Chapter 34

32 6 4
                                    

Chapter 34

Nakaputing dress ako nang sunduin ni Kai para sa binyag. Tahimik lang akong nagmamasid habang nasa simbahan. Ang buong pamilya ni Alyssa ang naroon at si Kai ay nakadikit naman saakin the entire time. Nasa gilid kami at medyo inaasahan ko nga na panay tatawagin ng Mama ni Kai si Kai para puntahan ang dalawa.

"Thank you for coming, Jude." si Alyssa. Nagpicture taking at nasa gilid ko parin si Kai.

"Magpicture daw kayo ng baby." bulong ko dahil ninong siya.

"Later, Jude. Tayo munang dalawa." busy pa ang ibang ninong at ninang para magpapicture sa baby. Sumenyas si Kai sa isang photographer at nasa gitna kami ng carpet nang pukawin niya ang atensyon ko dahil panay ang tingin ko sa Mama niya kung tatawagin na ba siya.

"'Yung Mama mo,"

"Let her, Jude." hinapit niya ako palapit. Nakailang take pa kami dahil panay ang linga ko.

"One more picture, then we'll go there." tumango ako at inayos ang huling take.

Hinatak ko siya nang matapos para magkaroon sila ng picture nung baby. The baby looks so cute with his white barong. Ngayon ay naka sando nalang para hindi pagpawisan.

"You're here, Kai! Kanina pa kita hinahanap! Magpicture kayong tatlo roon!" umusog ako ng kaonti. Hawak ng Mama niya ang baby at walang nagawa si Ka nang iabot sakaniya ang bata.

"Follow him, Ally!" napatingin si Alyssa saakin. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na pipicturan sila sa cellphone na hawak ko. Gustong gusto pala talaga ng Mama ni Kai si Alyssa para sa anak. Kung hindi ako pinagtutuunan ng pansin ni Kai ay baka masaktan talaga ang todo. Pero ngayong binilisan niya lang ang picture taking at agad akong tinabihan, naging kampante naman agad ako.

"Ginugutom na ako. Let's eat?" nauna kami sa reception area dahil abala pa ang lahat. Kumain kami sa loob at nang nagsidatingan ang tao ay doon nagpatuloy ang parating pagtawag ng Mama ni Kai sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at nagpaalam na saglit lang siya. Kasama siya habang nililibot ni Alyssa ang baby sa mga bisita.

"Daddy Kai! Bagay na bagay naman pala! Baka matapos ang binyag kasalanan naman, ah?" nagpanggap akong walang narinig.

"This is my son Kai! Remember him? Ally's best friend--"

"Baka hindi na best friend 'yan, ah! I saw you with the baby! You looked good as a father!" napabaling ako para lang maabutan ang ngisi ni Kai sa labi. Na parang gustong gusto ang compliment na bagay nga talaga na maging ama siya nito.

Hindi doon natapos ang mga naririnig ko. Kahit makalampas sila sa isang mesa ay naiiwan ang usapin doon.

"Hindi ba si Kai ang ama? Pero di bale, bagay naman silang dalawa! Akala ko lang talaga dahil kanina may picture pa silang tatlo!" pare-pareho ang naririnig ko. Naka-upo lang ako sa sulok kung saan naiwan nang makita ang paglapit ng Mama ni Kai.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm, inaantay ko lang po si Kai." she raised her brow.

"Why not help around?" bago siya umalis kasama ang isang nurse. Talagang nag-effort na lumapit para dito.

Nag-antay ako pero nang makitang napapatagal ang pakikipagbatian at kwentuhan, ayaw ko rin namang pagmasdan o panooring silang mukhang masayang pamilya roon kaya napagpasyahan kong maglibot libot at tumulong tulad ng sabi ng ginang.

Napadpad ako sa dirty kitchen at nakakita ng ilang mga waiter na nagliligpit kaya nilapitan ko ang isa para tumulong.

"Ako na po dito," tumulong ako sa pagliligpit sa likod. Nasa harap sila at ang ibang bisita ay nasa likod. Kaya naman kaysa tumunganga sa harap ay tumulong ako sa mga nililigpit. Naka cater sila pero napilit ko ang lalaki na patulungin ako.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon