Good morning Monday!
Nakahilata pa ako dito sa kama nang makatanggap ako ng text mula kay ate cheszka.
Msg frm Ate Cheszka: Hey! Nakapagpaalam kana ba kay Tita at Tito?
Yes. Kagabi pa and they said yes. Reply ko naman.
Pagdating ko kasi dito sa bahay kagabi, sinabi ko na agad kila mommy and daddy yung planong pagpunta namin sa Vizcaya,
Pumayag naman agad sila. Ang saya ko nga kasi ngayon lang ako pupunta doon. Excited nakong makita sila Lola Aida.
Tumawag naman agad sila dun sa probinsiya at sinabing pupunta kami dun ni ate cheszka.
Ilang segundo pa nang mag-reply siya.
Good. Now, be ready kasi by Friday pupunta na tayo. Reply niya.
Agad namang nanglaki ang mga mata ko. Napabalikwas ako ng wala sa oras.
Pano ba naman kasi. Hindi ko inaasahang ganon kaaga kami aalis.
Agad ko namang dinaial ang number niya. Ilang sandali pa ng sagutin niya ito.
"Hello! Ate? Are you serious? That's earl----" hindi ko na naman naituloy yung sasabihin ko dahil agad na naman niya akong pinutol.
"Yeah. I'm serious. So dapat as early as thursday ready na lahat ng gamit mo. Maaga tayong magbyabyahe." Deretso niyang sagot.
"I have to go. May work pa ako. Bye!" dagdag pa niya. Hindi na ako nakasagot dahil pinatayan na niya ako ng telepono.
Pagkatapos naming mag-usap, bumangon na din ako at pumunta sa banyo para maghilamos at para maligo na rin.
Matapos akong makapagpalit, bumaba na ako at dumeretso sa kusina.
Naabutan ko sila Mom and Dad na nag-aalmusal.
Napansin naman nila ako kaagad.
"Son, c'mon. Saluhan mo na kami ng mommy mo dito." aya sakin ni daddy
Binati ko na naman sila ng good morning at nagbigay pa ng halik. Umupo naman ako pagtapos.
Nasa kalagitnaan kami sa pagkain nang magsalita si mommy.
"O' Adie, kailan ang punta nio ng ate cheszka mo sa probinsya?" pagtatanong niya sakin.
"Uhm we just talked a while ago mom and she said na by Friday daw kami pupunta." sagot ko naman agad.
Tumango-tango naman siya. "That's good." Tanging sagot niya.
"So anong plano niyo? I mean, wala man lang kayong gagawin dun?" biglang tanong naman ni daddy nang hindi tumitingin sakin. Pano kasi, nagbabasa siya ng dyaryo.
Napa-isip naman ako bigla. Oo nga, ano kayang gagawin namin dun. Hindi pa pala namin napag-usapan ni ate cheszka yun.
"Umm hindi pa po namin napag-usapan ni ate eh...but don't worry po. I'll just talk to her later." Pangungumbinsi ko naman. Baka kasi hindi na nila ako payagan. Baka isipin nilang magpapasaway lang kami dun.
Hindi naman sumagot si daddy sa sinabi ko. Nagpatuloy na lang akong kumain.
Kung iniisip niyo na masungit at strikto ang daddy ko, nagkakamali kayo.
Ganon lang talaga ang personality niya. Medyo may pagkaseryoso. Pero malambing yan, kay mommy nga lang.
Masasabi kong close na close kami ni daddy. Minsan para nga kaming magbarkada eh. May pagkatopak kasi minsan eh lalo na pag lasing. Nahawa nga ako sa kanya eh at yun ang pinakagusto kong side ni daddy.
BINABASA MO ANG
Rain Drops
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata, siya si Adie. Gustong gusto niya ang ulan dahil isa siyang Pluviophile. Genuine happiness at sense of comfort ang nararamdaman nito kapag umuulan. Isang araw, nakatagpo ito ng pag-ibig na kailan ma'y hind...