Chapter 1 - Aso't Pusa

2K 65 3
                                    

Morning

" *Yawns * Mmm.. " Umaga na pala. Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko.

" Hay.. Goodmorning to myself. Goodmorning Mr. Tony Stark. ( ang Ironman doll na katabi ko sa pagtulog ) Goodmorning Lord. Ah, Lord? Sana po.. Gawin niyong mapayapa ang araw ko ngayon.. Kahit.. Ngayon lang po.. " I sighed. Sana nga..

Bumangon na ako at pumunta muna ng banyo. Bukas kaya?

Ah buti naman, bukas. Iisa lang kasi ang banyo namin dito pero magkahiwalay na kwarto. Pinagigitnaan ng banyo namin ang mga kwarto namin. Kaya dalawa ang pintuan sa loob ng banyo. Isang papuntang kwarto ko at isang papuntang kwarto niya.

Tulog pa kaya yung mokong na yun? Ano namang pake ko?

Magtoo-toothbrush at maghihilamos muna ako. Paglabas ko ng banyo, hinanap ko agad ang phone at earphones ko.

" There you gusy are. " Dadalin ko sila sa baba.

***

Habang pababa ng hagdanan kinabit ko na ang earphones sa tenga ko.

" Goodmorning manang. " Bati ko sa maid namin nang makasalubong ko sila.

" Ano pong breakfast? " Excited na tanong ko sabay tanggal ng isang earphone sa tenga ko.

" Bacon, hotdog, at egg po mam. " Sabi niya. Yay bacons. Favorite ko yun kisa sa hotdog at egg.

***

Dining

Nang makarating na ako sa dining, nakita ko na si James na nakaupo at kumakain na. Hays. Aga gumising.

Umupo nako at kukuha na sana ng ulam kaso..

" Bat wala ng bacons!? "

" Obviously I ate it. " Tipid niyang sagot tapos nagpatuloy na siyang kumain.

" Bat mo kinain!? " Wah! Wala na!

" Eh nagugutom ako eh, bakit ba. " Tumingin na siya sakin.

" Gusto ko yun eh.. " I said quietly while pouting.

" Edi magpaluto ulit. Problema ba yon. " Inis niyang sabi.

" Wag na. Gutom na ako. Pagtiyatiyagaan ko nalang to. Hmp! " Mas inis kong sabi.

Bwisit ka talaga, bwisit ka. Bwisit.

" If you want, Luluwa ko nalang ang mga nakaing kong bacons? You want? " Aba't nangaasar pa.

" Eww. Muka mo. " Sabay make face.

" Gwapo. " He said while grinning. Pwe.

Nauna siyang matapos kumain kesa sakin kasi obviously nauna naman talaga siyang kumain. Kaya pagkatapos niang kumain dumiretso agad siya sa harap ng tv.

***

Paakyat na sana ako kaso..

" Hey you. Babaeng may suot na pajama na saging ang pattern. " Natatawa niyang sabi.

Tumingin ako sa pajama ko. Okay naman ah! Cute nga eh.

" Ano namang pakialam mo kung gusto ko ng saging na pajama. Pansinin mo yang sarili mong panama, ang plain plain! Tatawagin mo na nga lang ako nangaasar ka pa. "

" Tss. Stupidhead. " Yun lang ang nasabi niya.

" Ano ba yon? Anong kailangan mo!? " Umagang-umaga. Ganda-ganda pa naman ng gising ko.

" Just to remind you stupid girl. Gumising ka ng maaga bukas, okay? "

" Bakit naman? " At bakit aber.

" Ulyanin ka talaga! Sunday Bukas. Soo.. Ibig sabihin non.. Pupunta ang mom mo. "

" Sunday na bukas? Bat di ko alam. " Nakalimutan ko. Bibisitahin pala kami ni mom. Everyweek kasi dumadalaw dito sa bahay namin ni James ang mga magulang namin. Minsan mom ko, minsan parents naman niya.

" Because you're too forgetful to remeber? Aight? " Di ko nalang siya pinansin at umakyat na.

Oh, and one more thing. " Pahabol niya kaya napatigil nanaman ako sa paglalakad ko. Hay nako. Ano nanaman.

" What now? "

" Did you enjoy your breakfast? I hope you did cause I enjoyed manang's bacons. " Asar! Asar talaga to kahit kelan. Ang sarap sipain.

" Muka kang bacon! " Sabay walk out ko.

Inubusan na nga ako ng bacons, di pa nakuntento, pinamuka pa talaga sakin. Sa lahat talaga ng mga bwisit, siya ang pinakabwisit, bwisit.

***

Pagbalik ko sa kwarto ko, ay dumapa na agad ako sa kama.

Oh. Naguguluhan ba kayo? Bakit kami nagaaway? Bakit hindi kami sweet sa isa't-isa? Bakit parang wala kaming pakialam sa isa't-isa? Bakit magkahiwalay ang kwarto namin?

Oo, kasal kami pero hindi dahil mahal namin ang isa't-isa. Kinasal kami, dahil sa fixed marriage.

Akala ko nga hindi na uso ang mga ganun ngayon eh. Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari yun. Pero ako rin pala..

Mangyayari din pala sakin. Malas ko no. Si James pa! Di ko yan mahal no. At higit sa lahat hindi niya rin ako mahal.

Nasa isang bubong nga kami, pero nagaaway parin kami. Para kaming aso't pusa! Nakakairita siya. Oo gwapo siya pero gwapo nga, pangit naman ng ugali.

Hay.. Kinasal kami 2 months ago. Honeymoon ba? Guess what. Alam niyo ba kung anong nangyari nung honeymoon namin!? Natulog lang kami. Natulog siya sa sofa. Buti nga. At ako ang nasa kama. Simula noon pang magkaklase kami, nakakainis na siya. Oo, kaklase ko siya nung college kami. Eh malay ko bang siya ang magiging asawa ko!? At isa pa, malay ko bang ikakasal nako!?

Crazy Stupid LoveWhere stories live. Discover now