Maaga akong natapos sa 'king morning devotion at naisipan ko munang pumunta rito sa isang park na malapit sa 'min. dinala ko rin ang aking notebook na sinusulatan ko ng mga spiritual genre stories. Masarap kasi magsulat sa tahimik na lugar at habang ino-observe mo 'yung mga taong nasa paligid mo kapag na-inspire ka sa kanila, maaari mong maisali 'yon sa sinusulat mong story.
kasalukuyan akong naka-upo sa swing habang nagsusulat nang mapadako ang aking tingin sa dalawang magkasintahan na napadaan. Masaya silang naglalakad kasama ang dalawa nilang alagang tuta. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag ang strong ng isang relasyon no? Pero mas lalong maganda kapag ang God ang center at author ng lovestory nyo.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa maaliwalas na kalangitan.
"kahit gaano katagal Lord. Maghihintay pa rin po ako sa taong inilaan nyo para sa 'kin." mahinang sambit ko. "I will serve you Lord, while waiting. At kahit ibinigay nyo na po sya sa 'kin, magpapatuloy pa rin akong mag-serve sa'yo."
I'm already twenty-one years old. Pero NBSB (No Boyfriend Still Blessed yeah) pa rin ako. Alam kong nasa tamang edad na 'ko pero ayokong pangunahan 'yung plano ng Lord sa 'kin.
"Ate, ate" napatigil ako sa pag mo-moment nang may kumalabit sa 'kin.
"H-ha?"
"Ate, baka po may pera kayo d'yan?" ani ng batang kumalabit sa'kin. "kahit barya lang po."
tiningnan ko sya. Madungis at medyo masang-sang ang amoy. Sino ba'ng mga magulang ng batang 'to? Imbis na pera ang ibigay ko, ay kinuha ko sa 'king tabi 'yung mga dinala kong snacks kung sakaling magutom ako.
"ito oh, sa'yo na lang 'to." ngiti ko at ini-abot ito sa kanya. Mabilis nya itong tinanggap at nagpasalamat bago umalis. Kita ko naman ang tuwa sa kanyang mukha.
"Wow! thank you Po dito ate."
"sige. God bless you."
kaya pala dinala ko 'yon, dahil may mas nangangailangan kaysa sa'kin. It's okay. Masaya ako na ginamit ako ng Lord as His instrument para makatulong at maging blessing sa iba.
"ang sarap maging blessing sa mga tao no?"
"ay tutong ng kanin ka!" muntikan na akong mahulog sa swing nang may bigla akong narinig na nagsalita. Pa'no nakakagulat naman kasi. 'yung nag mo-moment ka tapos bigla nalang may lalapit sa'yo ng hindi mo alam.
"haha! Hindi ako tutong ng kanin, Serenity!" nilingon ko 'yung nagsalita. At nakita ko si Winston na nasa likuran ko habang tawa ng tawa. Napansin ko ring may Hawak syang gitara at isang papel. Ay tutong ng kanin talaga! Anong ginagawa nya rito? Nakakahiya tuloy argh!
"uhm, b-bakit ka kasi nanggugugulat?" tanong ko. "tsaka, ano nga palang ginagawa mo rito?"
tumigil na sya sa kakatawa at naupo sa swing na katabi ko. Mas gwapo pala talaga sya sa malapitan Ay. Oh Lord, guard my heart po. Matagal ko na kasing crush si Winston at ka churchmate ko rin sya. Sya ang guitarist ng music team sa church. Hindi nga 'ko napapansin nito sa church eh. Tapos bihira lang kami mag-usap. Kaya naiilang tuloy ako ngayon. Yumuko na lang ako at kunwaring nagsusulat.
"actually, kanina pa 'ko nandito. Hindi mo lang ako napansin dahil busy ka sa ginagawa mo. Magsusulat kasi ako ng kanta at naghahanap ng maaliwalas at medyo peaceful na lugar. At dito ako dinala ng mga paa ko kanina." saad nya. Ah, magsusulat rin pala sya. Kaya sya nandito.
"at 'yung batang pulubi? Ako ang nagsabing lapitan ka niya kanina." napatingin ako sa kanya. Test mo ba 'yun para sa taong karapat-dapat sa'yo? Kung gano'n pasado ako! Hehe char. Single pa rin kasi 'tong si Winston. Hindi ko lang alam kung bakit. Gwapo naman sya at nasa tamang edad na. Maybe, naghihintay rin sa perfect timing ng Lord?
"b-bakit?" naitanong ko.
"dahil alam ko namang hindi mo sya tatanggihan. Nakikita ko nga minsan, kahit 'yung para sa'yo ibinibigay mo pa sa iba." bigla naman akong namula sa sinabi nya. Eh? Hindi ko alam na pinagmamasdan nya pala ang mga kilos ko. Why is that? Uh-oh.
"ah, hehe syemre be a blessing to others. Tsaka, masarap sa pakiramdam kapag nakatulong ka." naiusal ko.
"kaya alam kong magiging mabuting asawa at ina ang babaing inilaan at will ng Lord para sa 'kin." ngiti nya at nilingon ako.
A-ano daw? A-ako ba ang tinutukoy nya? Gosh! 'wag ka ngang assuming Serenity. Masasaktan ka lang. Hayaan mong ang Lord ang mag decide at kumilos.
"h-ha?" naiusal ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kasi kayang tagalan ang nakakatunaw nyang titig.
"kasi Serenity, To be honest matagal na kitang ipinag p-pray sa Lord." ako? T-talaga? Ako rin Winston eh. "kaya kaya kahit nasa tamang edad na 'ko, hindi pa rin ako nag g-girlfriend at kung minsan eh, napagkakamalan pa kong bakla." mahina syang natawa. At ako naman, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Lord, is this your will?
"kaya, nag-serve muna 'ko kay Lord. At idinalangin sa kanya na ipu-pursue kita sa tamang panahon. Pinilit kong ilayo sa'yo ang sarili ko no'n dahil gusto kong mag-serve at mag-grow muna tayo sa kanya spiritually. And I know, This is the right time. Bago ko humarap sa'yo I pray to God na gabayan nya 'ko at bigyan ng lakas ng loob, Serenity." is this for real. I can't believe it. Ang akala ko talaga, hindi ako nag e-exist sa mundo nya.
"at kahit ga'no karaming babae ang lumalapit sa 'kin no'n. Hindi ko sila pinapansin. Dahil aanhin ko 'yung kagandahan nila? Kung wala naman silang Jesus sa puso. Edi, dito na 'ko sa babaing ipinagdarasal ko at alam kong makakasama kong mag-serve sa 'Kanya' hanggang dulo." seryosong saad nya at hinawakan ang kanang kamay ko. Teka, matutunaw yata 'ko, Lord. Naiinggit nga ako minsan kasi 'yung ibang babae nakakalapit sa kanya. Samantalang ako, tamang silay lang sa malayo.
"so, maaari ba kitang ligawan binibini?" aniya at lumuhod sa harap ko.
nagulat ako sa ginawa nya at tiningnan sya. Gosh! naiiyak ako. Lord, pa'no ba 'to? Si Winston na ba?
tumango ako. "oo, ginoo." tuwang sambit ko.
niyakap nya 'ko ng mahigpit at naupo muli sa swing na katabi ko.
"so, habang nililigawan kita binibini mag papatuloy pa rin tayong mag-serve kay Lord. At hanggang sagutin mo na 'ko, sya pa rin dapat ang ating first priority." aniya at inilahad ang kanang kamay nya na naka sign ng pinky-promise. "so, Jesus first?"
napangiti ako at tumango. saka tinugunan ang pinky promise nya. "yes, Jesus First."
A/N: PLS. TELL ME IF MAY MABASA OR MAKITA MAN PO KAYONG ERRORS OR TYPOS. KAMSA! MWAPS!
YOU ARE READING
Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)
Short StoryI wrote these in the years 2018 to 2019. These are my first stories in the spiritual genre. Maybe there are still a lot of flaws that I haven't edited, so please bear with me. I just would like to share these with you, brethren. Shalom! "In everythi...