My Miss Answered Prayer

15 7 3
                                    

It was a Blessed Sunday morning again. I'm very thankful dahil binigyan na naman ni Lord ng karagdagang taon ang aking edad. Thank You Jesus! Maaga akong gumayak dahil a-attend ako sa church ngayon. Kaya lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa dining area. Mga nakagayak na rin sila mama at papa pati si ate.

"blessed morning!" masiglang bati ko sa kanila kaya napatingin sila sa'kin.

"oh! Gising na pala ang aming gwapong birthday boy!" nakangiting sambit ni mama at nilapitan ako saka niyakap. "happy birthday baby."

"thank you ma" tugon ko at humiwalay sa yakap. "but ma, I'm not a baby anymore. I'm a man now." natatawang sabi ko at pumunta sa lamesa.

"wow! Ang dami nyo naman po yatang iniluto ma!" gulat na sabi ko ng makita ang napakaraming iba't ibang putahe na nakahain.

"don't worry, it's okay. Ganyan naman talaga ang mama mo sa t'wing kaarawan nyo. 'yung iba ay dadalhin natin sa church pati sa orphanage. Ngiti ni papa at tin'ap ako sa balikat. "happy birthday son." napangiti ako. "thank you pa"

"happy birthday Jack!" bati naman sa 'kin ni ate ng makaupo ako. "thank you ate" ngiti ko sa kanya.

ilang sandali pa ay nagsimula na kaming magdasal at kumain.

"hey bunso! Kailan mo pala balak ipakilala sa'min ang mapapangasawa mo?" usisa ni ate habang kumukuha ng kare-kare. Muntikan na 'kong mabilaukan sa tanong nya kaya agad kong ininom 'yung tubig sa harap ko. Ramdam ko rin 'yung mga tingin nila na naghihintay sa 'king sagot.

ibinaba ko ang baso at nagsalita. "ate, maraming panahon para jan. At si Lord ang bahalang magbigay sa akin nyan." minsan, napagkakamalan pa tuloy akong bakla dahil wala pa raw akong nagiging girlfriend haist.

"and there's a perfect time for everything. Ang pag-ibig, pinagpi-pray 'yan hindi pinapangunahan." kaya andaming nasasaktan eh. Mga na b-broken. Mga masyadong nagmamadali kaya umiiyak sa huli. Mga kabataan nga naman. Napa iling na lang ako sa naisip.

"bunso, 25 years old ka na. Hindi pabata'. but if you say so." ani ate at nagtuloy sa pagkain. Hindi na rin gaanong nakisali sa usapan namin sina mama at papa.

twenty-five years old na nga ako. At pitong taon ko na rin ipinagdarasal ang babaing kalooban ni Lord para sa'kin. Ayokong pangunahan dahil ayokong makasakit at masaktan. Kaya habang wala pang 'go' signal signal si Lord, maglilingkod muna ako sa kanya. Dahil alam kong 'da best ang plano niya. I will serve Him while waiting. And I know, that It's all worth the wait.

"Jelaicy, anak hayaan mo na si bunso. God has a better plan for Him." saad ni mama. Napangiti ako. Yes ma. Besides, His will and not my will.

pagkatapos kumain ay nagtungo na kami sa church sakay ang mga iniluto ni mama.

pagpasok sa loob ay ramdam ko agad ang presence ni Lord. I can feel His amazing grace woah!

binati rin ako ng mga kapatiran at biniro pa patungkol sa 'king lovelife. Nginitian ko na lang sila at sinabing "In a relationship na po ako kay Lord." Siya lang sapat na at higit pa. Indeed.

"uy! Happy birthday brother Jack!" bati sa 'kin ni Brother Ryan. Isa sa mga kaibigan ko rito sa church. Ang drummer sa music team. "thank you Ry."
sagot ko at umupo kami sa bandang hulihan.

"saka na 'yung regalo ko sa'yo ah? Pag nag-asawa ka na brad." ani nya at mahina akong siniko. Sabay kaming natawa. Napailing na lang ako.

"nga pala Jack, natatandaan mo pa ba si Karina?" tanong niya.

"oo naman Ry. Bakit? Ano na nga palang balita sa kanya?" syempre, paano ko makakalimutan ang kauna-unahang babaing bumihag sa puso ko nung unang attend ko pa lang rito sa church? Sayang nga lang at nangibang-bansa rin sya agad para mag-aral sa bible school sa America at doon magtrabaho.

Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)Where stories live. Discover now