Do you remember the Cross?

43 11 11
                                    

Malapit nang sumapit ang gabi at maya-maya ay magsisimula na ulit ang service kaya napagpasyahan ko munang maglakad-lakad sa dalampasigan habang hinihintay ang oras.

Dito kasi sa isang Beach Resort sa Palawan ang Venue ng Youth Camp namin. and By the Grace of God, May this event will empower again the fire of every Christian and Believers na youth.

Pinagmasdan ko ang mga kabataan na nag-eenjoy mag-swimming dahil may program na ulit mamaya kaya nagpahinga na muna ang ilan at naligo sa dagat. Ang iba naman ay nakikipag kwentuhan habang pinanonood ang paglubog ng araw. One of God's Amazing Creation, indeed.

Naalala ko tuloy ang kababata ko. paborito rin naming panoorin ang sunset noong magkasama pa kami. Sana nandito rin ang Kaibigan kong si Loki. Sana nakikita niya rin ang nakikita ko. Sabay sana naming pinapanood ang magandang likha ng Panginoon. It has been 15 years, Loki. nasaan ka na?

"Claudia Vien"

Napatigil ako sa pagmumuni-muni at nilingon kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Isang morenong lalaki na halos kasing edad ko ang nakangiting lumapit sa akin. Pambihira. wala namang araw pero nasisilaw ata ako.

"ahh, h-hello po?" nagtatakang tugon ko.

Napakamot sya sa kanyang ulo bago magsalita, tila nahihiya. "I-ikaw ang Worship leader kanina diba?" tanong niya at tiningnan ko naman sya nang may halong pagtataka. pa'no niya naman kaya ako nakilala?

"Ahh, siguro nagtataka ka kung pano ko nalaman ang pangalan mo." natatawang sambit niya kaya nakita ko ang dimple nya sa kabilang pisngi. oh, this guy reminds me of someone huh. baka naman naipagtanong nya rin siguro kung ano ang pangalan ko pero kanino naman niya kaya itatanong eh first name ko lang naman ang alam ng mga kasamahan ko aww.

"Uhhm, yes ako nga ang nag lead kanina sa Worship team. Glory to Him."  ani ko at alanganing ngumiti. medyo hindi pa rin kasi ako sanay makipag-usap sa stranger.

"That cross" mahinang usal niya.
"huh?"

"nasa'yo pa rin pala ang kwintas na 'yan, Vien." sambit nya.

gulat naman akong napatingin sa kanya dahil may isang tao lamang na natawag sa akin ng second name kong iyon. napahawak ako sa suot kong kwintas.

"I know your name because I remember that Cross. Habang Nag li-lead ka kanina, bigla kong nasilayan ang Kwintas na suot mo. It looks familiar kaya in'approach kita ngayon at hindi nga ako nagkamali." seryosong saad niya. hindi pa rin mag-sink-in sa utak ko ang mga pangyayari kaya hindi ako makapagsalita dahil siya pala. siya pala ang kababata kong si Loki.

"Ibinigay ko yan noon sa'yo ilang araw ang nakalipas no'ng binahaginan mo ako ng Salita Niya. Ipinakilala mo Siya sa'kin at ang nangyari sa Kanya sa Krus. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil ginamit ka Niya bilang instrumento noong time na 'yon. at ito ako ngayon, Nagpapatuloy sa Kaniyang biyaya at habag. Nagbabahagi na rin ng pag-alaala sa Kaniya sa Krus." aniya at may tumulong isang butil ng luha sa kaniyang mata habang nakangiti.

"I-kaw s-i L-Loki" usal ko na hindi pa rin makapaniwala. You are amazing, Lord.

"ako nga." aniya at niyakap ko naman siya na tinigunan din niya. A friendly hug.

Humiwalay na ako sa yakap at kinumusta namin ang isa't-isa. Siya pala ang naatasang Speaker para mamaya kaya napagdesisyunan na din naming pumasok sa loob para makapag ready.

Makalipas ang labinlimang taon, God crossed our paths again.
Praised God dahil Parehas na Niya kaming ginagamit para sa Kaniyang gawain. Lihim akong Napangiti dahil sa mga naalalang ginawang kabutihan ng Diyos sa buhay namin.

"Do you remember the Cross? Do you remember the one who suffered and died at the Cross of Calvary so just we can be saved? Do you remember Him in every single moment of your life? Do you carry your Cross? Come on, youths! Come on, Brethren! Let us examine ourselves!" Loki uttered with conviction habang tahimik naman ang iba at nagti-take note ang ilan. I really praised you God sa buhay ng kaibigan kong ito. He is really a man after God's own heart. "makibukas po tayo sa aklat ni San Mateo
Kapitulo labing anim at ang talata ay dalawampu't-apat. atin pong basahin sa ating mga dalang bibliya."

"We have nothing to boast. have you ever told to your self 'Nothing in my hands I bring, but to the Cross of Christ I cling?' Do you cling to the cross of Christ? We should always cling to His Cross." sambit niya muli at iginala ang paningin sa crowd.

"Nawa ay lagi nating alalahanin ang Krus na kung saan ay napako na rin tayo (ang ating mga kasalanan) kasama ni Kristo. sabi nga sa Unang Pedro 2:24 'Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.' Hindi lang dapat ang mga material blessings at prosperity ang lagi nating ina-acknowledge sa buhay natin. May we always be reminded of what Christ has done for us at the Cross. We are to live in Christlikeness at hindi tayo naging Kristiyano para lamang tumanggap ng mga pagpapala, kundi para tumanggap din ng mga persecution, condemnation, at hatred sa ating kapwa. Ngunit mapagtatagumpayan din natin lahat ng iyon dahil mayroon tayong Diyos na Buhay na Mapagkakatiwalaan."

Yes, I agree. Thank you for the Cross, Lord. Thank you for saving the undeserving and wretch like me.

"Nais ko rin iwan sa inyo ang isang quotation na nabasa ko sa isang libro noon. sabi dito na 'The Cross of Christ reveals our sin at its worst and God's love at its best. So, ayun napakaganda. napakaganda ng pag-alaala sa ginawa ni Jesus para sa atin. Imbis na tayo ang mag-suffer, God demonstrate His love to us through Sacrificing His own Son. Nakakamangha diba. So, God be Exalted alone." pagtatapos niya at ngumiti na nagtama rin ang paningin namin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya at kumaway.

May I always be reminded by your love, Lord? thank you for the price you paid at the Cross.

-Soli Deo Gloria





A/N: PLS. TELL ME IF MAY MABASA OR MAKITA MAN PO KAYONG ERRORS OR TYPOS. KAMSA! MWAPS!

Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)Where stories live. Discover now