Prologue

198 9 9
  • Dedicated kay Greyzel Quijano
                                    

Bawat takbo ng oras sa mundo, pakiramdam ko hindi ko na kaya.

Ganito ba kasi talaga kahirap?

Tanginang buhay 'to. Ayoko na.

Itong ugali ko ang sisira sa akin.

Ayaw na sa akin ng pamilya ko.

Ayaw na sa akin ng mga kaibigan ko.

Ayaw na sa akin ng mundo.

At higit sa lahat...

Ayaw na niya sa akin.

Ang sama sama ko ba?

Hindi ko kasi mapigilan.

Hindi ko maintindihan sarili ko.

Ang gulo-gulo ng bawat tao.

Nasaan na ba ako?

Maski ang mga paa ko hindi nakiki-ayon sa sitwasyon ko.

Hindi ko alam kung saan ako patungo.

Gulong-gulo na ko.

Nagwawala ang pagkatao ko.

Nagwawala ang buong sistema ko.

Nasaan na ba yung dating ako?

Kaya ko 'to diba?

Kinaya ko ng kasama ko siya.

Pero ngayong wala na siya, ano ng gagawin ko?

"Tangina, Jane. Bakit mo ko iniwan?"

Eto nalang ang paulitulit kong sinasabi ngayong nasa harap ako ng puntod ng pinakamamahal kong babae sa buong mundo.

Jane, bakit?

How do I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon