Chapter 2
From: Auntie Lucy
Jude, kulang ang pinadala mo. Mahal ang gamot ni Anne kaya sana ay dagdagan mo pa.
I didn't reply to that. Natapos ang isang subject namin nang muli kong tignan ang cellphone.
From: Auntie Lucy
Sana ay huwag kang makalimot ngayong nag-aaral kana jan sa Manila. Kawawa ang mga kapatid mo dito at hindi sapat ang kita ng Papa mo.
I sighed.
From: Auntie Lucy
Kung gusto mong bumuti ang lagay ni Anne. Magpadala ka ng sapat na pera. Anong magagawa ng fifteen thousand? Pang-therapy lang 'to ni Anne.
From: Auntie Lucy
Sana ay tumulong ka parin saamin ng Papa mo. Huwag lalaki ang ulo porket nakatapak kana sa Manila.
Madami pa siyang pinadala na message saakin. Paulit ulit lang naman na nagpapadagdag ng pera.
To: Auntie Lucy
👍
Napaangat ang kilay ko sa mga kaklaseng nakatayo. Nagpapakitaan sila ng mga mamahaling gamit.
Katatapos lang ng sem break at mga kauuwi lang din nila galing sa kaniya kaniyang bakasyon. Puro mayayaman sila at walang kapintasan sa mga kasuotan. Halos lahat ay mga branded. At kung minsan, kapag nagkakatuwaan sa mobile games at napiling magpustahan, grabe ang mga perang nilalatag. At napagtanto kong sobrang dali para sa mga tulad nila ang maglabas ng pera. Na sa ngayon ay hindi naman nila pinag-hirapan.
Dumating ang instructor namin at naglapag lang ng ilang gamit.
"I'll give you two minutes to prepare for whatever you need for our pre examination test." Iyon lang bago muling lumabas.
Ang mga kaklse kong matatalino ay naglabasan ng mga papel at ballpen. Sakto lang para sakanila.
Sinilip ko ang yellow paper ko. Isang buo ito nung binili ko. Pero balak kong iwan sa susunod ang ilan at magdadala lang ng sakto para sa mga course sa kada araw. Ang ballpen ko ay isang buong box pa. Bago at may mga pangalan ko sa loob dahil sayang naman kung mawawala. Pangalan at section lang iyon. Hindi ko na sinama
ang number dahil madali lang naman matunton ang section namin. At ako lang naman ang Jude rito.Sumigaw ang isa sa mga nerd. Nerd na super friendly. Sinabi niya lang na nandiyan na ang instructor kaya nagsibalikan sa pwesto ang mga block mates at doon lang naalala ang mga pinapahanda.
"Hey,"
"Uy," Sabay na tawag ng mga katabi ko. Hindi na makatayo pa dahil pumwesto na ang instructor sa harap.
I glance at them boredly.
"May extra pen ka at paper?" Kasali sila sa mga nagpupustahan kanina. Lilibuhin ang nilalabas. At ngayon, nandito at bumubulong kung may papel at ballpen ako.
"Meron." Malaki silang ngumisi saakin. Parehong lalaki. Nagpakilala naman sa harap noong first day, parang high school lang. Pero nalimutan ko na ang mga pangalan nila.
"Pwedeng pahiram?" I raised my brow.
"Bago pa ang mga ballpen ko."
Tumango naman sila.
"Sige, bilhin nalang namin. Kahit 'yung papel." I nodded. Madali naman akong kausap.
Nilabas ko mula sa bag ang box ng ballpen.
"Mahal ang benta ko dito." Titignan ko kung kakagat sila.
"Ang dami pala. Magkano?"
"Fifty isa." I watched their reaction.

BINABASA MO ANG
Almost Cruel
RomanceGabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022