Careful
Rane's Pov
Rinig na rinig ko ang putukan, putukan doon putukan dito. Hindi ganito kaaga ang putukang inaasahan ko. Ang inaasahan ko ay pagkatapos pa ng taon isasagawa ang plano nila.
"You should be careful"
"I know" nasabi ko na iyon bago ko pa lingunin kung kaninong tinig iyon.
"Look..." hindi na niya pa natapos ang sasabihin ng nadaplisan ako ng bala. Binigyan nya ako ng baril na kahit kailan ay ayaw kong hawakan.
"Hawakan mo" utos niya at binuhat ako
Ipinutok niya ang baril na syang ikinagulat ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag kahirap sa paghinga. Ayaw ko ng maka abala kaya ipinapaubaya ko na lang sa mga tauhan ni lolo at sa panginoon. Ipinikit ko ang aking paghinga at ang unti-unti kong pagbitaw ng aking pangako na lalabanan ko ang aking takot para sa aking pamilya.
Dave's Pov
Nakikipagbarilan ako gaya ng natutunan ko pero hindi ko na kayang buhatin pa si Rane dahil pabigat ito ng pabigat. Nang tingnan ko nakapikit ang kaniyang mga mata at may dugo sa kanyang ilong.
Kita ko sa mga mata niya ang pag ka ayaw nyang hawakan ang baril na pinapahiram ko sa kanya.
'Bakit ganito? Hindi sya iyong tinitingala dahil sa angking galing sa pakikipaglaban at sa iba pa. Madalas ko ring naririnig na nag aaral daw si Rane ng ibat-ibang uri ng pakikipaglaban ngunit bakit ganito sya? Bakit pakiramdam ko nag papanggap lang sya na marunong makipaglaban.'
Isinugod ko sya sa hospital gamit ang sasakyang ipinahiram sa akin ng aking tito. Ng nakarating sa hospital kung nasaan ang kaniyang doctor. Dinala sya sa ICU at ako na nasa labas lang. Ilang oras pa ng lumabas si Doc. Manacpacan ipinagtaka pa niya na ako ang kasama ni Rane.
"Asaan ang kanyang tita?" tanong ng doctor.
"Hindi ko po alam.. Ano po ang lagay niya?"
"Sa kanya ko na sasabihin ang lahat ngunit dahil madalas ka naman nyang ikinukuwento sa akin. Sige.."
"Ano po ang ibig nyong sabihin?"
"Pili lang ang mga sasabihun ko sa iyo dahil na rin sa ipinagbabawal ni Rane na ipagsabi kahit kanino iyon. Daplis lang naman ang balang tumama sa kanya kailangan nya lang munang magpahinga bago sya umuwi."
"Paano? Kilala si Rane bilang malakas ang pakiramdam, marunong makipaglaban. Pero kanina nung binibigyan ko sya ng baril kita ko sa mga mata niya ang takot na hawakan iyon."
"Ngayon alam ko na ang dahilan.."
"Dahilan ng?"
"Sa kanya ko nalang sasabihin. Sige at puwede ka ng umuwi, ligtas sya rito at pababantayan ko rin sya sa aking mga tauhan." ngumiti muna ng nakakaluko ang doctor bago tuluyang umalis.
'Kaaway ba ang doctor na iyon o kakampi'
Nag-intay lang ako na mailipat si Rane sa private room bago ako umupo sa sofa na naroon. Hindi ko namalayan na nakatulog ako nagising lang ako ng may tumapik sa aking balikat at ng tingnan ko kung sino iyon ikinagulat ko na nakita sa harapan ko si Rane. Malakas na ito at parang walang nangyari. .
Tiningnan ko ang bintana at nakitang mag uumaga na. Nakakapagtaka na malakas na agad sya gayong hindi pa naghihilom ang kanyang sugat.
"You should rest"
"Why? I thought you know how to fight."
"Yes I can fight. But I don't use a gun. Inatake din ako na syang dahilqn kung bakit hindi ko na kayanan yung sakut ng pagtama sa akin ng bala."
YOU ARE READING
Falling In Love (Dimple series 1)
RomanceMahirap sumulat ng libro. Napaka rami mong ico-consider katulad natin. Sabi nila "Our life is an open book" Mahirap i-direct ang buhay mo kung saan ito dapat tumungo. Mahirap piliin kung sino ang dapat mong isama sa bawat chapter o seasons ng buhay...