Fourth Drop

3 1 0
                                    

Good morning, Sunday!

Maganda ang gising ko ngayon dahil linggo. Sinabi ni Lola kagabi na magsisimba daw kami ngayon kaya inagahan ko gumising.

Pagkabangon ko dumeretso na ako sa banyo para maligo.

Habang nagsisipilyo ako, naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay naiinis ako sa lalaking yon.

Talagang ginisa gisa ko siya kahapon sa harap ni Lola at Kuya Jopet. Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin ulit. Akala mo kung sino siya at talagang nakikain pa ang kumag.

Mas lalo akong nainis dahil sa kanya napag sabihan ako ni Lola na kesyo daw hindi magandang magsalita ng masama sa mga bisita.

Kinampihan pa siya ni Lola talaga. Sino ba siya sa inaakala niya. Ang sarap niyang tubuhin sa mukha.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya umakyat na lang ako ulit sa kwarto.

Pero naririnig ko si Lola na pinagsasabihan din siya.

Yun na yata ang pinaka pangit kong umaga sa buhay ko.

Badtrip na badrtip ako maghapon dahil sa kumag na yon.

Since Linggo ngayon, papahupain ko na lang ang inis ko para hindi na masira ang mood ko. There are other things for me to enjoy and besides hindi ko na dapat pag aksayahan ng panahon ang taong yun.

Pagkatapos ko magpalit ay bumaba na ako. Nadatnan ko sila Lola at ate Cheszka sa sala na mukhang inaantay ako.

"Andyan ka na pala Apo" bungad ni Lola. She's wearing a cream-colored dress. Napaka ganda naman ng Lola ko. Napansin ko ring may hawak siya bat at yung rosary niya.

"Good morning po, Lola" sabay halik sa pisngi. I can also smell her cologne na talaga namang pang matanda pero napakabango.

"And Good morning ate" dagdag ko. Nakasuot siya ng kulay pink na blouse and naka jeans. Ako naman ay naka white polo na may polka dots and jeans.

I know we're looking gorgeous today and I can't help to smile.

"Let's go, Jopet is waiting us outside already" tumayo na sila.

Pagkalabas namin, andun na si Kuya Jopet sa tricycle niya.

Hindi daw siya makakasama magsimba dahil magpapasada siya sa bayan.

Ihahatid lang kami sa simbahan since wala kaming service na kotse kaya sa trike kami sasakay.

Si Lola at Ate sa loob samantalang ako ay sa motor katabi si Kuya Jopet. Medyo natatakot akong sumakay baka mahulog ako kasi hindi naman ako sanay sa ganito kaya sobrang higpit ang hawak ko.

Halos mamatay ako ng nerbyos dahil sa bilis ng pagpatakbo ni Kuya Jopet

Parang wala pang 5 minutes, nakarating na kami sa simbahan.

Pagkarating namin dumeretso na kami sa loob at andaming tao.

+++++++++++++++

Mahigit isang oras ang pagsisimba namin at ngayon ay palabas na kami.

Andaming tao ngayon dito sa harap ng simbahan. May mga nagtitinda ng mga kung ano-ano sa gilid ng daan at may mga batang naghahabulan.

I'm happy kasi ngayon lang ulit ako nakalabas at nakapunta sa ganitong lugar. And I'm thankful kasi nakasama ko si Lola ngayon magsimba. Sabi niya, this is one of her ways in spending time with her kids. Sila mommy yung tinutukoy niya.

Kung noon, sila mommy ang kasama niya magsimba, ngayon kaming mga apo naman niya ang kasama niya. This is my first-time spending time with her kaya I'll treasure this moment for sure.

Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon