Chapter 16

10 1 0
                                    

"T-talaga, nakita ko na din kasi siya eh!" May binulong siyang kung ano pero hindi ko na lang pinansin yun.

"Haha congrats ang bait mo talaga, tara samahan mo ako doon sa babae." kinapitan niya yung kamay ko at agad ko namang inalis yun.

"Isasama ko siya dito mamaya, wag ka ng sumama!"

"Pero kasi..nathaniel kasi..kasi..." napatungo siya at parang may binubulong na kung ano. Fcvk bakit ba kasi gustong gusto ko na ulet makasama itong baliw na to?

"Come on" sabi ko at naunang lumabas ng bahay.

"Yeeyyy, " kumapit ulet siya saken kaya napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sakanya nakatingin na naman siya saken.

"Pikit ka, ibibigay ko yung price mo!" Napa huh na lang ako pero bigla na lang ay hinalikan niya ako. Ahhh sh*t ito nga pala yung benifits na makukuha ko.

"Ano ba!!" Tinulak ko siya palayo saken.

"B-bak----"

"Diba anghel ka, diba ang anghel bawal mag mahal ng tao kaya pwede ba-----"

"Hindi kita mahal Nathaniel. Oo siguro mahal nga kita pero ganun naman lahat ng anghel mahal lahat ng tao." Napatitig na lang ako sakanya at napaiwas naman siya. Arrgg oo nga sabi ko nga eh diba,

"Siopao, tara na nga!" Nauna na akong sumakay sa motor ko.

*****

Pag dating namin sa school halos lahat ng tao ay nakatingin saamin. Babae man o lalaki.

"Ang gwapo ni Jin hihihi"

"oo nga swerte ni Sofie sakanya diba?"

"Hmm korak ka girl"

"Ang ganda talaga ni Sofia"

"Sayang nabakudan na siya ng7 baliw haha"

Sofia's POV

Hindi pwedeng magmahalan ang tao at ang anghel

Ahh sofia ano ba itong iniisip mo? Nakita na niya nga ang babaeng para sakanya diba?

Sabi ni papa god sasabihin saken ni nathaniel pag nakita na niya iyon. At mukha ngang nakita na niya

"Nathaniel" napatingin naman ako doon sa babaeng papalapit. Una kung napansin ay yung mga gesture niya para bang nakikita ko yung sarili ko sakanya.

"Hi"

"Nathaniel, kapatid mo siya?" Humarap yung babae sakin. Wow ang ganda naman niya. Kung sabagay gwapo naman si Jin. Eh

"Hmmm, she's sofia," ha kapatid na niya ako ngayon. Lagi naman eh noong una girlfriend tapos mommy ni blade tapos kapatid.

"Hi sofia, I'm sofie. It's nice to meet you!" Ngumiti lang ako sakanya. Bakit kasi binigay pa sakin ang misyon na to eh.

"Sofia. Okay ka lang?" Napatango na lang ako sakanya. Hindi ko maintindihan kong bakit iba yung nararamdaman ko. Kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Angels don't cry pero bakit gusto kong maiyak.

"Nate, tara na. Malalate na tayo" tumingin muna saken si Jin. Oo jin ang tawag ko sakanya sa isip ko pero nathaniel ang totoong tawag ko sakanya. Bakit ayaw niya pang sumama doon sa babae?

"Sofia" napatingin na lang ako sa likodan ko andun si Jake sa likod ko. Ahh mag wawarning na naman ba siya.

"Bakit?"

"Tara na. Kailangan mo ng sumama saken tapos na yung misyon mo diba" napalunok naman ako ito na nga ba eh.

Tumingin ako kay Jin nakatingin pa din siya saakin. Ito na ba ang huli paalam na ba?

"Nathaniel,kailangan ko ng umalis maging masaya ka sana. Si blade alagaan mo siya okay. Mamimiss ko kayo. Sige paalam na." Tumalikod na ako. Naunang maglakad palayo si Jake at susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Jin. Sa isang iglap ay nagbago ang paligid namin at nandito na ulet ako sa bakanteng lote wala na si jake. Pero kita ko na ang portal papuntang langit.

"Wag kang umalis pls. Sofia" humarap ako sakanya bago umiling. Kailangan kong umalis ayaw kong mawala ang mga pakpak at halo ko. Ayaw kong suwayin si papa god.

"Kailangan kong umalis Nathan, wag kang mag alala babantayan parin kita kaso hindi na kita masisigawan. Nakakahiya kasi sayo eh"

"Sofia pls. Wag mo kaming iwan, nag jjoke lang ako kanina, pls sofia" napatingala ako at unti unti ng sumasara yung portal. Ngumiti ako kay Jin saka ko siya niyakap at hinalikan sa huling pagkakataon. Hindi na niya ako maalala pag katapos nito.

"Salamat sa lahat Nathaniel" binuka ko na yung pakpak ko. At lilipad na sana ng kapitan niya ang kamay ko. Umiiyak siya habang nakatingin sakin.

"Sabi mo diba hahanapin mo yung babaeng nakatakda para sakin.--- paano mo siya makikita kong hindi tayo pwede.Gusto kong sabihin sayo to sofia bago ka umalis. Mahal kita sofia. At ayaw kong makalimutan ka at ang mga alaala nating dalawa. Pls. Sofia wag mo kong------" unti unti akong naglalaho sabay sabi ng katagang hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ko

"Wag ka nang umiyak, babalik ako pinapangako ko yan sayo" tuluyan na akong pumasok sa portal habang tinitingnan siyang umiiyak. Ahh ano ba itong nagawa ko

"Sofia pinapatawag ka ng panginoon" tumango na lang ako saka nag lakad papunta sa lugar kung saan puro pagmamahal ang makikita mo.

*****

Nathaniel(Jin story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon