Seventh Drop

1 1 0
                                    

Hingal na hingal kaming naupo sa tapat ng building nila. Nung magsimulang pumatak ang ulan, hinila ako agad ni Gabriel at tumakbo pabalik sa Lacasa. Iniwan namin yung trike niya dun sa gilid ng daan. Kung itutulak pa namin yon mas lalo kaming mababasa.

Ano ba kasing meron sa panahon at bigla bigla na lang bumubuhos ang ulan. Jusko nag ala-flash kami sa pagtakbo ha. Ikkenat.

Tumingin ako sa katabi kong hingal na hingal din. Biglang rumehistro ang isang ngiti sa mukha niya. Aba aba nginingiti ngiti neto. Kulang na lang kaladkarin ako kanina eh.

"Ang bilis mo palang tumakbo" pang aasar niya.

"Eh paano hindi ako bibilis eh hila hila mo ko" sagot ko naman sabay irap ng 180 degrees. Jusko muntikan pa akong matapilok kanina dahil sa paghila niya. Di naman niya sa akin sinabi na dati pala siyang Olympic gold medalist sa track and field. Emsss!

"Gamitin mo to para pamunas mo sa katawan mo" inabot niya sa akin ang isang panyo. Medyo nabasa din kasi kami ng ulan.

"Hindi na, ayos lang ako. Basa ka rin kaya ikaw na gumamit, sayo naman yan" pagtanggi ko. Hello, baka nagspray siya don ng pampatulog noh tapos baka malanghap ko pa, edi end of my world na. Char!

"Ikaw na muna ang gumamit, wag kang magalala hindi ko linagyan ng pampatulog yan kung yun ang iniisip mo" aba nababasa ba neto ang isip ko hanep.

Inirapan ko siya tsaka inabot na lang yung panyo at nagsimulang punasan yung mukha at mga kamay ko. In fairness ang bango ng panyo ha, amoy Black Seud Touch, lalaking lalaki.

Pagkatapos kong magpunas, inabot ko na ulit sa kanya na agad naman niyang kinuha agad at nagpunas na din siya ng sarili.

Ilang saglit pa ay tumayo siya kaya tumayo na din ako. Ang lakas pa rin ng ulan at sobrang lamig na. Anong oras na kaya Jusko, baka hinahanap na ako ni lola at ate.

"Dito ka muna" paalam niya. "S-saglit, saan ka pupunta?" pagtatanong ko. Medyo kinabahan ako, what if magtatawag na siya ng mangsasalvage sakin Jusko gusto ko pang mabuhay.

"Hihiramin ko lang yung susi kay Manong Guard para makapasok tayo dito sa building. May telepono dyan sa may front desk, kailangan natin tumawag sa bahay" pagpapaliwanag naman niya. Hmmp okay!

Naglakad na siya pupunta sa gate dahil andun yung guard house. Ilang saglit pa ay bumalik na siya hawak yung susi. Agad naman kaming pumasok at dumeretso siya sa front desk. Mat telepono nga doon.

Umupo naman ako sa sofa doon.

Maya maya ay narinig ko na siyang may kausap sa kabilang linya. Ang hula ko ay si Manang Lita ang kausap niya. Ilang minuto naman silang nagusap. Hinayaan ko lang sila, baka pinapagalitan siya base sa nagiging reaksyon niya. Hmmp!

Pagkatapos nilang mag-usap ay tumabi siya sa akin.

"Si Manang Lita ba yon?" tanong ko. Tumango lang siya.

"Anong sabi niya?" tanong ko pa. Curious ako kung ano pinagusapan nila eh.

"Ayun medyo galit. Pero susunduin na daw tayo ni Papa. Nakauwi na daw sila Lola Aida" sagot naman niya.

Shocks alam kong mag-aalala yun dahil di ako nagpaalam kaninang umalis. Lagot ako neto kay ate.

"Mabuti naman kung ganon" tugon ko

"Ayos ka lang ba?" tanong naman niya. Tumango lang din ako bilang sagot. "Pasensya pala sa nangyari ah" paghihingi niya ng paumanhin. Agad naman akong umiling sa sinabi niya. "Ayos lang naman yun. Tsaka biglaan din kasing umulan kaya unexpected talaga" sabi ko sabay ngiti. In fact, na enjoy ko yung gabing ito.

Mga ilang minuto ang nakalipas, may bumusina sa labas. Agad naman kaming nagtungo doon at may nakaparadang hummer sa labas. Nakita ko si Sir Gabriel sa loob, medyo seryoso ang mukha niya. Shocks pagagalitan ba kami, no wayyy!

Tumakbo kami at agad pumasok sa loob ng sasakyan. Umupo si Gabriel sa passenger seat at sa back seat naman ako pumwesto.

Walang imikan ang naganap. Nagdrive na lang paalis si Sir Gabriel matapos kaming makasakay. Malakas pa rin ang ulan.

Medyo naiilang ako at kinakabahan dahil sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan. Isa pa, kinakabahan ako kay ate Cheszka. Sigurado akong magagalit yun dahil hindi nga ako nagpaalam.

Ilang liko pa, nakarating na kami sa bahay. Shocks kinakabahan na ako. Bumaba na ako pagkatapos magpaalam sa mag-ama. Tinanguhan lang ako ni Sir Gabriel bilang sagot.

Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si ate Cheszka, lola, at kuya Jopet sa sala. Nung makita ako agad silang tumayo. Halatang nag-aalala si Lola sa akin at nakataas na ngayon ang isang kilay ni ate. Seryoso siyang lumapit sakin.

"Squat" maawtoridad niyang sabi. Bat ako magssquat? Jeez. "P-po?" takang tanong ko. "You heard me, don't make me say it again" seryoso pa rin siya. "B-but what did I d---" naputol ang sasabihin ko ng, "One!!" Jusko ayan na siya binibilangan na niya ako huhuhu. Ganto ang nakukuha kong parusa sa kanya kapag nagiging pasaway ako. She's very strict and bossy

Tumingin ako kay lola para humingi ng saklolo pero hinarangan lang ni ate yung view ko kay lola. Tumingin din ako kay kuya Jopet to get help pero umiwas lang siya ng tingin. Mukhang wala din siyang magagawa. Jusko maldita alert na naman si ate and kabang kaba na ako. Dahan dahan akong nagsqaut. "Lower...and stay" sabi pa niya. Jusko mangangalay ako nito.

"Now! Where have you been??" medyo may galit sa tono niya. "Alam mo bang pinag-alala mo kami?" tanong pa niya habang naglalakad lakad sa harapan ko. Nararamdaman kong nagsisimula ng mangalay yung paa ko. Alam kong may namuo na ding pawis sa noo ko. Ate tama na huhu let me explain.

"Para ipaalala ko sayo, wala ka pang isang linggo dito akala mo kung sino ka ng probinsyano kung gumala gala" sermon pa niya sakin. I admit it naman na kasalanan ko. Hindi ako nagpaalam na lumabas at sumama kay Gabrie--. Teka nga, siya ang umaya sa akin eh, dapat pagalitan din nila. Bat ako lang?????

"It was Gabriel's ide---"

"Are you answering me back now??"

"N-no po. Sorry" sagot ko na lang sabay yuko. Nangangalay na yung mga tuhog ko. Tumingin ako sa kanya at nagpout. Sana makuha ko siya sa paawa effect ko huhu. Gusto ko na tumayo.

"Apo tama na yan, nag sorry naman na si Adie eh" biglang sabi ni lola. Nagliwanag naman ang mukha ko.

"No, Lola. Let him stay there for another 5 minutes. Para magreflect sa ginawa niya!" masungit na sabi niya sabay akyat sa taas. Shocks 5 more minutes??? Eh parang hindi na nga kaya ng mga tuhod ko eh.

Nung makaakyat si ate, agad lumapit sa akin si Lola at pinatayo. Agad naman akong tumayo at dumeretso sa sofa. Sobrang ngalay ng mga paa at tuhod ko.

"Saan ba kasi kayo nag punta ni Gabriel, apo?" pagtatanong ni Lola. Kinwento ko naman ang buong nangyari sa amin ni Gabriel at nakinig lang. Mabuti naman at naunawaan naman nito pero sa susunod daw ay magpaalam ako para alam nila kung saan ako pupunta. Pagkatapos nun ay pinaakyat na ako sa kwarto para magpahinga.

Nagshower muna ako bago matulog dahil nabasa ako kanina ng ulan.

Haysss parang andaming nangyari ngayong araw na to. Na enjoy ko naman ang araw kahit papaano, except lang yung pag squat ko kanina huhuhu. Grabe talaga si ate magalit. Hmmpp!

Umuulan pa rin ngayon. Rinig ang buhos nito sa bubong na gustong gusto ko namang pakinggan. Maingay pero very relaxing sa pandinig ko.

Pagkahiga ko, agad kong naramdaman ang pagod kaya nakatulog ako agad-agad.




(Song Kang a.k.a. ADIE MARSHALL GONZALES is in the photo above)

+++++++++++++

Let me know your thoughts in the comment section. Don't forget to vote.

Love y'all.

Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon