Chapter 10

5 4 0
                                    

Estranghero

Rane's Pov

Sinamahan namin ang ale sa bahay niya mqging kami ni Roa ay hindi pinapansin ang nag titinginang mga naglalakad at mga naka upo hindi pinapansin ang mga kasama nila.

Ikinagulat ko man na sa ilalim ng tulay kami papunta pero alam ko na ikinakahiya din ng ale ang kanilang tirahan.

"D-dito na l-lang po k-kayo, kakaunin k-ko na l-lang po ang a-anak ko." kabadong sabi ng ale, tiningnan ko si Roa at nakitang nakatingin din ito sa akin.

"Sasama na po kami sa inyo"

"Po? Pero maputik po sa loob at malangaw din"

"Sige na po, gusto ko rin po kasing sorpresahin ang anak niyo."

"K-kayo po ang bahala"

Ilang mga tirahan pa ang dinaanan namin bago namim narating ang bahay kubo. Maliit lang ito at isang hangin lang ng malakas siguradong giba anga mga bahay na narito.

"Ira, halika dito" sigaw ng ale

Lumabas naman ang may kaputiang babae ngunit maliit lamang ito siguroy namana.

"Ms. President,  ito po si Ira grade 6 na po siya"

"Inay, siya po ba si Ms. President Rane?"

"Siya na nga"

"Di ako maka paniwala" sabi niya at nag tatakbo para yakapin ako.

"Ira, baka madumihan si Ms. President puti pa naman ang tshirt at sapatos nila ng kanyang pinsan"

"Pasensya na, Natuwa lamang ako" Sabi nung Ira

"Ayos lang"

"Uhhm, narinig ko na kakalabas mo pa lang ng hospital" kunwari curios na tanong nung Ira

"Oo, kahapon" pag sakay ko sa mga biro niya

"Dapat nagpapahinga ka po Ms. President" sagot ni Ira na tila nag aalala

"Aalis na po kami, may pupuntahan pa po kasi kami" pagpapaalam ko sa ale

"Sige po, babalik na rin ako sa puwesto ko. Hatid ko na po kayo"

"Mauna na kami" sabi ko sa pekeng Ira

"Mag-iingat po kayo" malamlam na mga matang sabi niya

"Ikaw ang mag-ingat, ay mali. Kayo ang mag-ingat" pabiro kong sagot na dyang ikina putla ng kanyang mukha.

"A-ano po a-ang iyong i-ibig -s-sabihin?" maputla niyang tanong

"Alam mo na iyon." naka ngiti kong sagot

"Po?" kung kanina maputla lang siya ngayon parang di na sya dinadaluyan ang bo niyang katawan ng dugo sa sobrang putla

"Tandaan mo ito, Wag mo akong kakalabanin dahil triple ang magiging kapalit non sa iyo." Hakbang ko palapit sa kanya para maka bulong

"Sige po una na kami" sabi ko sa mga kapitbahay nila na mukhang namamangha rin

"Bye, Ira Dy" pag banggit ko sa buo niyang pangalan na ikinabigla niya

Pag labas namin nakuha ko nanaman ang atensyon ng lahat

"Ate, gutom na ako" sabi ni Roa na may pag hawak pa sa tiyan

"Akala mo ikaw lang ang gutom. Ako rin no"

Falling In Love (Dimple series 1)Where stories live. Discover now