po drinawing sya?"

"Wala lang, akala ko kasi mabubuo yung mukha nya sa pamamagitan ng drawing pero siguradong akong napaka sungit ng lalaking iyon"

"Pano monasabi ate, eh gayong hindi mo nga nakita ang mukha niya."

"Ikaw lang ang hindi nakakita."

"Huh?"

"Wala sabi ko kausapin mo na mama at papa mo."

"Wag mong ibahin ang usapan ate"

"Sabi ko ikaw lang ang hindi nakakita ng mukha niya."

"Paano mo nakita? Nakatitig din ako sa kanya kanina."

"Bahala ka, Basta ako nakita ko mukha niya."

Sabi ko at nag tatakbo pabalik sa garden dala syempre ang cellpone at earpones ko. Umupo ako sa duyan at muling pinatugtog ang 'Falling In Love'

Pinanood ko ang paglubog ng araw at ang paulit-ulit na pakikinig sa kanta. Gaya nga ng sabi ni lolo yun yung parati kong pinapakinggang kanta.

Sa kanta kasing iyon parang ikinukuwento nito ang nararamdaman ko para sa lalaking nasa panaginip ko.

Alam kong napaka aga para umibig pero alam ko ring walang tamang edad, oras o panahon ang pagmamahal sa isang tao.

Masakit man na sa panaginip kong iyon ay naglaho siya hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.

Masaya ako na naabot ko siya kahit sa panaginip man lang. Nayakap ng mahigpit, nahalikan.

Hinawakan ko ang aking mga labi at muling dinama ang malambot niyang labi.

"Baka maubos ang mga labi ko niyan"

"Bahala na" sagot ko at muli siyang hinalikan at niyakap ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam.

"Balang araw hindi na natin papa-ngaraping abutin ang isa't-isa at papangaraping magsama dahil matutupad iyon. Hindi man ngayon but soon."

"Sana nga." sagot ko at niyakap siya ng mahigpit at ipinikit ang mga mata.

"Rane anak? Halika na at kumain ka muna bago ka matulog" nagising ako sa boses ni tita.

"Si tita naman eh, di natuloy yung isa pang halik..." pinutol ni tita ang nga sasabihin ko at hinampas ako ng pamaypay.

"Anong hindi natuloy?"

"Wala po" tumayo ako at pumunta sa dinning para kumain. Ng natapos ay umakyat ako at pumunta sa kuwarto. Nakahiga na roon si Roa ako naman na iginuhit ang scene kanina.

Falling In Love (Dimple series 1)Where stories live. Discover now