Hapon na ngayon at umaambon.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakatanaw lang sa bintana. Pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng bawat patak ng tubig mula sa kalangitan. Nararamdaman ko din ang malamig na ihip ng hangin. Preskong presko at nakakaginhawa sa pakiramdam.
Ang sarap lasapin ang pagkakataong ito. Hindi ko lubos akalain na mahuhumaling ako sa ulan. Siguro kung maipanganak ako muli, gusto ko paring mamangha at magustuhan ang ulan.
Hindi lang comfort at happiness ang nararamdaman ko tuwing umuulan. Dinadamayan din ako during my darkest times. Kasabay ng pagbuhos ng ulan, napupunasan nito ang bawat patak ng aking luha.
Bukod pa doon, madami akong natutunan sa buhay dahil sa ulan.
Pagbagsakan man tayo ng malakas na ulan, pagsakluban man tayo ng kadiliman gaya ng pagbalot ng madilim na ulap sa kalangitan, tatandaan natin na muling sisikat ang araw na siyang bubuhay sa bagong tayo. Muling tutubo ang bagong dahon ng pag-asa para muling magsimula.
I'm happy being a Pluviophile and this is a blessing for me.
May radyo akong nakita dito sa kwarto. Kinuha ko at pinaandar. Buti naman ay gumagana pa. Pagbukas ko, pinapatugtog yung Chiquitita ng Abba. Nasa ending part na iyo, yung instrumental at ito ang pinakapaborito kong part.
Tumayo ako at sinabayan ko yung tugtog na parang nagsslow motion ako. Pinikit ko ang mga mata ko habang umiikot ikot sa silid. Mas nararamdaman ko ang malamig na hangin dala ng ambon. This is one of the best moments of my life, to be honest.
Habang nakapikit ang mga mata ko, bigla na namang lumitaw sa isip ko ang senaryong kasama ko ang taong nagdala ng saya at pag-ibig sa aking puso.
Hindi man klaro ang kanyang mukha pero ramdam na ramdam ko siya.
Sa isip ko ay lumapit siya. Hahalikan ba niya ako?
Bawat paghakbang niya'y siya ring pagkabog ng dibdib ko. Ayan na siya, mahahalikan na niya ako. Hinanda ko na ang aking sarili para saluhin ang kanyang mga halik. Ayan na siya....
*tok tok tok tok tok
Malalakas na katok ang sumira sa aking napakagandang imahinasyon. Aaaarrgghhhhhh!
Napatigil ako at pagdilat ng mata ko, napadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa labas ng bahay. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Ramdam kong uminit ang mukha ko.
Anong ginagawa niya dito? Nakita ba niya yung mga pinag gagagawa ko kanina? Shit, no freaking wayyy!!!!
*tok tok tok tok tok
Nakarinig na naman ako ng katok sa pinto ko. Napaka OA naman ata niya kumatok.
Pinatay ko muna yung radyo bago ko siya pinagbuksan.
Si ate Cheszka pala. Bagong ligo at nakabihis.
Tanghali na nung makabalik siya sa bahay galing sa bayan.
"What's up?" medyo irita kong bungad. Sinira niya lang naman ang pagde-daydream ko.
"Anong what's up ka dyan" sagot niya. "Hapon na at sinusundo na tayo ni Gabriel. Don't tell me you forgot about what Lola said earlier" mahaba niyang litanya.
Sheesh! Oo nga pala. Pupunta kami kila Gabriel ngayon. "Kindah" maikling sagot ko. Inikot lang naman niya ang mata niya in 360 degrees.
Actually, hindi naman ako interesado na pumunta sa kanila ano. Baka nga andaming lamok dun sa bahay nila sa bukid. Tsaka ni hindi ko nga alam kung anong ganap sa kanila. Pero dahil si Lola ang nagsabi, pupunta na lang ako. Hmmp!
BINABASA MO ANG
Rain Drops
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata, siya si Adie. Gustong gusto niya ang ulan dahil isa siyang Pluviophile. Genuine happiness at sense of comfort ang nararamdaman nito kapag umuulan. Isang araw, nakatagpo ito ng pag-ibig na kailan ma'y hind...