Chapter 5 - Kissed You For Myself

785 44 1
                                    

Papaandarin ko na sana ang kotse ko nang may biglang kumatok sa bintana ko..

" Ay pota! " Lagi nalang akong ginugulat ng mga tao ngayon ah! Grabe. Gusto niyo ba akong atakihin sa puso!?

Binaba ko ang bintana ko.

" Sabay ka na sakin. "

" No thanks. "

" That wasn't a question. " Sabay hila niya sakin papasok ng kotse niya.

***

" Seatbelts. "

" Bakit mo naman ako sinasabay papasok ng office? Hindi naman ganito ang routine natin ah? "

" I said buckle up. "

" Ano bang nakain mo? May lagnat ka ba? " Sabay check ko sa noo at leeg niya. Wala naman.

" Get your hands off of me. " Sabi niya habang nilalagyan ako ng seatbelt.

" Kaya ko naman eh. " Inagaw ko ang seatbelt ko na hawak niya.

***

" Sabay tayong uuwi, okay? " Bilin niya. Dalawa lang kasi kami dito sa elevator kaya freedom niyang magsungit sakin. Bilin kasi samin ng mga magulang namin na we have to act real, to act sweet to each other in public.

8th floor pa ang floor namin dalawa ni James pero biglang bumukas ito sa 6th floor at lumabas ang isang bruha.
Si Ericka. Ericka Villongco. Hindi ko alam pero mainit na talaga ang dugo ko sakanya noon pa. Patay na patay siya sa kay James maski alam niyang may asawa na si James. Puro retoke! Di kagandahan at hugis mangga naman yung muka.

" Oh. " She looked at me from head to toe with disgust pero hindi ko na yon pinansin. Tumabi siya sa side ni James.

" Sure loves. Kung mapilit ka. Sasabay na ako sayo mamaya, okay? " I gave him him my sexiest smile. Haha! Ericka's face was priceless. She looked like a jealous shrimp! Ahaha!

Natawa si James.

~ Ting ~ Bumukas na ang 8th floor at lumabas na kaming tatlo.

" Ah loves? Can you go to my office later? After 15 minutes maybe? "

Ha? Ano daw? Anong loves? Nakikisakay ba siya sa loves ko?
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong nakarinig samin including Ericka. Mwehehe. Buti nga.

" Ah okay? " Nahiya na ako kaya binilisan ko nang lumakad papuntang office ko.

***

After 15 minutes..

~ Knock knock ~ Nakit ako na siyang nakaupo sa desk niya. Ang bintana niya kasi ay translucient. Kaya makikita mo sa labas ng konti ang nangyayari sa loob.

" Come in. " Pumasok na ako at lumapit sa desk niya.

" Hey. What do you want? " I crossed my arms.

Tumayo siya at tuloy-tuloy na lumapit sakin.

" A-ano nga yo- Mmmmm! " Bigla-bigla na lang niya akong hinalikan! Kasabay ng paghalik niya sakin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bwisit. Ano nanaman ang ginagawa niya sakin.

Nandito na ako sa pader at hindi parin niya ako tinitigilan.

Maski nagpupumiglas na ako kanina pa, masyado parin siyang malakas kaysa sakin. Nang matapos na niya aong halikan, sinipa ko siya sa.. Sa.. Maselang bahagi ng isang lalaki.. At dali-daling lumabas.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang mga nanlalakihang mga mata ng mga tao dito sa office at lahat sila nakatingin lang sakin. Oh my god, James! Nakikita pala nila kami sa loob by shadows.

Bakit niya sinipa ang asawa niya? Siguro yan ang nasa isip nilang lahat ngayon.

Napatigil ako sa pinto.

" Anong tinitingin-tingin niyo? " Sana di sila magduda.

" Back to work! " Biglang sigaw ni James sa likod ko. Nagsibalikan naman sila sa mga trabaho nila. Mga chismoso't chismosa! Kainis.

Napatingin ako kay James sa likuran ko. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, kaya tumakbo na ako pabalik sa office ko.

***

Bakit niya ako hinalikan? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Nakadrugs ka ba siya? Shunga ba siya? Baliw ba siya? Adik siya ah!

Napahawak tuloy ako sa mga labi ko.

Wala parin akong maisip na rason para halikan niya ako. Eh yung translucient niyang bintanang pader.. B-baka hinalikan niya lang ako para ipakita sa lahat..

Bakit parang.. nakaramdam ako ng panghihinayang?

May muka pa ba akong ihaharap sakanya mamaya? Sabay pa naman kami uuwi mamaya.

***

Ang traffic.

Buong biyahe walang nagsasalita saaming dalawa.

" Uy! " He poked my shoulder. Hindi ko siya papansinin. Bahala siya. Naiirita pa ako sakanya.

" Uy! Galit ka ba? " Di ba obvious!?

" Nadine.. " He's now poking my face.

" Ano ba! " Finally, tumingin na ako sakanya. His eyes met mine. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo pero siya ang unang nakabawi.

" L-look.. About dun sa.. Office? " Hindi niya alam kung saan sisimulan.

" What about it? " Mataray kong sagot.

" Ahm.. "

" In the first place, hindi mo dapat ginawa yun! Grabe ka! Gago ka ba? Nakakainis ka na ah! Bigla-bigla ka na lang tumatayo at nanghahalik!? Sped ka ba? Ano ba ako sayo? Laruan na pwede mong paglaruan? Asarin? At pagtripan? Nakakabaliw ka na ha! " Hindi na ako nakatiis.

" I'm sorry. " Bulong niya habang nakatingin sa daan.

" A-ano? "

" Fuck. Don't make me say it again. " Mukang hindi siya komportable sa pagsosorry.

" Edi wag. Bahala ka nga diyan sa buhay mo. " Ano ba yan. Tingin ko tuloy, para kaming totoong nagaaway na mag-asawa. Ugh.

" I'm sorry. Sorry for kissing you. I'm sorry. " First kiss ko kaya yun sakanya.

" Bakit mo ako hinalikan kanina? " Tanong ko.

" Hindi ko rin ala- " Di niya alam? Hindi ko na siya pinatapos.

" Just to show them we're real? "

" Well yeah. " Para siyang nagka-idea. Ang weird niya talaga.

So yun nga.. Yun ang dahilan.. Bakit ba parang umaasa akong iba ang rason niya.. Na hindi niya ako hinalikan para ipakita lang sa ibang tao.. Ano bang nangayayari sakin? Huwag naman sanang..

~ Beeeeeeeeeeeeep ~ Binusinahan kami bigla ng malakas. Habang naguusap pala kami, kanina pa pala umusad ang kotseng nasa harapan namin.

Natauhan kami. Ibinalik na namin ang tingin sa kalsada.

***

James POV

" Bakit mo ako hinalikan kanina? " Tanong niya.

" Hindi ko rin ala- " Hindi niya ako pinatapos.

Hindi ko rin talaga alam ang pumasok sa isip ko noong mga oras na yun. Siguro nga nababaliw na ako.

" Just to show them we're real? " Nagka-idea ako. Magandang rason yun ah.

" Well yeah. " Yun na lang ang ginawa kong palusot. Dahil ang totoo, I kissed her for myself, not for other people. Ako nga naguguluhan eh.. Hindi kaya..

~ Beeeeeeeeeeeeep ~ Binusinahan kami ng kotseng nasa likod namin. Kanina pa pala umusad ang kotseng nasa harap namin.

Natauhan kaming dalawa ni Nadine kaya ibinalik na namin ang tingin sa kalsada.

Crazy Stupid LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora