"Can I have one cup of cappuccino and a slice of cheese cake, please" pag oorder ko. Pagkatapos kong umorder ay dumeretso ako sa isang bakanteng upuan bitbit ang mga pinamili kong damit.
Andito ako ngayon sa bayan para mamili ng mga damit ko. Humingi ako kay Lola ng pera dun sa pinadala nila Mommy sa kanya bago kami pumunta dito para may gamitin ako. Sa isang mini mall ako namili ng mga damit at pagkatapos ay pumunta ako sa isang coffee shop para magpahinga.
Mag-isa nga lang din pala ako ngayon dahil may iba ibang gagawin ang mga kasama ko sa bahay. Pinatawag ni Sir Gabriel si ate, si Lola naman ay may dinaluhang meeting, si Kuya Jopet naman ay namasada.
Dalawang araw ko na din palang hindi nakikita ang anino ni Gabriel. Pagkatapos nung gabing pumunta kami sa bahay nila, hindi ko na siya muling nakita pa. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero syempre madalas siya sa bahay non dahil magkaibigan sila ni Kuya Jopet. Naging magkaibigan na din naman kami simula nung gabi yon. Saan na kaya yung lalaking yun?
"Here's you order sir" sabi ng babaeng crew dito habang malawak ang mga ngiti.
Tinignan ko siya mula ulo mukhang paa. Charot.
Maliit siyang babae, short hair at infairness, cute naman. Sarap nga tirisin. Charot ulit.
Linagay niya ang tray sa harap ko at walang ano ano'y bigla siyang umupo sa harap ko na akin namang kinagulat. Aba-aba, saan nito nakuha ang kakapalan ng mukha para umasta ng ganyan.
Hindi pa ako nakaka-recover sa gulat ng magsalita ulit siya. "Ang cute mo naman" saad niya habang malawak pa rin ang ngiti. Seriously??? This is freaking unethical. Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita. "What's with your attitude, Miss? As one of the crew here, you're not supposed to act like that in front of your customers. That's very unethical!" litanya ko. Alam ko ang mga dos and donts ng mga empleyado namin sa coffee shops namin sa Manila. At kahit sabihin nating hindi namin ito pag-aari, applicable pa rin ang mga common etiquettes lalo na't nasa working environment siya. Hindi ba sila tinuturuan ng mga employers dito ng mga ganung bagay? Jusko.
Habang naiirita ako sa inasta ng babaeng pandak na ito, bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. Sa lakas ng tawa niya ay tumingin na sa amin ang ibang mga customers. Walanghiyaaaaa
Maya't maya ay humihina na ang tawa at unti-unting nakakarecover. "S-sorry hahahha hindi ko lang napigilan" saad niya habang hawak hawak pa rin ang tyan. Ano bang trip ng babaeng ito, sobrang nakakabastos na ito ha.
"So, you're gay"
What? The audacity of this girl!!! Talagang hindi patanong ha. Nag-conclude na siya talaga.
"Excuse me?" iritang kong tanong.
"Hmm, bakla ka nga" sagot niya sabay tawa ulit.
Dahil sa inis, napatayo ako ng marahas. Talagang sinusubukan ako ng babaeng to ha.
"Bring me your manager, now!" maatowridad kong utos. Napatigil naman siya sa pagtawa at umayos ng upo.
Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. Nasindak ka ba bitch?
"Mamaya pa dadating ang boss namin. Sa ngayon, ako ang naatasan magbantay dito." Tumayo na din siya at nginisian din ako.
"Alam mo sis, wag ka masyadong high blood. Shori na, weg ke neng megelet, UWUUUU!" pangaasar niya pa sabay tawa ulit.
Ah ganon, di ka magtigil ha. "PAK!" sinampal ko siya with 77% force. Medyo malakas ang impact pero dsurb naman.
"Aray haaaaa! Bat mo ko sinampal!!" hawak hawak niya yung pisngi niya. Oh, diba libre blush on.
"Shori na, weg ke neng megelet, UWUUUUU!!" pang gagaya ko sa kanya.
Kinuha ko na yung mga gamit ko dahil aalis na ako dito sa letcheng coffee shop na toh. Pero bago pa ako makalabas ng pinto, hinila niya ako pabalik sa upuan ko.
"Ano baaaaa! Baka gusto mo pa ng isang sampal para mapantay yang blush on mo sa mukha!" panghahamon ko
"Ito na naman. Sorry na talaga" umupo ulit siya sa harapan ko. "Chill ka lang kase. Gusto ko lang naman makipagkaibigan"
"Ang gara mo naman, ganun ka makipagkaibigan sa taong hindi mo kilala." Sarkastiko kong sabi.
"Sorry na nga diba. Tsaka hindi ka naman kasi mabiro. Masyado kang seryoso sa layp." siya.
Inirapan ko lang siya dahil ayoko na mag talk. Lumamig na yung kape ko letcheee!
"Ako nga pala si Nelia Flores. Pero Nelly na lang para tunog modern." pagaabot niya ng palad niya.
Natawa naman ako sa pangalan niya. "HAHAHAHAHA ano ba naman yang pangalan mo, parang pangalan ng matandang dalaga" pang aasar ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Lakas mo mang asar tapos mabilis ka din pa lang maasar HAHAHA.
"Adie Marshall Gonzales, you can call me Adie" inabot ko na din yung kamay niya at nagshakehands.
"Ikaw yung apo ni Lola Aida na galing sa Manila diba?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Nung isang araw pa kita nakita at gusto ko makipagkaibigan sayo." sabi niya habang nakangiti. Ang taray ng ngiti niya, ngiting aso. Charot. Ngumiti lang din ako.
"TBH bes, unang kita ko pa lang sayo, alam kong bakla ka na" sabi pa niya. Inirapan ko lang siya. "Okay" tipid kong sagot.
Tinuloy ko na lang kainin yung inorder ko. Malamig na talaga yung kape ko jusko, pero ininom ko pa rin, sayang eh.
Itong si Nelly naman, ayun ang dami dami niyang kwento. Nakwento na niya yung childhood niya, pati pangalan ng mga crush niya, highschool life at kung ano anong mga bagay bagay. Ang daldal niya grabe. Napakaliit na tao pero ang ingay ingay. Bawat tawa niya may hampas sa balikat ko jusko. Napaka feeling close na talaga neto. Pero infairness, natutuwa naman ako sa kanya.
Sa dami niyang kwento, halos abutin na kami dun ng Bandila. Chariz. Mga 30 minutes na kaming nakaupo dito at nagkwekwentuhan.
Ano ba namang empleyado to. Hindi ba niya alam na bawal yang ginagawa niya. Yung mga kasama niya ay nagtatrabaho tapos siya ay pa upo upo lang dito. Pero parang wala lang naman sa mga kasama niya na wala siyang ginagawa. Pag ako naging boss neto, jusko baka nasisante ko na siya. Emee
Nasaan na ba kasi yung boss nila. Jusko dapat hindi iniiwan tong negosyo niya. Hindi pa maagang pumasok, ano ba naman yan. Kaya pala tatamad tamad tong babaeng toh eh kasi tamad din yung boss.
"Hoy bakla!" pagtatawag niya sa akin. "Bat naka salubong yang kilay mo. Tapos ang sama sama pa ng tingin mo sa akin" tanong niya. Hindi ko namalayan masama na pala tingin ko sa kanya hehehe.
"Ha? Wala wala hehehe"
"Tuloy mo na yung kwento mo. Ano nga ulit yun?" kunwari interesado akong makinig sa mga hanash niya sa life.
"So ayun nga, diba nabanggit ko na....." pagtutuloy niya. Ayan na naman siya. Juskoooo. Dami dami pa niyang baon talaga eh. Kunwari nakikinig na lang ako, tango there, tango here. Pero sa totoo lang gusto ko nang tahiin yung bunganga niya.
Mga ilang minuto pa ang nakakalipas, tumunog yung chimes sa pintuan tanda na may pumasok. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang makikita siya today. Shocksss.
"Oy Boss G. Andito ka na pala!" excited na saad ni Nelly habang sinasalubong siya.
ANOOOO?
BOSS G?
************
Medj natagalan ang update. HUHUHU ngayon lang ako sumipag mag sulat. Maikli lang din itong chap na i2, sabaw na sabaw pa jutak kes for today's videyoowww.
BINABASA MO ANG
Rain Drops
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata, siya si Adie. Gustong gusto niya ang ulan dahil isa siyang Pluviophile. Genuine happiness at sense of comfort ang nararamdaman nito kapag umuulan. Isang araw, nakatagpo ito ng pag-ibig na kailan ma'y hind...