Prologue

31 1 0
                                    

Prologue

Mabilis siyang nag lakad patungo sa lugar kung saan madalas tumambay ang manliligaw niyang si Eric.

Dahan dahan siyang pumasok at sumilip sa nakabukas na music room at akmang magsasalita siya ng marinig Niya ang kanyang pangalan.

"So kumusta naman ang panliligaw mo Kay emerald?" Boses ng isang lalaki.

"Okey lang, kunti na lang Alam kong mapapasagot ko din yon" si eric

"That's good kung ganun "

"I'm sure dad will be proud of me kapag naipakilala ko sa kanya ang isang Santillan at magiging girlfriend ko pa"

"Sino bang hindi matutuwa kung mapapasama kayo sa pamilyang yon. Emerald is a fucking heirs dude. She's rich at halos lahat ng mayayamang pamilya ay gustong maka partner sa negosyo ang mga Santillan ".

"Alam ko kaya nga ako lumapit sa kanya diba? Nasa kanya na ang lahat ng kailangan ko sa isang Babae "

"Just be careful dude! She's a Santillan at hindi mo kilala ang pamilyang Santillan Lalo na ang ama niya. Just be careful sa mga moves mo dahil kapag nalaman Niya ang plano mo baka mawala lahat ng meron ka sa isang pitik ng daliri ng hari ng Santillan. Just an advice!"

Kumuyom ang kamao Niya dahil sa mga narinig. All this time pangalan at kapangyarihan lang pala ang gusto  sa kanya ng lalaking yon.

Gigil siyang bumalik sa classroom at padabog na inayos ang mga gamit bago siya lumabas.

"Uy emerald san ka pupunta?" Sigaw ng kaibigan niyang si Iris.

"I'm going home!"

"Home? Eh may dalawang subject pa tayo ".

"I don't care! " Tumalikod siya at nag lakad na patungong parking at kaagad siyang pumasok sa kanyang kotse at mabilis na pinaandar iyon.

Nag maneho siya ng mabilis na parang na isang racing siya, she's mad.

Naiinis na binalingan niya ang kanyang cellphone ng tumunog iyon at Lalo siyang nainis ng makitang si Eric ang tumatawag. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at ihinagis iyon sa likod ng sasakyan at napalingon siya ng makitang tumama iyon sa salamin ng bintana ng kotse Niya.

"Bwesit " inis niyang saad at mabilis na nag preno ng makitang may lalaking huminto sa harap ng sasakyan Niya.

"Oh god!" Mabilis niyang kinalas ang seatbelt at bumaba ng sasakyan at nilapitan ang lalaking nasa harap ng kotse Niya at pinupulot nito ang mga natapong mangga.

"I'm sorry po, I'm sorry hindi ko kayo nakita" tinulungan Niya itong damputin ang mga mangga at inilagay iyon sa basket.

"Mainit, baka mainitan ka" napahinto siya sa pag dampot ng mangga ng marinig Niya ang malalim na boses na iyon. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang gwapong lalaki.

"Ako na dito, salamat sa tulong Pero pumasok kana sa kotse mo mainit kasi e " kinuha Niya sa Kamay ko ang mangga at inilagay iyon sa basket. " Ayos ka lang ba? Hindi Kaba nasaktan?"

"N-no, I'm fine. Ikaw okey ka lang?"

"Yeah, I'm okey hindi naman ako nabangga " he smile at napakunot ang noo ko ng maramdamang para akong kinabahan.

"I-im sorry, babayaran ko na lang kung may nasira sa mga dala mo "

"Wala namang nasira e kaya okey lang.salamat " inalalayan Niya akong pumasok sa kotse ko.

"W-wait? Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ivan " sagot Niya at ngumiti.

"I'm emerald-"

"Emerald santillan" pagtatapos Niya sa sasabihin ko. "I know you, wala namang hindi nakakakilala sayo rito. Nice to meet you, ingat ka sa pagmamaneho mo"  saad Niya bago ako iniwan.

Ivan? Ivan what? Grrr. What's wrong with you emerald?


You're The One For Me Where stories live. Discover now