Chapter 2

1K 27 2
                                    


Tahimik lang kami sa sasakyan,
walang gustong mag salita eh.
Mga 2 hours ay nakarating narin
kami sa school na papasukan namin.

Ng makababa kami ay halos
mapanga-nga kaming tatlo, si kuya
kase ay nasa sasakyan ayaw ata
bumaba. Tinignan ko yung kabubuan ng school at wow! sobrang laki at ang ganda, may
mga estudyante pa na tumitingin
samin dahil muka kaming tanga
dito sa labas ng kotse ni kuya na
na ka tayo at na ka nga-nga. Haha
parang tanga lang.

"Hindi pa ba kayo papasok, baby"
Nabalik lang kami sa wisyo ng mag
salita si kuya na kakalabas lang ng
kotse niya.

"Kuya, hindi nako bata para tawagi
mong baby" naka simangot kong sabi.

"Haha. Sige sige hindi na kita tatwagin na baby, tatawagin nalang kita na baby pag nasa bahay tayo,
but you're still my princess, remember that" nakangiting sabi niya "By the way, hindi paba kayo papasok baka ma-late kayo"sabi niya. Ay oo nga pala.

"Hehe" awkward na tawa ko "Oo nga pala, sige pasok na kami kuya"
sabi ko at tinignan sila Jen at Marga.

"Oo nga, tara na" sabi ni Jen "Salamat sa pag-drive pa puntang
sa bagong school namin, Kuya Ryan"

Tinignan ko naman si Marga na
nakatingin lang kay kuya, siniko ko
siya dahil naka tulala lang siya kay
kuya. Tignan naman niya ako ng
masama at tumingin ulit siya kay
kuya. "Ah salamat kuya Ryan, sige
una na kami" nahihiyang sabi niya
kay kuya.

Ngumiti nalang si kuya. "Sige, kuya
alis na kami" paalam ko at tumalikod na kami. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan
kami ng ibang estudyante.

"Sila ba yung bagong transfer?"
"OMG, ang gaganda nila"
"Oo nga, Ang puputi nila at ang sexy"
"Ang ganda nung nasa gitna"

Napataas ang isang kilay ko sa last
na narinig ko. I know right.
Pumunta na kami sa bagong classroom namin. Pag ka pasok
palang namin ay agad kaming
pinagtitinginan ng estudyante dito
sa classroom, umupo kami sa gitna at nag-usap nalang.

"Grabe, ang ganda dito no?" tanong
samin ni Jen "Mas maganda pa sa school natin doon sa AC" namamanghang sabi niya habang nag titingin kung saan-saan. "May gwapo kaya dito?"

"Aba, malay ko" sabi ko.
"Tse! tinatanong ba kita" masungit na sabi niya saakin. Mag sasalita na sana ako para sungitan din siya pero inawat na kami ni Marga mukang alam niya na mag kakapikunan nanaman kami. Haha.

"Tama nayan, baka magkapikunan nanaman kayo" sabi niya, tumingin
nalang ako sa ibang direksyon,
medyo maingay dito sa loob dahil
may nag-uusap, nag tatawan at
may kumakanta pa na babae, tinignan ko yung babaeng kumakanta, maganda naman boses niya at muka pang napilitan, pinag e-exaple kasi siya ng mga kaibigan niya.

Natahimik kaming lahat ng may tatlong lalaking pumasok pero napako ang tingin ko gwapong lalaki na nasa gitna na may hawak na bola. OH MY GHAD! ANG GWAPO NIYA, SIS. Pinag-masdan ko siya mula mga mata niya ang ganda ng pag kaka-shape at kulay green ang color ng mata niya bumaba pa patingin ko hanggang sa matangos niyang ilong at sa SHIT! yung lips niya, sis.Ang sarap halikan. sobrang pula non at kung siguro maghahalikan kami ay ubod yon ng lambot, Nag tama ang tingin namin ng ilang minuto pero agad ako umiwas ng tingin, umupo sila sa pinaka likod na upuan, oh so dun pala upuan niya.

"Oh my god! Ang gwapo niya talaga" biglang sabi nung nasa harapan ko, kaya biglang napataas yung kilay ko.
"Oo nga! Ang bango pa niya! Kinikilig na sabi nung isa.

Natahimik na kaming lahat ng biglang pumasok na yung teacher namin sa first subject. "Hi Class, I'm Elisha S. Orenso. I'm you're English Teacher" Pagpapakilala niya "May bagong transfer pala tayo dito" sabi niya at tumingin saming tatlo, ngumiti naman kami.

"Okay, Magpakilala kayo" sabi niya samin kaya tumayo kami.

Ang unang nagpakilala ay si Jen
"Hello everyone, I'm Jenny Kim Bueno, 18 years old" nakangiti niyang sabi.

"So, Jenny pala pangalan niya, well
mas maganda parin pangalan ko" sabi nung medyo hindi naman kagandahan na babae, tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng kilay
mukang na takot naman siya kaya
napangisi ako.

Sumunod naman ay si Marga
"I'm Margaret Lyka Villanueva"
nakangiti niyang sabi

"Ang ganda naman ng pangalan niya"
"Bro, ang ganda oh, pormahan mona"

Tinignan naman ni Marga yung nag-sabi nung last at tinaasan niya ng kilay yung lalaki. Haha.

"Pero mukang masungit eh" sabi nung isang lalaking katabi niya.
Hindi ko lang sila pinansin at nagpakilala nalang.

I smile. "Hi, I'm Maureen
Faye Juerez" maikling sabi ko habang nakangiti parin.

"Shit! Ang ganda niya, bro"
"Oo nga, bro para siyang barbie doll"
"Sana ganyan din ako kaganda"

"Okay class, quiet please" sabi ni Miss Elisha.
"Thank you, pwede na kayong umupo" sabi niya.

"Yes Miss, Thank you" sabi naming tatlo at naglakad ba pa punta sa upuan namin, ng maka upo kami ay nag simula na si Miss Elisha na mag turo.

Nakinig lang ako hanggang dumating na ang oras para mag lunch. Agad na kaming tumayo lalo
na si Jen dah gutom na daw siya sabi niya kulang pa daw yung pag kain na kinain niya sa bahay namin.
Ng makarating kami sa canteen ay agad kaming umurder ng pagkain
namin. Ng matapos na kaming umurder ng pagkain ay nag hanap kami ng makakain pero wala dahil lahat ng table ay puno na.

"Saan tayo niyan?" tanong ni Jen.
"Ewan" sabi ko

Sabay namin tinignan si Marga
"Ikaw may alam ka bang pagkakainan? Gutom na ako Marga" nakasimangot na sabi niya.

"Hindi ako sigurado pero meron, nakita ko lang yon noong naglalakad tayo sa hallway" sabi niya.

"Doon nalang tayo, gutom nako eh" sabi ni Jen.

"Oh sige, tara"

Pumunta kami sa sinabi ni marga at Oo nga may pagkainan doon, wala na kaming sinayang na oras at umupo na kami at kumain.

See you next chapter!😉

My Unexpected GirlfriendWhere stories live. Discover now