God gave me you

17 7 3
                                    


Mahigit limang taon na kaming kasal ng asawa kong si Gavin. At sa loob ng limang taong iyon, ay hindi ko akalain na mas lalo ko pa siyang mamahalin.

kahit kailan, hindi sya nagkulang at nagsawa o sumuko sa pag-intindi sa kalagayan ko. Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan nya 'ko ng isang taong tanggap at mahal na mahal ako.
Hindi man kami nabiyayaan magkaroon ng anak, hindi yun naging dahilan para mabawasan ang pagmamahal namin sa isa't-isa.

I already have a cancer bago pa kami ikasal. Ayoko sana dahil nga sa kalagayan ko. Pero sinabi nya sa'kin na hindi 'yun hadlang sa tunay na pagmamahalan at pagsasama naming dalawa, lalo na 'pag si God ang center ng isang relasyon.

"Dein, do you know where's the safest place on earth?" asked my husband Gavin. he is behind me habang tulak-tulak ang wheelchair ko papunta sa balcony ng aming kwarto.

"where it is, Gavin?" tanong ko nang makarating kami, kahit alam ko na ang sagot.

"it is when you are in the center of God's will."

palagi nyang ipinapaalala sa'kin ang bagay na iyon. Na safe ako dahil kay Lord. Para gumaan ang aking pakiramdam sa t'wing nalulungkot ako sa ka-dahilanang alam ko na hindi na rin ako magtatagal sa mundong 'to.

God knows how much I love to spend my life to serve Him and to be with Gavin. But God is the only one who can control and decide if He'll extend my life.

"darling, pwede mo bang i-abot sa'kin ang gitara ko?" ani ko at mabilis naman nya itong kinuha.

"here it is darling." ngiti nya at inabot sa'kin nang makuha ito.

"thank you."

everynight, ito ang nagiging bonding naming dalawa dito sa balcony. Haharanahin namin ang isa't-isa pagkatapos ay kakanta rin ng mga worship songs.

inumpisahan ko nang mag-strum ng gitara at sinimulang tugtugin ang intro ng kanta. Nanatili naman syang nakaalalay sa'king likuran.

'Too many billion
people
running around
the planet
what is the
chance in heaven
that you'd find
your way to me?
tell me what is
this sweet
sensation?
it's a miracle that's happened
though I search
for an explanation
only one thing it
could be-'

habang kumakanta ay inaalala ko 'yong mga araw na nag kakilala kaming dalawa. He was the drummer while I was the guitarist of the music team sa 'ming church no'n. Pero mas flexible sya sa 'kin dahil kaya nyang tugtugin ang iba pang mga instruments bukod sa drums.

'That I was born
for you
it was written in
the stars
yes, I was born
for you
and the choice
was never ours
it's as if the
powers of the
universe
conspired to
make you mine
and til the day I
die,
I bless the day
that I was born
for you...'

maraming tao nga ang nagsasabi sa 'kin ng napaka swerte ko sa kanya. But no. I wasn't lucky. 'cause I was blessed to have him in my life.

'Too many foolish
people
trying to come
between us
none of them
seem to matter
when I look into
your eyes
now I know why I
belong here
in your arms I
found the answer
somehow nothing
would seem so
wrong here
If they'd only
realise..'

naalala ko pa no'n na sya rin 'yong nag-comfort sa'kin no'ng time na nalaman kong adopted child ako ng parents ko. Litong-lito ako at hindi alam ang gagawin no'n. Hanggang sa naisipan kong maglayas. But God is really good. He uses Gavin to made me realized that God is always on my side. At hindo solusyon ang maglayas ako dahil si God lang ang solusyon sa problema ko.

'That I was born
for you
and that you
were born for me
and in this
random world,
this was clearly
meant to be
what we have
the world could
never understand
or ever take away

and till the day I
die.
I bless the day
that I was born
for you...'

gayundin no'ng nalaman kong may cancer ako. Nasa isip ko na gusto ko ng tapusin 'yong buhay ko dahil nahihirapan na 'ko sa sakit ko. And no'ng time na magpapakamatay na dapat ako. Isang hakbang na lang mula sa rooftop ng isa sa mga pinakamataas na building sa'min, ay napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Gavin. Hindi ko alam na sinundan nya pala 'ko no'n.

"Jesus loves you, Dein." I heard him uttered.

God used Gavin again as His instrument. Pwede ko naman syang hindi pansinin at tumalon na lang no'n. But suddenly I realized na siguro, hindi pa tapos ang misyon ko sa mundong 'to. Na may magandang plano pa si Lord sa 'kin.

that time, God saved me again from my selfishness. Marami pang ginawang himala at pagbabago ang Diyos sa buhay ko hanggang sa ibinigay nya ang taong inilaan nya para sa'kin.

Si Gavin.

kaya sobrang napaka palad ko in spite of my selfishness and being hard headed ay patuloy pa rin akong iningatan ni God. I didn't deserve all of these but He gave it all to me. He's really awesome and pretty amazing. Thank you Lord.

'what we have
the world could
never understand
or even take away

and as the years
go by
until the day I die
I bless the day
That I was born
For you...~

nang matapos ako sa pagkanta ay hindi ko namalayan na unti-unti nang tumulo ang aking mga luha. Pumunta naman agad sa harapan ko si Gavin at umupo para maging pantay kami. Pinahid nya ang mga luha kong walang tigil sa pagpatak.

"sshh, stop crying Dein. I love you always and forever Darling." aniya at kinuha ang gitara mula sa 'kin.

tiningnan ko sya. "I'm just happy darling." ngiti ko. "because God gave me someone like you."

nginitian nya 'ko at nagsimulang kumanta.

'For all the times I
felt cheated, I
complained
you know how I
love to complain
for all the wrongs
I repeated,
though I was to
blame
I still cursed that
rain
I didn't have a
prayer didn't
have a clue
then out of the
blue...'

habang pinagmamasdan ko ang mga tala sa itaas, ay hindi ko maiwasang lalong mapaiyak. Lalo ko nang nararamdaman ang sakit. Na mawawala rin kapag si God na mismo ang kumuha ng aking hiram na buhay. Sya ang papawi ng lahat ng sakit at kirot na nararamdaman ko ngayon. Lord, isa lang ang ipinagdarasal ko bago ako mawala. Bago ko hindi na makasama ang taong mahal ko. Ingatan nyo po si Gavin, Lord. Kayo na po ang bahala sa kanya. Iparamdam nyo pa rin po sa kanya ang kasiyahan kahit wala na 'ko.

pinagmasdan ko si Gavin dahil alam kong hindi na rin magtatagal at hindi ko na sya masisilayan pa. God, thank you for this man of yours. A man after God's own heart.

'God gave me you
To show me
what's real
there's more to
life and just how
I feel
all that I'm
worth is right
before my eyes
and all that I live
for though I
didn't know why
now I do, 'cause
God gave me you...'

tumigil sya sandali sa pagkanta at ibinaba ang gitara. He cupped my face and planted a soft kiss on my forehead.

"I love you so much Dein, always remember that. I will always love you my strong woman. I'm so blessed 'cause God gave me you darling." umiiyak na sambit nya at niyakap ako ng mahigpit. "at si God lang din ang may karapatang bumawi sa'yo mula sa'kin."

ramdam ko na rin ang panghihina ko pati ang paninikip ng aking dibdib at pag bagal ng pintig ng aking puso. Lalo rin sumakit ang ulo ko. I knew this time would come. Masakit pa rin para sa'kin kahit alam kong inihanda ko na ang sarili ko para dito. "I... I love you too darling." ngumiti ako kahit nahihirapan. "t-thank you f-for e-very...thing you've done... I..I'm s-so b-blessed to have you in m-my life." nasambit ko pa bago tuluyang pumikit ang aking mga mata.

I love you darling. I really do. yet my love wasn't enough to stay with you.






A/N: PLS. TELL ME IF MAY MABASA OR MAKITA MAN PO KAYONG ERRORS OR TYPOS. KAMSA! MWAPS!

Compilation Of One Shot Stories (Will Be Under Editing Soon)Where stories live. Discover now