Chapter 13 - Nasan Ka Na James

546 33 3
                                    

" Sino kayo!? Nasan ako!? Anong kailangan niyo saken!? "
Pagkagising ko nakita ko na agad yung nagpanggap na driver ko at lima pang mga lalaki na kumakain sa isang lamesa.

Nandito yata ako sa parang budega.. Madilim.. Madumi..
P-parang ito yung lumang budega at tambakan ng mga kalat ng opisina noon ah? Wah! Wala talagang dumadaan o pumupunta dito! Pano ako makakahagilap ng tulong!?

Ang dumi na ngayon ng wedding gown ko. Ang mahal pa naman nito. Galing Italy pa to. Tss. Nagising nalang kasi ako nandito na ako sa sahig, nakatali ang mga kamay.

" Pssst! Tumahimik ka nga! Nakita mo nang kumakain oh! Ingay-ingay mo! " Sinigawan din ako nung isang lalaki.

Ang papanget nilang lahat. Pero nakakatakot. Maliban na lang dun sa isang lalaki. May itsura, tahimik lang siya, at mukang bata pa, siguro mga kaedad ko..

" Kailangan niyo ba ng pera? Marami ako! Kaya ko kayong bayaran lahat! Sabihin niyo kung magkano?! "

" Hoy! Hindi kame ang may kailangan sayo! "

" Edi sino!? " Mas naiyak pa ako.

" Basta! Makikilala mo rin mamaya! Hahaha! " Tumawa pa sila. Hindi pa ako diretsuhin! Shit! Sino ba siya!? Bakit kailangan mamaya ko pa siya makilala!? Artista ba siya!? Espesyal ba siyang tao!? Bullshit! Bullshit lang!

" Walanghiya! Wala naman akong ginagawa sainyo ah! Pakawalan niyo na ako! P-pakawalan niyo na ako! Makukulong kayo lahat! Kayong lahat! " Pilit parin akong nagpupumiglas sa pagkakatali ng kamay ko kaso masyadong mahirap tanggalin.

" Kapag di ka tumahimik diyan, makikita mo ang katapat mo!!! " May dinukot siyang baril sa likod niya at tinutok sakin ito.

That shut me up.

***

" Tubig oh. " Nagising ako sa isang boses ng lalaki.

" Huh!? Anong gagawin mo saken!? Lumayo ka! " Natakot ako. Siya yung lalaking tahimik na gwapo. Bakit niya ako pinapakain? Mabait ba siya? Naiiba ba siya? Pano naman siya maiiba eh kasamahan nga niya ang mga dumukot saken. Anong gagawin niya saken!? Bakit kami lang dalawa dito sa budega!?

Agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya nang magsisisigaw na sana ako.

" Mmm! "

" Shhh. Wag kang maingay. Binibigyan lang kita ng tubig. Baka mahuli tayo. Babalik narin sila mamaya kasama si
mam. " Mam?

Tinanggal na niya ang kamay niya. Tinitigan ko lang siya.

" ... " Hindi ko maintindihan. Bakit siya ganito saken? O baka naman nilagyan niya ng lason to. Wah! Wag naman sana..

" Uminom ka nalang. " At yun na nga ang ginawa ko. Uminom nalang ako. Naubos ko ang isang buong baso. Ganun ba talaga ako kauwaw? Gano na ba ako katagal dito?

Nasan ka na James?

" Eto biscuit. " Sinubuan niya ako ng ilang mga subo ng biscuits. Skyflakes yata. Umalis lang siya at bumalik sa lamesa nila nang bumukas ng malakas ang pinto.

" Where is she?! " Pumasok ang babaeng nakamini-dress at naka-high heels. Sobrang high na heels. Eto na ba yung dapat kong makilala? Tss. Babae naman pala. Maarte pa.

" Nandoon po oh. " Turo nung isang panget.

Lumingon yung babaeng malandi sa direksyon na tinuturo nung panget.

At..

At..

At..

" E-Ericka? " Hindi makapaniwalang bulong ko.

" Yep. Oo. Ako nga. Ericka Villongco. " Parang lahat mura gusto kong sabihin ngayon. Nanggigigil ako.

" Bakit mo ba ginagawa to!? " Sigaw ko sakanya. Lumapit siya saken. She held my chin at itinaas niya ito.

" First, inaagaw mo saken ang nakapaimportanteng tao saken.
Second, masyado kang bwisit sa buhay ko. At pangatlo, naiinis ako sayo! " Pagkasabi niya ng pangatlo mas humigpit ang hawak niya sa baba ko.

Kaya sinipa ko siya sa tiyan gamit ang matulis kong heels.

" Aba't lumalaban ka na ha! Panget ka! Ha! " Pinagsasampal niya ako sa muka.

" Ah! "

" Itali siya sa paa! " Itinali nga nila ang paa ko at itinapon ang sapatos ko sa kung saan.

" Ikaw.. Sa susunod.. Wag kang lalaban ha? Dahil kapag
naglaban ka ulit.. Higit pa dyan ang mararanasan mo! "
Nilapit nanaman niya ang muka niya.

" Pwe! " Diniraan ko siya sa muka. Lapit pa kase ng lapit ng muka eh, yan tuloy. Muka kasing mangga yung ulo.

" Bitch. " Sabi ko sakanya at mukang ikinairita naman niya ito ng sobra.

" Ah ganun.. "

" Rape her. " Sabi niya dun sa isang panget. Wah! Bigla namang ngumiti ng todo, litaw ang tatalong ipin niya sa harap. Ew!

" S-subukan mo lang! " I glared at him pero deep inside natatakot na talaga ako.

" Fine. Papagbigyan kita.. " Hindi na niya ako papagahasa?

" Siya nalang. " Si gwapo? Maski gwapo siya, ayoko parin! Lord! Ayaw!

" You're so pathetic! Kahit kelan hindi ka magugustuhan ni James! Dahil ako! Ako lang ang mahal niya! "

" Goodluck. " Sabay talikod niya. Lumabas siya budega kasama ng ibang apat na panget. Naiwan kaming dalawa dito ni gwapo.

***

Tumayo siya at lumapit sakin. Anong gagawin niya? Gagawin ba talaga niya ang inutos ni Ericka!? Mare-rape ba ako ngayon. Wah! James!

Tumabi siya sakin at sumandal sa pader. Natatakot ako.. Kaya lumayo ako ng konti sakanya..

" A-anong binabalak mo? M-maawa naman kayo.. " Tumulo na ang luha ko.

Hindi siya sumagot.

" W-wala naman akong ginagawang masama ah.. Masama bang magmahal.. " Basang-basa na ang muka ko kakaiyak.
Hindi ko naman mapunasan dahil nakatali ang mga kamay ko.

" Lapit ka. " Lumingon na siya sakin at sinenyasan akong lumapit sakanya.

" Ayaw.. W-wag.. " Mas lumayo pa ako sakanya. Takot na takot na talaga ako.

" Lapit ka sabi eh. " Nasan ka na James?

***

James POV

" Nasan ka na Nadine? " I cried.

Crazy Stupid LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora