kanina ko pa gustong matapos ang lesson namin about sa History. pa'no ba naman eh nakaka boring kaya ang subject na 'to. kahit nga 'yung iba kong mga kaklase hindi na naiwasang dumukdok sa kanilang armrest dahil sa antok. pero hindi ko sila ginagaya, dahil sayang naman ang perang pinampapa-aral sa 'kin ng mga magulang ko kung hindi ako mag-aaral ng maayos. Kaya pinipilit kong pigilan kahit gusto ng pumikit ng mga mata ko.As usual, dahil malapit na ang independence day ay puro tungkol sa kung paano nakalaya ang pilipinas sa mga spaniards ang topic namin ngayon. at syempre, hinding-hindi mawawala ang pinagtatalunan na kung sino ba talaga ang dapat na ituring nating Philippine National Hero. kung si Dr. Jose Rizal ba o si Andres Bonifacio.
"For you class, Sino ba ang itinuturing ninyong bayani? si Dr. Jose Rizal ba o si Andres Bonifacio. Oh! Let me rephrase that. For you, Who is your own Hero/heroes?"
may mga sumagot na si batman, superman, darna at iba pang mga napapanood sa telebisyon na may mga supernatural powers daw ang hero nila para sa kanila. ako naman, walang maisip dahil wala naman akong alam at kilala na tulad ng mga sinasabi nila dahil wala kaming telebisyon sa bahay namin noon pa.
"how about you, Penelope?"
nag-tinginan lahat ng mga kaklase ko sa 'kin. ramdam ko na agad na sa tingin pa lang nila, ay gusto na nila akong palayasin sa paaralang ito.
'wag kayong mag-alala matagal ko na rin gustong makalaya sa lugar na'to.taas noo akong tumayo at huminga muna ng malalim. teka, sino nga ba ang hero ko para sa 'kin? Bahala na si boogieman.
"ma'am Para po sa akin.... My hero are My parents. Because My parents is my----"
biglang nagtawanan ang ibang mga kaklase ko. alam ko naman na hindi talaga ako magaling pagdating sa Ingles. pero, sinisikap ko namang pag-aralan kung papaano kahit mahirap.
"Class, Please quiet!" saway ni ma'am. At hinayaan akong magpatuloy kahit tagalog.
"Ma'am, para po sa akin bukod kina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay ang mga magulang ko po ang aking itinuturing na bayani. Dahil kahit anong hirap ay kinakaya po nila para lamang maitaguyod kami ng mga kapatid ko. kahit minsan, nakikita ko po na nakangiti sila, ngunit bakas sa mga mata nila ang pagod at hirap ay hindi ko maiwasang malungkot at masaktan dahil alam kong hindi biro ang mga pasakit nila sa araw-araw." ramdam kong nangingilid na ang mga luha ko. Pero pinilit ko pa ring pigilan.
"Kaya, kahit mahirap po ay tinitiis ko ring mag-aral para lahat ng pagtitiis at paghihirap nila ay masuklian ko balang-araw. hindi lamang po ang mga magulang ko ang aking itinuturing na bayani, kun'di lahat ng mga magulang sa buong mundo na nagsasakripisyo at nagtitiyaga para sa mga anak nila."
"alright. Thank you Penelope."
ngumiti ako at bumalik na sa upuan ko."Anyone?"
"maam!" napatingin kami sa aming kaklaseng Kristiyanong si Summer---the nerd nang magtaas ito ng kamay.
"Yes, Summer?"
tumayo sya saka inayos muna ang makapal na salamin. "ma'am, for me ay hindi po dapat tayo palaging naka-focus sa ginawa ng isang tao. kasi kung tutuusin, wala naman po silang magagawa kung sa sarili lamang nilang kakayahan. Tulad ng mga taong itinuturing nating bayani. All of them are only God's instrument for us to achieve our freedom." parang nag g-glow ang mukha niya habang nagsasalita.
Okay, parang alam ko na kung sa'n papunta 'to.
"kasi po yung knowledge, strength and braveness nila ay kay Lord nangagaling. Kasi kung minsan po, mas nag f-focus tayo mismo do'n sa creation hindi sa Creator na nagbigay sa 'tin ng kung anong meron tayo. so, my point here is 'wag po nating kalimutan kung sino ang nagbigay sa 'tin ng ating mga kakayahan. the fame, success and pleasures of this world is nothing if you think that you can do all things only by yourself. because we can only make things possible if we depend ourselves on God."
YOU ARE READING
Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)
Short StoryI wrote these in the years 2018 to 2019. These are my first stories in the spiritual genre. Maybe there are still a lot of flaws that I haven't edited, so please bear with me. I just would like to share these with you, brethren. Shalom! "In everythi...