Chapter 31
Hindi ko sigurado kung anong oras na ako nakatulog. O kung anong oras naba sila natapos sa inuman.
Wala ba siyang trabaho? I mean, ang sabi niya ay ang Papa niya ang nagha-handle non sa ngayon. Kung si Leroy naman, siguro ay magliliwaliw lang 'yon ngayong araw dahil walang trabaho.
Bumangon na ako nang mapagtantong malapit ng mag-alas syete. Paniguradong ako nalang ang mag-isa rito dahil maagang umaalis si Leroy.
Nang lumabas ako ng kwarto ay doon ko lang napagtantong hindi ako nag-iisa. Nadatnan ko ang nakatalikod na si Kai, hubad baro, at abala sa pagluluto ng kung ano.
Napakunot ang noo ko nang makitang naka cotton shorts lang siya at bagong paligo na. Malapad ang kaniyang likod. His muscles were clenching sa bawat galaw niya. Then my eyes dropped on his bottom. Halatang halata ang pagkatambok nito.
"Good morning," doon palang ako nag-angat ng tingin. Tumikhim bago lumapit sakaniya.
"Good morning din," he pulled a chair for me. I sat down and looked at him. "Si Leroy?" inilapag niya ang pagkain sa harap ko bago sumagot.
"Went out to exercise. How was your sleep?" hinatak niya ang damit na nakapatong sa counter, sinuot saglit at pabaldang hinatak ang upuan at nilapag sa tabi ko.
"Ayos lang. Maaga kang nagising? Anong oras na kayo natapos kagabi?"
Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko, nilapit ang tinimplang coffee, bago tinanong ang kung anong gusto kong ulam bago tuluyang sinagot sa unang tanong.
"I woke up early to exercise while waiting for you to wake up. I used your brother's equipment. At kagabi, saglit lang namin naubos at bumalik na agad dito."
Naging okupado ang pag-iisip ko nang makita ang anyo niya sa harapan ko. Basa pa ang kaniyang buhok halatang bagong paligo dahil sa amoy niya. Gusto ko ring hawakan ang panga niya dahil hatalang bagong shave ito. While talking, sinusundan ko ang galaw ng labi niyang dumampi sa labi ko kagabi. Para tuloy akong namula sa iniisip. Isang patak lang 'yon, mababaw pa pero halos hindi ako pinatulog. Pero ngayon, maa mapula iyon kaysa kagabi.
Sa pagbaba naman sa katawan niya, hindi ko masydong makita dahil natatakpan ng mesa. Nakasandal ang isang kamay niya sa mesa at magkalapit lang kami kaya hindi ako makapagbaba rin ng tingin. Kanina ay nakahubad siya at ngayon ay may puting plain cotton shirt na. Kanina ay wala. Hindi ko lang masyadong nakita dahil nakatalikod at ngayong narito sa tabi ko, may suot naman na siya
"Ikaw? Nakatulog ka kaagad?" tumikhim ako bago tumango. Hindi makapagsalita dahil parang tuyo ang lalamunan kaya inabot ko pa ang tubig para makainom.
"Really? Mabuti kapa. Nakainom ako pero hindi agad nakatulog." his eyes were expressive. Naunawaan ko agad na mukhang natutuwa pa siya sa kunot kong noo.
"Bakit?" sinandal niya ang kamay sa likod ng upuan ko.
"Hmm?" he glanced at me. "Why do you think so? Nasa kabilang kwarto ka lang, mahimbing ang tulog. Samantalang ako..." he said hopelessly. Not wanting to continue his statements.
Tumikhim ako. "Samantalang ikaw?"
He chuckled.
"I can't sleep thinking of our goodnight kiss." halos mabulunan ako sa sinabi niya. Iniisip niya 'yon? I was thinking about it too, bago matulog, at hindi ko nga lang alam kung anong oras na ako tuluyang nakatulog."
I cleared my throat. "B-Bakit naman hindi? We kissed before. Hindi na bago 'yon." nagmamatapang ko pang ani. Na para bang wala naman iyon sakin at hindi talaga ako apektado.
BINABASA MO ANG
Almost Cruel
RomanceGabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022
