"hey, Cauline! Sama ka sa gimik bukas?" tanong sa 'kin ni Aubrey.
tumango ako. "sige ba! Sa'n tayo?"
"dun pa rin sa dati" tukoy nya sa restobar na dati naming tinatambayan.
"sama n'yo na rin 'yung mga boylet nyo girls!" sambit ni keila. Napayuko na lang ako
"ay, wala ka nga pa lang boylet Cauline." muling sambit nya at mahinang tumawa.
"don't worry cauline, ihahanap kita bukas ng boyfie haha" ani aubrey.
duh, ang dami ko ng problema, ayoko ng dagdagan pa psh.
Nag-angat ako ng tingin. "ewan ko sa'yo aubrey" irap ko at isinukbit na ang aking bag.
"bye girls! Kita kits na lang!" paalam ko at umalis na.
"ingats girl!"
habang naghihintay ng jeep, nakita ko si ezekiel na papalapit sa'kin. Pauwi na rin cguro.
"hi cauline!" nakangiting bati nya ng makalapit.
"uhm, hello ezekiel, pauwi ka na rin?"
"oo eh. A-attend ka ba sa sunday?" nakangiti nyang tanong. Bukod sa magka schoolmate ay magka churchmate din kasi kami. Pero sya, malalim na ang relasyon kay Lord Samantalang ako, patapon.
"may lakad ako sa linggo." diretso kong sagot at napawi naman ang kanyang ngiti.
"cauline?" taka ko naman syang tiningnan ng tawagin nya ang pangalan ko.
"yes?"
"why?"
"huh?"
"miss ka na ni Lord." pagkasabi nya no'n ay may tumigil na jeep sa harapan namin.
"Jesus loves you cauline." aniya at tin'ap ako sa balikat bago pumasok sa loob.
kung mahal nga Nya ko Ezekiel, hindi Nya hahayaang masira ang buhay ko. Nakayuko naman akong sumunod sa kanya.
pagdating sa bahay, kita ko ang mga nagkalat naming mga damit, basag na plato at mga paso. Papasok na sana ako sa loob ng marinig ko ang pag-aaway nina mama at papa dahilan para mapatigil ako.
lumabas na lang ulit ako at hinayaan kung sa'n man dalhin ng mga paa ko.
hindi Christian ang mga magulang ko. Tanging ako lang ang nag si-serve no'n kay Lord. Pero one day, bigla na lang nagbago ang lahat.
nang mawala ang kaisa-isang kapatid ko, naging miserable na ang bawat araw ko. Sa 'kin binunton ng mga magulang ko ang sisi.
dahil ako Ang kasama ng aking kapatid nung time na 'yun. Niyaya ko kasi sya na sumama sa'kin sa church. Ngunit habang naglalakad kami, may truck na papalapit sa'min. Itinulak nya 'ko sa kabilang kalsada at mangiyak ngiyak ako ng makita syang nakahandusay sa pwesto kung saan kami nakatayong dalawa.
simula no'n lagi nang nag-aaway sina mama at papa. Tumigil na rin ako sa pag-attend sa church. Lalo lang gumulo ang buhay ko simula nung maglingkod ako sa Kaniya.
di kalayuan may natanaw ako na dalawang bata na naglalaro ng habulan. Tumingala ako sa kalangitan. Tila nagbabadyang umulan. "miss na kita candice." miss ko na ang kapatid ko.
kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
ang sakit. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa puso't isipan ko ang nangyari.
wala na naman akong kwenta. Kahit sarili kong mga magulang kinamumuhian ako. Ano pang silbi ko sa mundong 'to?
when moana said "I Wish I could be a perfect daughter" I really felt that.
"Lord, bakit?" wala sa sariling Sambit ko at humagulhol ng iyak. "bakit kailangan danasin ko pa ang sitwasyong 'to?"
"maybe it's His way to strengthen your faith unto Him." gulat akong napalingon sa nagsalita. Anong ginagawa dito ni Ezekiel? He's standing behind me while holding his umbrella with a little smile etched on his face. But it seems Like he's worried eh? Weird.
"what in the world are you doing here, Ezekiel?"
naglakad sya papalapit sa 'kin at pinayungan ako. Saka inabot sa 'kin ang kulay berdeng panyo.
"pinapunta kasi ako ni Lord dito dahil may babae daw na umiiyak sa gitna ng ulan?" patanong nyang sagot.
natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kanya.
"ang Cauline kasi na kilala ko ay 'yung hind sumusuko. Hindi natitibag kahit anumang pagsubok at nananatiling matatag. Dahil alam nya na may Lord na gumagabay sa kanya" hindi ko alam na ganun pala ang pagkakakilala ni Ezekiel sa 'kin. Pero wala e, napasuko ako, Nanghina. "I Don't know what problems are you facing right now. But I want you to know that the pain That you've feeling can't compare to a joy that is coming. And that is one of the promises of God." Kanina, gusto ko na sumuko. I don't know pero tila nabuhayan ako ng pag-asa sa loob ko.
"i-surrender mo lang lahat at iiyak yan kay Lord. Your trials & tears will be your testimony someday." dagdag pa nya at gnulo ang buhok ko.
humiwalay na 'ko sa yakap at tiningnan sya. "gusto ko ng bumalik sa presence ni Lord, Ezekiel." malungkot kong saad. "miss ko na rin sya.""you're always welcome in His Kingdom Cauline." ngiti nya.
I smiled "thank you for encouraging me Ezekiel."
"God bless you"
kanina pa huminto ang ulan. Nandito kami sa bridge ngayon kung saan tanaw ang buong lungsod. at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Sinabayan nya pa 'ko sa pagkanta sa chorus ng kantang "heart of worship"
“I'm coming back to the heart of worship
when it's all about You,
It's all about you Jesus.”Yes, I will come back to the heart of worship. In the Kingdom of God where I am the princess and My Father is a King.
A/N: PLS. TELL ME IF MAY MABASA OR MAKITA MAN PO KAYONG ERRORS OR TYPOS. KAMSA! MWAPS!
YOU ARE READING
Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)
Short StoryI wrote these in the years 2018 to 2019. These are my first stories in the spiritual genre. Maybe there are still a lot of flaws that I haven't edited, so please bear with me. I just would like to share these with you, brethren. Shalom! "In everythi...