Chapter 17 - Maze

630 35 1
                                    

Hays. Ang lungkot ko talaga ngayon.. Hindi ko alam pero parang wala talagang nakakaalala na birthday ko bukas. Bakit ganun? Wah! Ayoko naman i-brag sakanila, gusto ko sila mismo ang makaalala. Huhubells.

Kasama narin tong katabi ko sa kama ngayon. Wala man lang nabanggit tungkol sa birthday ko. Wawa naman ako.

Ni isa wala talaga. Ano bang meron ngayon sa mundo? Busy ba silang lahat?

" Goodnight. " Wala ba talaga siyang naaalala.

" Goodnight Loves.. I love you. " Inaasahan ko pa naman.
' Goodnight, advance happy birthday. ', pero waley eh!

" I love you. " Matutulog na nga ako. Ano ba yan.

***

Halloween slash Nadine's Bithday..

Hindi ko sila mahagilap lahat.. Pagising ko, wala na si James.
Ayaw nila sumagot ng kanya-kanya nilang telepono.

Hindi rin kasi ako pumasok ng opisina, birthday ko kase! Birthday! Patay na ba ako? Bakit di man lang nila ipag-celebrate ang munting kaarawan ko? Maski isang munting celebration lang!

What the fuck. Ang loner ko ngayong holloween at higit sa lahat ngayong birthday ko! What's with them? Nagka-amnesia ba sila? Pag natapos talaga ang birthday ko na ni maski isa walang nakakaalala, patay sila sakin. Magtatampo talaga ako to the highest level.

Nandito ako ngayon sa labas ng mall.. Sa kalye, naglalakad-lakad. Mag-isa lang ako which is very unusual. Masarap kasi maglibot dito sa mall nato, maraming ilaw kapag gabi sa labas. Nadagdagan pa ngayong holloween. Galing ako sa loob ng mall. Ang dami ko na ngang naipamili para sa sarili ko eh. Wah! Tragic talaga ng birthday ko!

" Roar!!! " May sumigaw saaking bata, naka-tiger costume.

Che.

Hindi talaga ako mahilig sa mga bata.. Kaya dinedeadma ko lang siya. Kanina pa ako nakakasalubong ng mga batang nakacostume pero hindi ko sila pinapansin. Merong pusa, bampira, fairy, at butiki. Ew.

Umupo muna ako dito sa isang bench sa ilalim ng malaking puno na punong-puno ng ilaw. Kulay red at puti halos ang mga ilaw. Spooky colors.

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid, para aliwin ang sarili ko.

***

Ang lamig. Ang lakas ng ihip ng hangin. October narin kasi, malapit na mag-pasko. Ang bilis pala talaga ng panahon.

" Hmm. Alam ko na. " Kinuha ko yung isa kong dalang paperbag at binuksan ito. Para akong tanga dito. Kausap ko sarili ko.

Oh well. Kinuha ko ang pink na sweater na binili ko lang kanina at sinuot ito.

" Perfect. " Niyakap ko ang sarili ko.

Naaawa na talaga ako sa sarili ko. Ayoko ng ganito, mag-isang nag-cecelebrate ng birthday. Kahit kelan hindi ko pa naranasan to..

***

~ Tok ~

" Aray! " May lumipad na bato at sa kasamaang palad, sa batok ko ito tumama. Bullseye. Tss.

Paglingon ko wala namang tao. Puro puno lang ang nakikita ko. But wait.. Meron lang isa.. A sign?

~ Alone? Go here? Holloween pa naman. ~

Ha? Minumulto na ba ako? O para saken talaga to? Haha! Mukang swak na swak sakin to ah. Ma-try nga.

Hindi naman siguro ito kidnapping.. Mananapak na talaga ako, kapag nagkataon.

Sinundan ko ang nakalagay na arrow.

Then I saw a sign again.

~ Promise, hindi ito kidnapping. ~

Gagi ano to? Ineengkanto na ba ako? Bakit sinasagot niya ang mga tanong sa isip ko? Holloween pa naman. Wag naman Lord..

Sinundan ko ulit yung arrow hanggang sa mapunta nanaman ako sa isang lugar.

Then a sign again.

~ Go here and you will find the love of your life and your happy ending. Trust me. ~

Saken ba to? Baka naman sa iba to, echosera lang ako?

Pumasok ako sa pintong tinuturo nung arrow at naghanap ng susunod na sign.

Feeling ko naglalaro ako ng treasure hunting. Gaga.

Kapag saken to? Sasaya talaga ako. Nag-eenjoy pa naman ako.

And then pagkapasok ko, may nakita nanaman akong sign pero this time, nakadikit sa isang malaking pink closet.

~ Open me ~

So I opened. Oh my gosh. Bumungad sakin ang isang napakagandang red wedding gown.. Bakit red? Tube lang ito at walang strap.

Pagkakuha ko ng gown, may nakita nanaman akong sign at the very back of the closet.

~ Wear this. Happy holloween! ~

Just go with the flow, Nadine. Feeling ko talaga may surprise halloween party na mangyayari ngayon eh. Ganda ng costume ko. Mwehehe!

Pero ang ganda ng gown ah. Pati ang pattern. Very impressive.

Di ko lang alam kung bakit color red. Sa bagay, holloween nga pala ngayon. But I still look stunning.

" Yun! " May nakita rin akong pintuan na merong sign sa ibabaw nito.

~ Mga babaeng naka-gown na kulay red. Go here. ~

So pumasok na nga ako.

~ For you. Happy birthday! ~

Sumalubong sakin ang napakaraming mga balloons. Iba't-ibang kulay. Pero ang pinaka nagustuhan ko ay yung nakalagay sa sa lamesa sa gitna.

Kinuha ko ang boquet of red roses. Ang sweet naman.

Paglingon ko, may nakita akong pintuan na may drawing na malaking heart sa gitna. Weird. Tinignan ko itong maigi, at hindi ako nagkakamali, merong sign nanaman sa ibabaw.

~ Last na promise, pasok ka dito, please? ~

Lumakad ako papalapit dito pero may bigla akong naapakan.

" Huh? " Pagkapulot ko kung ano ito, napagalaman kong susi ito na may nakasabit na sulat.

~ Key to my heart. ~

Napangiti ako. Ah. Yun naman pala kaya heart.. Ano ba talagang nangyayari? Para saken ba talaga to? Si James ba to?

Sinubukan ko ang susi sa pinto at pinihit ang doorknob,

" It works. "

" Ofcourse it works. " Pagkapasok ko, may biglang nagsalita. Madilim. Brown-out? Wala akong makita. Sino yon? Bakit ganito? Pero parang sobrang familiar nung boses na yun ah.

" S-sino ka? Ano to? Maze? Game ba to? Nasa TV show ba ako? PBB ba to? Ha? Sino ka? "

" Ako? " Boses nanaman nung familiar na lalaki.

" Oo ikaw. Sino pa ba? " Pilosopo. Alam na nga niyang wala akong nakikita. Tss.

Crazy Stupid LoveWhere stories live. Discover now