A Treasure to be shared

18 8 3
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako ngayon sa isa sa mga nagmamahalang resort sa buong Pilipinas. Isinama kasi kaming dalawa ng kuya ko ng aming tito na isang Evangelist dahil may meeting sila ngayon dito. Isa na talaga ito sa napakalaking pribilehiyo sa buhay ko. Woah! Salamat, Lord! what a great opportunity!

Dahil naiinip ako sa kwarto na nakalaan sa min, nagpaalam muna ako kina kuya at tito para maglibot saglit sa loob ng resort. dise otso anyos nanaman ako kaya pinayagan na rin nila ako. yes! haha!

abot tainga ang aking ngiti habang marahan na naglalakad patungo sa isang kainan dito. mabuti na lamang at may pera ring ibinigay sa amin sila mama.

Nginingitian ko ang bawat nakakasalubong ko at ngumingiti rin naman sila pabalik ngunit Hindi ko alam pero ramdam ko na may mali sa kanila. nakikita ko sa kanila na mayroong bigat sa kanilang kalooban kahit na nakangiti sila. Pansin ko rin na talagang bigatin ang mga tao rito, mayayaman talaga.

"Kahit anong dami ng pera mo, kung wala ka namang relasyon sa Panginoon, Walang kabuluhan lahat ng iyon." malungkot na sambit ko sa 'king sarili.

"This wicked generation desperately needs a Savior. At bilang isang taong naliwanagan, ibahagi mo ang pag-asang natanggap mo. Huwag mong sarilinin, Huwag mong itago." sumagi rin sa isip ko ang sinabi sa amin ni tito noon.

Nang makarating ako sa destinasyon ko,  um-order na agad ako ng paborito ko. walang iba kundi ang Shawarma Pizzaaaaa! "Yes! Thank you, Lord!"

Kakagat pa lamang ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Sinagot ko naman agad ito dahil nakita kong si Kuya ang natawag. baka kasi urgent din ang sasabihin nya.

"Nasan ka na Lurene?" mahinahong tanong niya sa kabilang linya.

"Kumakain pa po ako dito ngayon, Kuya. bakit po?" nagtatakang tanong ko.

"naalala mo pa yung sinabi sa atin ni tito bago pumunta rito?"

Napa-isip ako sa sinabi niya. ah, oo nga pala! hinabilin sa'min ni tito na mag share ng gospel sa kahit sinong tao dito sa resort. hindi na naman ako bago sa pag eevangelize, pero dumadating pa rin sa puntong kinakabahan talaga ako. kaya puspusang prayers talaga ang ginagawa namin bago sumabak sa digmaan.

"Yes, kuya! Share The Treasure!"

"Mabuti naman. akala ko nakalimutan mo na rin. God bless sa Journey mo, bunso!"

"Glory to Him alone, Kuya!" And then I ended the call.

Binilisan ko na ring kumain. at habang naglalakad muli ako paalis doon, na realize ko rin na dapat hindi mawaglit sa isip ng isang Kristiyano ang naising magbahagi ng Salita ng Diyos sa kanyang kapwa. yes, the great commission!

"Go ye therefore and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and the Son, and of the Holy Ghost. Matthew 28:19" bulong ko sa sarili ko. naalala ko rin na nakalagay din nga pala ang verse na ito sa Mission ng Church namin.

"Don't be Ashamed, Lurene! God is with u! Anoint me Holy Spirit and Anoint your word na ibabahagi ko oh, God. Give me the knowledge and wisdom that comes from you dahil wala akong magagawa kung sa sarili ko lang po talaga. Speak to them through me, Lord." dasal ko habang tinatahak ang direksyon kung san ako dalhin ng Lord.

Nagtatakang lumingon-lingon ako sa paligid dahil sa isang rooftop ako dinala ng mga paa ko.

Ilang sandali pa ay napako ang aking tingin sa isang babae na nakatalikod mula sa direksyon ko. Siguro halos magkasing edad lang kami. pansin kong gumagalaw ang mga balikat nito kaya sa tingin ko ay umiiyak sya.

Ito ang unang pagkakataon na naka encounter ako ng ganitong tao sa ganitong lugar at hindi ko alam ang gagawin ko. Naisip ko rin tuloy na baka magpapakamatay ang babaeng ito kaya narito rin sya sa itaas. hays. "Lord, tulungan mo po ako. Holy Spirit, guide me and move upon her heart, mind and soul."

Imbis na matakot at mag-isip ng kung anu-ano, Nagtungo ako sa kabilang bahagi na kalihis kung saan ang direksyon niya. hindi ako nagpahalata na alam kong may tao rito bukod sa akin. tumingala ako sa itaas at pinuri ang Diyos sa aking isipan. pumikit ako at pinagsalikop ang aking mga kamay.

"Hindi naman totoo ang Diyos na sinasabi nila! Sana hindi na lang talaga ako pinanganak. Napakahirap lang mabuhay sa mundong 'to!" dinig kong mariin na sambit nya at humagulhol.

kahit nakapikit ako, ay ramdam ko ang galit na nararamdaman niya sa bawat salitang kanyang binitawan. nalungkot ako at naawa para sa kanya. nakita ko rin tuloy ang sarili ko sa kanya dati.

Naalala ko nanaman ang mga nagawa ko noon bago ko nakilala ang Diyos. tinutuya ko rin Sya noon. galit na galit din ako sa Kanya noon dahil sa nangyari sa pamilya ko. Pero sa Biyaya at Awa ng Diyos, Pinalaya Niya ang isang tulad ko.

Mahalaga ang bawat minuto kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras. minulat ko ang aking mga mata at lumingon sa direksyon nya. kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa itaas.

naglakad ako ng marahan patungo sa kanya. "Hello? bakit ka nandito?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at umiyak lang sya ng umiyak kaya niyakap ko sya at dinamayan na muna. akala ko ay itutulak nya ako pero umiyak lang sya sa balikat ko. "Lord, kumilos ka sa buhay ng babaing ito. alam kong may gagawin ka sa buhay niya." sambit ko sa isip ko.

"Miss, Hindi man kita kilala at hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo, pero iiyak mo lang lahat. Minsan may mga pagkakataon na Hindi na natin kaya at nasisisi natin ang Diyos pero nandito ako ngayon at lumalapit sa'yo bilang Kanyang instrumento. Nais Niya na makilala mo rin Sya ng lubos sa buhay mo." ani ko

"Hindi pa huli ang lahat, Miss. Nais kong ibahagi sa'yo ang pag-asang natanggap ko at ang kayamanang nakatanim sa puso ko."

Humiwalay na sya sa pagkakayakap. kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at iniabot sa kanya.

"S-salamat. Hindi ko alam, pero hirap na hirap na talaga ako. Napakasakit kasi talaga na kahit anong gawin ko, hindi man lang na aappreciate ng nga magulang ko. kahit anong yaman ko, iniiwan pa rin ako ng mga taong pinahalagahan ko. Nawawalan na rin ako ng gana na maniwalang totoo ang Diyos na sinasabi nila." humihikbing sambit nya. "gusto ko na nga lang sana tumalon dyan para tapos na ang problema ko." aniya pa.

"Miss, nandito ako hindi para husgahan ka o saktan ka sa mga sasabhin ko, kundi, bilang instrumento ng Diyos, Nais kong ibahagi Sya sa'yo." ilang sandali pa bago sya tumugon at tumango naman sya." woah! Praised God!" bulong ko.

"Lahat tayo nagkasala. ikaw, ako at tayo. nasusulat sa Romans 3:23 iyon. Alam mo bang hindi tayo karapat-dapat sa ano mang mga bagay na natatanggap natin dito sa mundo? Kahit ang hangin na nalalanghap natin ay hindi natin deserve. Napahiwalay tayo sa Diyos dahil sa kasalanan. At nasusulat na ang kabayaran ng Kasalanan ay walang iba kundi, kamatayan. Nasa Romans 6:23 naman iyon." tahimik naman syang nakikinig.

"Ang Diyos ay Banal. Ang Diyos ay Makatarungan. pwede nanaman nya tayong itapon sa impyerno pero dahil Siya ay God of Chances din at Likas sa Kanya na Mapagmahal, He proved His love to us, through Action. In John 3:16 'For God so loves the world that He give His only begotten Son that whoever believes in Him shall not perish but have an everlasting life!' He Sacrificed His Own Son para lamang makatamo tayo ng kaligtasan. Nakakamangha diba?" ngiti kong sambit sa kanya.

ang kaninang nagngangalit na mga mata ay napaltan ng pagkamangha. mukhang nahimasmasan na rin sya.

"Kaya may pag-asa ka pa, Miss. at ang pag-asang ito ay walang katulad. Ang kayamanang ito ay hindi rin kumukupas. Nais pa kitang makilala at para madami pa akong maibahagi sa'yo tungkol sa Kanya. gusto ko ring ibahagi ito sa'yo ng mas detalyado pa." sambit ko na nakatingin sa mga mata niya.

Muli niya akong niyakap at humagulhol. "S-alamat sa Diyos dahil ginamit ka Niya." aniya.

"Sa Kanya lamang ang papuri." ngiti ko at napangiti rin naman sya. tumingin akong muli sa itaas para purihin ang Dakilang Diyos.

Thank you for this moment, Abba Father. All Glory belongs to you alone! Share The Treasure, Brave Soul.







A/N: PLS. TELL ME IF MAY MABASA OR MAKITA MAN PO KAYONG ERRORS OR TYPOS. KAMSA! MWAPS!

Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)Where stories live. Discover now