Sixth Drop

1 1 0
                                    

Ang lamig ng simoy ng hangin ngayon. Lalo na at kakatapos lang umulan. Andito pa rin kami sa bahay nila Sir Gabriel at nakatambay ako ngayon sa garden nila.

Pagkatapos naming kumain kanina, dito ako dumeretso dahil wala naman akong ibang gagawin. Si ate Cheszka sumama kay Sir Gabriel sa office niya at may pinag uusapan tungkol sa trabaho. Si Lola naman at Manang Lita ay nagliligpit ng pinagkainan. Si Gabriel, ewan ko kung saan pumunta.

Halos 10 minuto nakong nakaupo dito at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa ganda ng lugar nato. Mayroong iba't ibang halaman dito at halos lahat ay namumulaklak. Kahit gabi na, makikita mo pa rin ang mga ito.

Parang gusto ko maguwi ng tig iisang paso ng mga ito hehe. Talagang mahilig ako sa mga halaman kaya ganun na lang ang tuwa ko habang pinagmamasdan ang mga ito.

"Maganda ba—" ay burikat

Literal na lumundag ang puso ko at saglit na kumawala ang kaluluwa ko sa gulat. Jusko day!

"Sorr—"

"Ano ba! Papatayin mo ba 'ko???" galit kong sabi sabay irap ng malala sa taong dahilan kung bat ako muntik maihi, si Gabriel, na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

Aba hanep toh ah. Bat ba kase nanggugulat, kung ano ano nasasabi ko tuloy.

"Magugulatin ka pala" saad niya habang tumatawa. Talagang hindi na niya napigilan ang sarili, sakalin ko to eh. Pero dahil nasa loob ako ng teritoryo nila, wag na baka di ako makalabas ng buhay.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? At tsaka bat mo ba ako kinakausap eh di naman tayo close?" pagtataray ko.

Umupo siya sa kabilang side ng bench.

"Eh ikaw bakit ka andito?" pagbabalik niya sa tanong. Tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin saken bagkus nakatingala siya sa langit.

Umiwas naman ako agad ng tingin.

"Nagpapahangin lang, tsaka..." Pagtigil ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung sasabihin ko.

Ramdam kong tumingin siya sa aken. "tsaka?" tanong niya. Pake mo ba kasi hmmp.

"Wala, papasok na ako" aalis na sana pero hinawakan niya ako. "Saglit, samahan mo muna ako dito" sabi niya. Aba, sino ba siya para samahan ko. Tsaka hindi kami close no. "please" nangungusap yung mga mata niya.

Hmmp sige na nga baka isipin pa niya wala akong utang na loob sa padinner nila. Binatawan niya ako at bumalik naman ako sa pagkakaupo.

Tumahimik ang paligid. Pero malamig parin ang simoy ng hangin.

"Garden ito ni Mama" pangunguna niya. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatitig siya ngayon sa mga halaman. Sa tagpong yon, mas lalo kong natitigan ang hulma ng kanyang mukha. Ang ganda ng kurba ng panga niya, tapos may mga maliliit siyang mga nunal sa may bandang leeg. Yung pilik mata mahaba at napansin ko na naman yung maninipis niyang labi.

Jusko Adie kung ano ano napapansin mo. Naramdaman kong uminit yung mukha ko. Shoocksss. Ewww. No-no-no-no. Umiwas ako ng tingin. Baka mahuli pa niya ako.

"Mahilig si Mama ng mga halaman. Siya ang nagtanim at nagpadami dyan" saad niya. Nakangiti siya habang sinasabi yon pero malungkot ang mga mata. Siguro naalala niya ang Mama niya ngayon.

Kung tutuusin, mahirap lumaki mag-isa kapag wala ang nanay. Ang nanay halos nagtuturo sa lahat, mula sa mga gawaing bahay, mga magagandang asal at pagkakaroon ng kabutihang loob. Hindi ko naman sinasabi na hindi kaya iyon ng isang ama pero para sa akin mas madali ang lahat kung kumpleto ang pamilya.

Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon