Gabriel's POV
"Manang, nasaan po si Papa?" nagtungo ako sa kusina.
Naabutan ko si Manang Lita na naghihiwa ng mga sangkap para sa tanghalian.
"Pumunta ang Papa mo sa La Casa. Kung pupunta ka doon, ayain mo na din umuwi para makakain na kayo pagkatapos ko magluto" sagot niya.
Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Gusto ko tanungin kung ano plano niya sa Death Anniversary ni mama bukas.
Bago ko makalimutan. Ako nga pala si Gabriel Chavez III. Bente anyos na ako. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ako ng Business Administration.
Isa akong happy go lucky person at syempre matipuno, matangkad, hot at yummy.
Pwera biro, madaming babae at binabae ang nagkakarandapa sa akin. Pero dahil isa akong mabuting anak, sa pag-aaral at pagtulong kay papa lang ako naka focus sa ngayon.
Believe me or not, sa gwapo kong ito ay virgin pa ako. Sa lips lang hindi mweheheh.
Balik tayo.
"Sige po Manang" saad ko saka umalis.
Si Manang Lita ang isa naming katiwala dito sa bahay. Mula nung bata ako, siya na ang kasama naming ni Papa dito sa bahay.
Maaga kasing namatay si Mama dahil sa sakit na cancer.
Magmula noon, si Papa na ang nagtaguyod sa akin.
Dahil malawak ang lupain nila papa dito sa probinsya, naisipan niyang magtayo ng negosyo.
Nung una, hirap siyang pausbungin ito hanggang dumating ang pagkakataon, umunlad ang Negosyo niya hanggang sa maging isa sa pinakamalaking producer ng high quality Coffee Beans dito sa lugar namin.
Kilala ang Negosyo naming bilang La Casa de Coron. Dito dumederetso ang mga bagong aning kape galing sa farm. Pagkatapos ay naiproproseso ang mga ito para masuri ang kalidad nito at maipadala sa mga coff
Naging matunog ang pangalan na iyon kaya unti unti na ding nakikilala ang Negosyo ni papa sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas kung kaya't nagpupursige ito para mas mapalakas pa ang Negosyo.
Kaya ngayon, nag-aaral din ako ng maigi para kapag makatapos ako ng pag-aaral, matulungan ko si papa dito.
"Oh, Boss Gab napadalaw ka!" rinig kong sigaw ni Mang Bert.
"Uy Mang Bert ikaw pala." Sumaludo lang ako sa kanya at dumeretso na ako sa opisina ni papa
Boss Gab ang tawag nila sa akin dahil syempre anak daw ako ni papa. Big Boss naman tawag nila kay papa dahil siya may ari ng Negosyo.
Ayaw nga naming magpatawag ni papa ng boss eh kaso sila lang ang mapilit kaya hinahayaan na lang naming sila.
Pagkarating ko sa opisina ni papa, Nakita ko syang may binabasa.
Kumatok ako at agad pumasok.
"Oh, anak naparito ka?" bungad na tanong niya.
Umupo muna ako bago magsalita.
"Pa, malapit na po pala makaluto si Manang sa bahay. Nagsabi po siya na doon na po kayo magtanghalian." Saad ko
"Oh, sige mabuti pa nga. Wala namang masyadong gawain dito. Nautos ko na kay Bert ang mga gawain sa trucking." Sagot niya habang nagliligpit ng gamit niya.
"Sige po pa, antayin ko na po kayo sa sasakyan" sabi ko at lumabas.
Ilang saglit pa, lumabas na si Papa at sumakay sa hummer.
BINABASA MO ANG
Rain Drops
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata, siya si Adie. Gustong gusto niya ang ulan dahil isa siyang Pluviophile. Genuine happiness at sense of comfort ang nararamdaman nito kapag umuulan. Isang araw, nakatagpo ito ng pag-ibig na kailan ma'y hind...