Chapter 4 - Ironman Ko

713 49 1
                                    

" H-hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!? " Aba't nahuli kong masarap ang higa sa kama.

" Natutulog. " Nakapikit niyang sabi.

" Sino nagsabi sayong dyan ka matuulog!? "

" Your mom. " Nakapikit parin niyang sabi.

" Eh!!! Dun ka sa sahig! " Sinigawan ko siya pero wala paring epekto.

" Uy! " Hindi niya ako pinansin kaya no choice ako. Humiga narin ako sa tabi niya.

Ceiling, okay ka lang ba dyan sa taas? Kasi ako dito hindi eh.

Nakahiga ako dito sa kama katabi ni James. Nakatitig lang ako sa ceiling. Awkward. Ang tahimik. Sobrang tahimik. Tanging ang tunog lang ng aircon at ng paghinga namin ang naririnig ko.

Wala akong magawa so naisipan kong tumagilid kaya sa pagtagilid ko dinala ko ang kumot at nagtalukbong. Sa tingin ko, nawalan tuloy ng kumot si James.

Naramdaman kong hinila naman niya ito pabalik sakanya.

Aba't hinila ko ito ulit papunta sakin! Ano siya!

" Ugh! " Hinila niya ulit ng mas malakas.

Ayoko ng makipagagawan kaya binitawan ko na ang kumot.

" Ow. " Tumalsik siya sa sahig. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na walang nangyari. Hindi ko na siyang naramdamang bumalik sa kama kaya siguro natulog na siya sa comforter sa sahig.

Tumagilid ako sa kabilang side.

Wala siyang unan?

Tumagilid ulit ako sa kabilang side tapos nagpanggap ng nakahulog ng isang unan at nakita ko namang nahulog ito sa muka niya.

" Thanks. " Galit na sabi nito.

" Welcome. " Sagot ko pabalik.

***

Tulog na kaya siya? Hindi ako makatulog eh.

Sumilip ako sakanya at agad ding umiwas. Pano ba naman, nahuli ko siyang ganun din ang ginagawa. Akala ko tulog na siya. Nahuli ko rin siyang sumisilip sakin. Napangiti tuloy ako

***

Teka.. Asan si Mr. Tony Stark ko? Yung stuffed toy kong Ironman. Saan ba nilagay ng mga maids yun nang maglipat sila ng gamit namin?

Tumayo ako para hanapin si Mr. Tony Stark ko. Naghalungkat ako sa mga cabinets dito bago naming kwarto pero wala parin.

" What are you looking for in the middle of the night? "

" Ay! Anak ka ng nanay mo! " Nakakagulat naman to. Bigla nalang nagsasalita.

" Tss. "

" Sorry. Ikaw naman kasi eh, nanggugulat ka eh. " Napasigaw tuloy ako ng di oras.

" So ano nga? " Ano namang pake niya kay Mr. Tony Stark ko.

" Wala.. May hinahanap lang akong bagay na napaka-importante sakin.. "

" What's that? "

" Wala nga.. Ako nang bahala.. Mahahanap ko rin yun.. Matulog ka na.. " Nasan na yun..

Bigla na lang tumayo si James at nakihanap din.

" Ano ba yung hinahanap mo? Pano kita matutulungan? "
Baka pag sinabi ko sakanyang si Mr. Tony Stark yung hinahanap ko, pagtawanan niya lang ako.

" Si Mr. Tony Stark ko.. Yung Ironman stuffed toy ko.. "

" Seriously. " Sabi niya sabay hanap narin.

***

After 10 minutes..

" Gotcha. Here, is this the one? "

" Oh my gosh! Ayan nga si Mr. Tony Stark ko! Ayan nga! "
Masayang-masaya kong sabi sabay yakap sa doll.

" Nahalo siguro nila sa gamit ko. Akala sakin. Panlalaki eh. "

Bumalik na ako sa kama. Pati siya. Pati siya!?

" James! Dun ka sa sahig! "

" Ayoko nga. "

" Eh! " Pagngawa ko.

" Matutulog ako kung saan ko gusto! "

" Ahm. Ah! Sige ka.. Magulo ako matulog. " Palusot ko.

" Tss. Aminin mo na. Gusto mo rin naman akong katabi sa kama eh. "

" Ang hangin. " Ang hangin niya talaga.

***

Magkatalikod kaming nakahiga.

" Ano bang meron sa Ironman na yan? It's just a stupid stuffed toy. "

" Si Mr. Tony Stark ang pangalan nitong stuffed toy ko. Regalo ko to sa sarili ko noong 16th birthday ko. Importante to sakin.. Dahil.. Almost 10 years na tong nasaakinmat tabi sa pagtulog. At isa pa, I'm obsessed with Ironman. " I explained the story behind my Ironman doll.

" Ah. " Ang haba-haba ng sinabi ko tapos ah lang ang sasabihin niya.

" Yun lang? Yun lang ang sasabihin mo? Ang haba-haba ng sinabi ko tapos ah lang? " Para tuloy kaming tanga dito, naguusap ng maglatalikod. Umupo nalang ako at sumandal sa headboard.

" Anong gusto mong sabihin ko? " Bumangon din siya at sumandal sa headboard.

" Wala man lang bang.. Bakit si Ironman? Bakit stuffed toy? Para kang bata? "

" Stupid. " Nakangiti niyang sabi sabay kurot sa ilong ko.

" Ow! " Aray! Ilong ko!

" Ow. Sakit non. Baliw ka ba? "

" Go to sleep. " Humiga na siya ulit.

" Uy! James! "

" Ano? Ayaw mo yatang magpatulog eh. May gusto ka bang mangyari ha?

" W-wala no! Wag ka ngang green minded dyan! Gusto mo ng sapak? Ipapaalam ko lang naman sayo na dinadaganan mo si Mr. Tony Stark ko! Oy! " Di ko talaga mahila. Ang bigat naman niya!

" Para yun lang. You're so weak. " Che!

Crazy Stupid LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora