Chapter 2 - Stuck With You

1.1K 58 1
                                    

Ang boring naman..

Nakita ko ang nalagay sa harapan kong kahon.

~ Nadine's Junk ~ Yan ang nakalagay sa kahon. Ilalagay ko pa pala sa attic yan.
Meron talaga kami ni James niyan ng monthly. Nagkakaron kasi dito sa subdivision na tinitirhan namin ng garage sale dun sa clubhouse. Nilalagay muna sa attic para himdi makalat sa kwarto.

Kinuha ko na ito at lumabas ng kwarto.

***

Attic

" Garbages. " Si James yun ah.

" Oh. Bat ka nandito? " Sabi ko sabay lapag ng hawak kong kahon.

" Malamang nagdadala rin ng mga kalat ko. " Sungit.

" Bahala ka na dyan. " Paalis na siya at bubuksan na sana ang pinto nang..

" Nakalock.. "

" Huh? " Lumapit ako sa pinto at di nga siya nagbibiro! Nakalock nga!

" Siguro nilock mo no!? Siguro sinadya mo to no! Aminin mo nga, may gusto ka ba sakin!? "

" Hoy! Ang kapal mo ah! Hindi ako naglock niyan at w-wala akong gusto sayo no! Malay ko bang I'm going to be stuck with you here in the freaking attic! "

Epal.

" Tss. " Lagi nalang siya nag-tss. Weird. Favorite niya bang sabihin yun?

" Ah alam ko na, pahiram phone. " Sabi ko sakanya.

" Wala. Nasa baba. Nasa kwarto ko. " What! Eh nasa baba rin tung akin eh. Ano ba yan.

" Edi magsisisigaw nalang tayo.. Eventually maririnig din naman nila tayo dyan sa baba. "

" It's no use.. Nag-grocery sila. Hindi na sila masyadong umaakyat kapag gabi na. " Ha!? Dadalawa na nga lang ang maids namin, ganun pa. Ngayong kailangan namin sila!?

Umupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader habang si James ay ganun din sa harap ko. He's also sitting infront of me acroos the room. Hindi ko siya masyadong makita. Onting-onti lang.

" I assume bukas na tayo makakalabas dito.. Kapag siguro naglinis sila ng bahay.. Tss. " Dinig kong sabi niya.

***

" Dad.. Natatakot ako.. " Bulong ko. Meron pa naman kasi akong Claustrophobia. Yung phobia sa madilim at kulob na kwarto. Eh noong maliit pa lang ako, nung buhay pa si dad ko, siya ang kasama ko. Siya ang nasa tabi ko kapag natatakot ako. Sinasamahan niya ako.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

" Wag ka ng umiyak. Dito lang ako. Di kita iiwan. "

" Dad? "

" Baliw. Si James to. "

Hawak pa niya ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok puso ko sa di malaman-lamang rason. Iba. Ibang-iba ang boses niya ngayon sa pakikipagusap niya sakin. Malambing.

Wag ka ng umiyak. Dito lang ako. Di kita iiwan.

Yan din ang mga eksaktong salitang ginagamit ng dad ko noon para mawala ang takot ko.

" Malay ko ba. Atsaka baliw ka din. Bakit ba? Ano namang pake mo kung umiiyak ako ha? " Naiinis na sabi ko habang nagpupunas ng luha gamit ang isa ko pang kamay.

" Ikaw na nga yung.. Ugh.!"

" Ang sungit sungit mo kanina tapos bigla nalang ganyan? Bigla kang nagiging sweet sakin? Bipolar ka ba, yung totoo? "

" A-anong sweet? Tinatanggal ko lang yang takot at lungkot mo. Atsaka hindi ako bipolar no. Normal ako normal. "

" Ewan ko sayo. " Ang gulo niya. Hindi ba yan sweet?

Crazy Stupid LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang