Chapter 8 - Tamis Nilalanggam

730 45 1
                                    

" James! Alam ko na! Bilan nalang nating sina mom ng mga pasalubong diba!? " Excited na turo ko dun sa mga stalls.

" Oo na. Tara. "

Ang gaganda ng mga tinda. Yung iba pang-souvenir!

" Hmm.. Ang ganda lahat.. Di ako makapili.. " I tried my best to choose.

" Sige bibilin nalang namin lahat.. " Sabi niya bigla dun sa tindera.

" Ay hindi po.. Nakapili na po pala ako. " Sabi ko dun sa ale.

" Sus. Sigurado ka? Sayang naman. Hays. " Napakarami naman niyan kung bibilin lahat yan ni James.

" Kukunin po namin ito.. Ito.. Ito.. Dalawa nun.. At tatlo po nun. " Binayaran na ni James tapos lumakad na ulit kami.

" I'm sure, magugustuhan nila ang mga to! "

" I don't care. " Mukang tinatamad siya kapag nagshoshopping.. Haha!

" Ahm.. Pano kung sabihin ko sayong.. May binili rin ako para sayo? "

Bigla siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sakin.

" I know it's a bit corny but.. "

" What is it! " Excited niyang tanong sakin.,

" Tada. Couple shirts. "

" Hahahaha! " Tinawanan niya lang?

Nag-pout ako.. Ayaw niya ba? Ang nakalagay pa naman sa mga shirts.. He's mine.. Tapos sa isa.. She's mine..

" Ayaw mo? " Tanong ko sakanya.

" No. I'm just kidding. Let's go change. " Hala. Biglang naging seryoso. Loko talaga to.

***

Habang naglalakad, pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin..

Kami lang kasi yata ang nakacouple shirts dito sa beach..

" Mommy look! They're so sweet! Mommy! Mommy! I wanna do that when I grow up. " May biglang nagtututurong bata sa harapan namin.

" Where baby boy? Ah.. Oo nga no. Haha! Sige sige. " Sagot nung mommy nung batang lalaki.

" Nice kid. " Nag-apir si James at nung bata. Wow.

Noon pa lang hindi na ako mahilig sa mga bata. I hate kids. They piss me off. Hindi ko alam kung pano makikipag-interact sakanila. I feel awkward and weird around them..

" I don't really like kids.. " Bulong ko kay James pagkalayu-layo namin.

" Huh? Bakit naman? "

" Hindi ko alam. Basta I'm just not good with little kids.. "

" Eh pano na yan.. Kapag nagkaanak tayo.. "

" Gusto mo sapak!? "

" Kiss gusto. " Loko to ah.

" Sipa? "

" Hug gusto. " Binatukan ko nalang siya. Loko-loko.

***

" Bili tayo ice cream.. Ang init eh.. "

" Where? "

" Dun oh. " Turo ko dun sa nagtitinda ng ice cream.

" What flavor do you like? " Tanong sakin ni James.. Hmm..

" Chocolate! "

" Manong isa ngang chocolate at isang starberry. Eto bayad. Keep the change. " Binigyan ba naman ng 500 tapos keep thr change? Edi nagningning yung mga mata ni manong.

***

" Strawberry? "

" So? " Sabi niya habang busy sa pagdila ng ice cream niya.

" Wala lang.. Girly flavor for a macho guy like you.. " Natatawang sabi ko.

" Loves.. "

" Yes loves? "

" Just eat. "

***

" Tell me Nadine, gwapo ba ako? " Nandito kami ngayong sa kama namin, nakadapa, nanunuod ng TV.

" Hindi. " Tumingin siya bigla sakin. Mukang nagtataka.

" Joke lang! Syempre oo! "

" Tss. "

" Ikaw ang pinakagwapong asawa sa balat ng lupa! " Sabay sakal ko sakanya.

" Ekk! Eh bat ka nananakal!? "

" Gwapo mo kase eh. " Ngumiti naman siya sa sa sinabi ko.

***

" Paabot nga nung popcorn. Sinosolo mo na eh. " Sabi ko. Binigay niya sakin ang bowl na punong-puno ng popcorn.

~ Teet teet ~ May nagtext sa phone ni James.

" Sino yan? " Tanong ko habang binabasa niya to.

" It's Ericka. " Nagiba ang expression ng muka ko.

" What? Anong sabi? Why is she texting you!? "

" Some nonsense. Read it yourself. " At binigay niya sakin ang phone niya.

I miss you :*

Yan ang nabasa kong text.

" Hoy mr. Reid! Akala ko ba mahal mo ko! Bakit may kabit ka na agad! "

" Hoy mrs. Reid! Mahal na mahal kita! Wala akong kabit! "

" Di nga. "

" Tss. "

" Assumerang palakang mukang hipon. " Natawa siya sa sinabi ko.

" As you can probably tell, she's trying to sedducce me. "

" At magpapa-sedducce ka naman!? "

" Tss. No. She's not my type. " Buti naman. Nakahinga ako ng maluwag.

" I love my jealous wife more. " Maski sweet ang sinabi niya, binatukan ko siya.

" What's your problem? " Tumalsik tuloy ang isusubo na niyang popcorn.

" Hindi ako nagseselos.. Naiinis lang ako sakanya. Noon pa.. "

" So noon ka pa nagseselos? "

" Di nga! " Binatukan ko ulit siya. Kulit eh!

Crazy Stupid LoveWhere stories live. Discover now