Alam niyo bang ako mismo naguguluhan sa sarili ko?
One time, it was Carl.
Then now...
Time flies so fast...
I remember the last time I looked into Jane's eyes.
Those are all wonderful.
The first time na ipakilala siya sa akin ni Carl, she's so stunning.
"Al, this is my older sis, Jane. Ate Jane, this is Alecsa, Al for short. My girlfriend." Jane nodded at me and she smiled. She looked like a very beautiful angel!
"Hi, Al! Kumusta naman kapatid ko as a boyfriend?" I smiled at napatingin ako kay Carl.
"Hmmm... Ano po... Ewan ko po e, parang hindi naman kami para sa isa't-isa." Nagkunwari akong nalulungkot.
Saglit kaming nagkatinginan ni Carl. Tinignan niya ko ng masama.
"Ay, joke lang po. Ayos naman po siya. Sweet po saka napakamaalaga po!" Tumango tango ang ate niya at ngumiti.
"Sige, Ate Ja, una na kami, ihahatid ko pa 'to sa bahay nila." Tumango ang ate niya at tumalikod na kami sa kanya.
"Siya ba yung kambal mo?" Tanong ko sa kanya. Grabe, sobrang magkamukha nila.
"Yup, matagal ko na sana kayong gustong magkita kaso nga lang, alam mo na, kababalik lang niya last week galing U.S. kasama si Rhed." Oww.
"Owkay! Tara na! Kain muna tayo sa McDo?" Tumango naman siya at naglakad na kami papunta doon.
"Al! Yung assignment mo napasa mo na ba? Isasabay ko na." Napatingin ako kay Rhia.
"Oh, sige. Eto oh. Thank you!" Hindi niya na 'yon pinansin at umalis na lang siya. Psh. Whatever.
Uwian na. Gusto kong pumunta ng Subshole Park. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 6:30 pm na pala. Late pala ang oras ng klase ko ngayon. Psh. Whatever!
Tumayo na ko at hinintay ko si Rhia bago ako umalis.
She's Rhia Cristine Pecalso. My bestfriend. Mataray, check! Suplada, check! Pero sa mga hindi lang nakakakilala sa kanya. So.. Whatever!
Ugh! Ang gulo ng isip ko!
Bad trip.
"Tara na?" Aya niya sa akin, at umalis na kami sa room.
"Diretso uwi ka na, Rhia?" Tinignan ko siya at nakita kong naghahalungkat siya ng kaniyang bag.
"Hindi ko pa alam eh, balak ko kasi dumaan sa park, may kukunin lang ako kay Renz. Ikaw ba?" Nagningning mata ko sa sinabi niya.
"Sama ako! Gusto kong pumunta ng park!" Wooohooo!
"Sa Trillo Park ako. Tara na!" Ay! Joke lang!
"Ay, hindi na pala, sa Sub ko gustong pumunta eh. Sorry, sige, una ka na. Uuwi na ko. Hahaha!" Nag peace sign ako sa kanya.
"Loka ka talaga! Nakita mo ba si Bea?" Ay! Oo nga no?
"Hindi nga eh, nagtanong ako kanina kay VJ, wala daw si Bea sa first 3 classes nila." Tumango tango lang si Rhia.
"Sige na, aalis na ko. Ingat ka sa pag-uwi ah!" Nagpaalam na kami sa isa't-isa at umalis na.
Ilan nalang estudyante dito sa parte namin. Well...
Tumingin-tingin ako sa paligid ko.
Wala kang hinahanap, Alecsa. Wala! Bad trip ka!
Sus. In denial ka pa. SHUT UP, CONSCIENCE!
Wala! Uuwi na ko!
Punta muna kaya ako sa Sub?
May kumalabit sa likod ko.
Goodness.
Nilingon ko and...
"O, bakit ganyan mukha mo? Are you expecting someone else?" Napakunot noo ko sa kanya. Tsk.
"Pinapaalala ko lang na napasa na paper natin. Next week daw malalaman grade."
"Okay." Inirapan ko siya at tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na ko papalabas ng gate.
Whatever. Ugh. What's wrong with me?
Nakalabas na ko ng gate.
Hinahanap mo? I said shut up, you dark side of mind!
Kunwari ka pa... Sige na... Aminin mo na. Ugh! Shut up!
Naglakad na ko papuntang sakayan. Tae talaga. Bakit wala pa kasi? Pwe! Bahala na! Marunong akong mag-commute.
-
Nakauwi na kong bahay. As usual, grounded ako. Kasalanan ko din naman, alam ko naman na papayagan akong mag-overnight, ewan ko lang talaga kung anong trip ko at hindi ako nagpaalam.
"Walang naghatid sa 'yo?" Tanong sa akin ni Kuya Alesso.
"Ano po sa tingin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip siya.
"Siguro nagtatanong ako." Umirap siya sa akin at pumunta na sa kusina.
Umakyat na ko sa kwarto. Nagbihis na ko pangbahay. Pinababa na ko ni Kuya para kumain.
"Kuya, wala pa sila mama at papa?" Tumingin siya sa akin.
"Ano po sa tingin mo?" Audible sigh coming from me. Hayss...
"Taste your own medicine, baby!" At nagtawanan kami ni Kuya! Bad trip!
-
"Alecsa! Look at me." I can't! No! Stop!"Alecsa, here, come on. We got to do this."
"No! We will wait for them! We can wait! I can wait, okay?! Don't do this!" No! This can't be happening!
"AAAHHH!" Narinig ko na sumisigaw na sa likod si Carl. He just hit his head on the mirror.
"Alecsa! Look at me! You've got to kick me out of this car! Remember, I'm not doing this for you. Come on!" I can't believe she can say these while she's bleeding. So bad.
"Alecsa, come on! Kick me out of this fucking car!" I'm literally crying right now!
"I can't." There's a pipe in my chest. I have no force to do it.
"Alecsa! We will fall on this fucking bridge! You need to use all your strength!" I'm breathing heavily.
I looked on our situation. There are three of us in the car.
Carl at the backseat, Jane is driving and I'm beside her.
"Alecsa! We will fall! Hurry up! Push or kick me towards to cliff!" Oh my gosh! No!
I can see why she can't do it herself, her two feet are cut under the pedals and her hands are stuck.
Ako lang makakagawa non. And I can't do it.
"AHHHHH!" The car is falling.