Chapter 7

4 0 0
                                    

"Teka anong ginagawa niyo diyan sa girlfriend ko ha?" Sabi ko habang nagalalakad ako papalapit doon sa may kumpulan. Napatingin naman sila saaken saka nag hawi. Ha mga takot psh. Bakla mga walang eggs. Ham lang ang meron kayo mga gag*

"Nathaniel ikaw pala yan? Nasaan yung---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay hinigit ko na siya. Tss.

Hindi naman siya pumapalag kaya noong medyo makalayo na kami sa may gym ay tumigil ako at tumingin kay sofia. Napataas naman ang kilay ko kasi nakatungo siya at nakatitig sa may kung saan. Napatingin ako sa tinitingnan niya.

*Lub*dub*lub*dub*

fcvk ano to. Bigla ko namang binitiwan yung pagkakakapit ko sa kamay niya. Doon kasi siya nakatitig. At ewan ko kung ano yung drum na nag pupukpok sa puso ko. Tangna ang corny mo jin. Hayop talaga.

Naglakad na ulet ako at ramdam ko naman ang pagsunod niya saken. Nagpunta ako sa may garden dahil matutulog ako doon sa bench. Pag kadating ko naman doon ay nahiga agad ako at tinakip yung likod ng palad ko sa mata ko para hindi ako masilaw sa liwanag. Pipikit pa lang ako ng'

"Nathaniel" *lub*dub*lub*dub*

ahh fcvk bakit ba ang lakas ng epekto nitong babaeng ito saakin ngayon. Kanina naman ay ayos lang bakit ngayon iba na argggh. Kunyari na lang ay hindi ko siya narinig.

"Nathaniel paano kung bumalik ako sa langit?" Pake ko kung bumalik siya sa langit. Di ko siya mamimiss kung sakasakali.

"Dalhin kita sa mental ngayon gusto mo?"

"Hindi naman ako nagbibiro eh. Paano nga kung bumalik ako sa langit tapos hindi ko pa tapos yung misyon ko dit----"

"ANO BA YANG MISYONG MISYON NA YAN HA!!!!" Sigaw ko saka ako napabangon sa pagkakahiga ko sa bench.

halata naman ang gulat sa mukha ni Sofia. Tss di na nasanay.

"Ikaw nga kasi ang misyon ko. "

Ayan ako na naman. Ano bang kailangan niya saakin at pinatapon siya dito sa lupa. Psh. Umakyat na kaya ulet SIYA. Leche siya

"Ano ako na naman. Ano bang kailangan mong gawin saken?"

Nanlalaki naman ang mata niyang tumingin saken. Arrrggg bakit ang cut---panget niya.

"Madali lang naman yun pero sa isang bagay kasi ako nahihirapan eh. Hindi ko naman kasi tungkulin yun pero saken inutos." Halata na iritado siya. Dahil kita agad yun sa mukha niya.

"Ano nga eh tanga lang"

"ito na nga eh,----" may iniabot siya saaking papel kaya binasa ko yun

Nathaniel's list to do.

1. Be good boy

2. Always pray at night

3. Introduce him to jesus.

4. Stop him from being sex addict/maniac/rapist. Napatingin naman ako kay sofia. Aba ang kapal nito ha ako sex addict? Slight lang naman hahaha

5. Teach him how to love.

And lastly

6. Look for the destined girl for him.

Napatingala ako sakanya at ito na naman ang drum sa puso ko nagiingay na naman. Arrrggg ano ba kasi yang list list na yan kagagohan psh.

"Oh ayan. Wala namang magagawa diyan ang abs ko."

"Pwes ako may magagawa. Nahihirapan lang talaga ako doon sa huli"

"Baka kasi tayo ang nakadestiny" naibulong ko na lang. Fcvk ano ba itong iniisip ko.

******

Nathaniel(Jin story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon