Prologue
Nanatili akong nakatayo sa likurang bahagi niya. Nakapasok ang dalawang kamay sa suot na itim na slack ng uniporme ko, kagagaling lang din ng trabaho.
"Bakit naman ganito, Jude! Hindi ka nagsasabi saakin! May pera naman ako!" Si Peanut.
Malamig lang akong nakatitig sa nakabaon na limang bote ng san mig light sa buhangin. Ang tatlo roon ay wala ng laman. Natatamaan at nabababad sa malamig na tubig dagat. Kahit madilim na ay kitang kita pa rin dahil sa suot niyang flash light na nakakabit sa noo.
"Sabi mo ay sabay tayong magka-college! Bakit nag-drop ka?! Peke lang pala ang pasok mo sa school! Kung hindi ko pa nalaman sa mga guro!"
Alam kong madrama talaga siya at palaging histerikal. Tulad nalang ngayon, pinagpapadyakan niya ang buhangin na parang bata. Ganon pa man, alam kong totoong umiiyak siya.
Inayos ko ang suot na sumbrelo na galing din sa pinagtatrabahuhan ko bago nagtungo sa tabi niya at naupo doon.
Humihikbi hikbi siya habang nasa bibig ang straw. Ginagawang soft drink ang alak na dala.
Napaangat ako ng kilay ng halos mangalahati iyon.
Kumpara saakin, mas mayaman ang pamilya nila Peanut. Kaya madali para sakaniya na sabihing may pera siya, at na siguro kahit papaano ay makakatulong sa problema ko.
Tinanggal ko ang suot na sumbrelo at inilapag sa gitna naming dalawa.
"Kumpara sa'yo, wala akong pera." Nagtatampo pa rin siyang umiwas ng tingin. Napagtanto rin sigurong tama ako.
I sighed.
"Tinanggal ako sa school." Diretsong sabi ko. Para naman at least, alam niya kung ano at saan ang pinanggagalingan ko.
"Huh? Bakit? Kakatapos lang ng first sem, ah? At huwag mong masabi sabi na wala kang pera! Nag-enroll ka sa program ng mga Aguilar!"
"Ginawan ako ng issue, eh." Kibit balikat ko. Bago dinampot ang dalawang san mig at ginamit iyon para buksan ang isa.
At dahil mahirap lang ako, anong magagawa ko doon? Hindi ko mapaglalaban lalo na't alam nilang wala akong pera. Kaya naman, tinatanggap ko nalang.
"Putangina! Sino doon?!" Ang ingay talaga niya.
"Edi 'yung anak niyang hambog." Sinabi ko na. Tutal ay malalaman at malalaman din naman niya. Mukhang pang mahinhin ang pangalan niyan pero tsismosa talaga siya.
"Ang gagong iyon!" Tumango ako. Sumasang-ayon sakaniya.
"Anong sinabi?!" Napasulyap ako sakaniya nang bahagyang gumilid siya. Napapikit nang tumama ang ilaw sa mga mata ko kaya tinulak ko siya.
"Kabit daw ako ng tatay niya. Palibhasa tinanggihan ko ang pang-aaya niya saakin. Kaya pinagkalat sa buong school na nag-sex kami at naging kami raw. Nasaktan daw siya dahil nagpapagamit din ako sa tatay niya." Nanlalaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatitig saakin.
"Kabit ka?! Dahil tumangging makipag-sex?! Aba putangina nun at ng tatay niyang kabit ang treasurer nila!"
See? She knows everything.
Tumatango tango ako. Siya na ang naglalabas ng sama ng loob ko. Kaya ayos na 'yon. Wala kasi akong time dahil naghanap agad ako ng trabaho sa labas ng probinsya.
"Anong sabi ni Ma'am Helen? 'Yung asawa? 'Yung nagpapasok sa'yo sa program!" Napaismid ako nang maalala siya. Akala mo ay kung sinong mabait.
"Edi naniwala. Siya nga ang nagpatanggal saakin sa school."
BINABASA MO ANG
Almost Cruel
RomanceGabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022