Chapter 26

44 12 1
                                    

Chapter 26

"Are you okay?" Inabot ni Kai ang baso ng tubig kay Albie at halos mamatay siya sa kakapigil na hindi muling maubo pero nangyari pa rin.

"I hope he's okay." Bulong ni Kai. Nang makalma si Albie ay tahimik na kaming kumain. Hindi pa ako nakakakalahati nang magpaalam na sila dahil tapos na. Sumenyas si Kaye saakin kaya tumango nalang ako.

"Kumain kapa ng marami, we still have a lot of time." Tumango ako.

"Try this," Inilagay niya ang prutas sa plato ko kaya kinain ko iyon.

"Ayoko nito." Tinuro ko ang gulay.

"Okay, I'll eat it." And he ate it.

After our lunch ay bumalik na kami sa kaniya kaniyang trabaho. Ngayong araw ay mas maluwag ang trabaho namin. Kaya naman saktong oras lang din natapos ang duty ko. Hindi ako masyadong pagod at nakakain sa tamang oras.

To: Kai

Nakakain ako kanina kaya medyo busog pa. Ikaw?

From: Kai

That's good, then. Nakakain na rin ako.

Nakauwi na ako ng apartment. I made sure that I locked the door. Nakalinis na rin ng katawan at hindi na nag-dinner dahil busog pa ako sa kinain namin ni Kai.

Tulog na rin si Kai dahil sa pagod sa trabaho habang ako naman ay pinakikiramdaman ang kapitbahay. Maya maya lang din ay nakatulog ako at nagising dahil sa pagkagutom. I checked my phone just to see that I woke up at two am.

I opened the lights and cooked something for myself. After ng rice ay nag-instant noodles pa ako. Habang pinapainit pa ang tubig ay pinagkukuha ko ang ilang kalat at tinapon sa trash bin. Puno na ang laman nito kaya pinalitan ko ng panibago.

Hindi ko gusto ang may nakakalat na ganito sa kwarto kaya pinatay ko muna ang pinapainit na tubig at sinalin sa cup noodles, tinakpan, bago nagpasyang lumabas para itapon ang garbage bag.

Sanay naman ako na lumalabas o nagtatapon ng ganitong basura sa gabi o madaling araw. Maayos kong nilagay sa loob ng malaking trash can ang bag bago sinara ng maayos. Naalala ko tuloy si Kai dito, pero sa tabing daan ang malaking basurahan na iyon, pero pareho lang ng itsura.

Nasa madilim na parte ako and when I turned around nakita ko ang kalalabas lang na babae galing sa kabilang apartment. She was sobbing and talking to someone from the inside.

"Please... huwag mong gawin saakin 'to. We loved each other!" I didn't mind them, I walked towards my apartment without looking at them. Naalala kong may umiyak na babae ng madaling araw, mukhang nag-away din sila. Pero hindi ako sigurado kung parehong babae nga ito dahil mas mahinahon ang isang ito.

I sighed in relief when I came inside my own apartment.

Kinabukasan ay kinatok ako ng may-ari ng mga apartment. Siguro ay mga nasa 50s na siya, babae, at mabait naman saakin. She was all smile when she saw me.

"Good morning, Jude! Pasensya kana, natutulog ka paba? Nagising ata kita."

"Ayos lang po. Ano pong sadya niyo?"

"Naku, may itatanong lang sana ako." I nodded.

"Pasok po kayo." I let her come inside and let her sat on my dining chair.

"May gusto po ba kayo? Coffee po?"

"Hindi na, Jude. May itatanong lang talaga ako." Naupo ako sa kaharap niyang bangko at tumango.

"May ilang katanungan lang ako dahil ikaw ang mas malapit dito sa bagong lipat na tenant ko. Nagrereklamo kasi saakin ang ilan dahil sa ingay kapag madaling araw. Ikaw ba, nagigising ka ba dahil doon?"

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon