Chapter 14 - Kidnapped Bride

494 33 1
                                    

" P-parang a-awa mo na.. Please.. Wag na.. " Tinignan ko siya sa mata. Nagkatitigan tuloy kami ng ilang segundo.

Lumapit na siya saken. Wah!

Pumikit nalang ako at naghintay may mangyare. Pero napadilat ako sa mga sumunod niyang ginawa.

" Tahan na. Di bagay sayo ang umiiyak. Akala ko ba palaban ka? " Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya.

Hindi ako makapaniwala. Tinignan ko lang siya. Totoo ba tong nakikita ko? Mabait siya?

" Oh. Wag mo akong titigan ng ganyan. "

" H-hindi.. Hindi mo a-ako gagahasain? " Mahinang tanong ko.

" Hindi no. " Natawa siya.

" H-hindi ka rapist? "

" Hindi rin no. " Medyo natawa siya ng mahina.

" B-bakit ang bait mo? "

" Kase hindi ako ganong klase ng lalaki. " Nginitian niya ako.

" Buti ka pa. Ano bang binabalak ni Ericka? Pwede mo bang sabihin saken? " Nagbabakasakali lang naman akong tutulungan niya ako.

" Ang makuha si James. Yung asawa mo? Ang sabi niya makukuha niya lang daw si James kung mawawala ka. Pero bago ka niya patayin, gusto ka muna niyang pahirapan. Kung gusto mo, pwede kitang tulungan umalis dito. "

" P-patayin ako? Pero p-pano mo ako matutulungan? " Naiiyak nanaman ako sa takot.

" Bigay mo saken number ng asawa mo, pwede ko silang tawagan.. " Bulong niya.

" 09--------- " Buti nalang memorize ko.

" Ito. Isulat mo dito. " May dinukot siyang maliit na papel sa bulsa niya at binigyan niya ako ng ballpen.

" Salamat ah? Di ko akalaing may mabait palang kidnapper. "

***

" Bat mo ako tinutulungan? "

" Daddy ko ang isa sakanila. Napilitan lang ako sa ganitong trabaho dahil gusto ni daddy. May malaki daw kasi kaming utang sa pamilya ni Ericka. Sa mga Villongco. Simula palang, hindi ko naman talaga gustong gawin to eh. Hindi ako mamamatay tao at higit sa lahat, hindi ako kidnapper. Dito namatay ang mommy at kapatid ko.. "

" I'm sorry.. "

" Psh. Tagal na non. Minsan nga naisip kong dapat namatay nalang din ako eh.. Kesa gumawa ng masama. "

" ... " Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Bakit siya nag-oopen up saken? Bakit niya sinasabi lahat saken to?

***

~ Knock knock ~

May kumatok sa naka-lock na pintuan. Nataranta bigla yung katabi ko. Ahm.

" Ano nga palang pangalan mo? " Hindi ko man lang alam ang pangalan ng tutulong saken.

" Diego. " Mabilis niyang sagot.

" Oh. Anong ginagawa mo!? Akala ko ba.. "

" Shhh.. Kunyare may nangyare. " Hinayaan ko nalang siyang punit-punitin ang gown ko. Tutal sa ikabubuti ko naman to eh. Halos mahubaran na ako.

Tumayo na siya at lumpit sa pinto para buksan ito.

" Tulog. " Bulong ni Diego bago buksan ang pinto. So agad akongg pumikit at kunyaring natulog.

Pagbukas..

" Ano ba! Kanina pa ako kumakatok dito ah! Masyado ba kayong nag-enjoy? Palibasa malandi yang babaeng yan! "

" Mam, pwedeng si Greg nalang po ang magbantay dito? May bibilhin lang ako dyan sa tindahan? " Baka tatawagan na niya sila James. Sana. Lord. Please.

" Sige. Bilisan mo. Tawagin mo narin si Greg. " Sabay labas nilang dalawa.

Nang ako nalang mag-isa, dumilat na ako at umupo.

" James.. Nasan ka na? Kailangan na kailangan kita ngayon.. Please, bilisan mo. " Kausap ko ang bubong.

Maya-maya ay pumasok narin yung Greg dala-dala ang pagkain ko.

Crazy Stupid LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin