Papasok nako ng sine ngayon ng biglang may humawak sa bewang ko. Gulat ko yon na nilingon at nakita kong si Leo yon habang naka-ngisi.
"Trying to escape, huh?" Nakangising tanong niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"Hindi no!" Sigaw ko sakaniya at nag-iwas ng tingin ng maalala ko ang eksena kanina. I kiss him!
"Eh? Pagkatapos mo ako nakawan ng halik?" Nag-aasar na tanong niya. Nag-init ang pisge ko dahil don.
"Tse!" Singhal ko sa kaniya at lumayo sa kaniya kaya nabitawa niya ang bewang ko. "Tara na nga!" Sigaw ko sabay irap sa kaniya at nauna ng pumasok. Hinabol niya naman ako at ngayon at nakaakbay na siya saakin. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango dahil sa lapit namin sa isa't-isa.
Pinili ko sa harapan na lang kmi para malapit kami sa panonoodan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang panood.
"What the fuck!" Gulat na sigaw ni Leo pero pabulong lang yon kaya wala medyong nakarinig. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya pinapanood namin. Naghahabol pa siya ng hininga na akala mo naman tumakbo siya ng ilang meters.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Anong panood yan?!" Inis na tanong niya. Nakatingin parin siya sa screen.
"Uh.. Horror?" Kunwaring hindi ko siguradong sagot kahit alam ko naman talaga. Nakita kong kinalma niya ang sarili niya. Napakagat ako ng labi ko para pigilan ang tawa ng may-ma-realize ako. "Takot ka no?" Nang-aasar na tanong ko at tinigna ko din siya ng mapang-asar na tingin.
"H-Hindi, no." Sabi niya at nag-iwas ng tingin. "Bakit na man ako m-matatakot sa M-Multo?" Mayabang na tanong niya kahit ramdam ko ang takot sa boses niya.
"Oh? Tignan narin." Nakangising sabi ko, nag-aasar. Humarap nako sa pinapanood. Nasa kalignaan kami nh panonood ng biglang nagpakita ang multo sa screen.
"Oh! Shit!" Nagulat ako ng biglang pagsigaw ni Leo at tumayo pa. Nagpigil ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Hinila ko siya paupo dahil nakakaagaw na siya ng attention. Nilingon niya ako ng masama ng makitang nagpipigil ako ng tawa.
"Ano ka ngayon? Akala ko ba hindi ka takot?" Pang-aasar ko sa kaniya. Nakita ko ang pagpula ng pisge niya at tenga dahil sa pag-aasar ko sa kaniya.
"H-Hindi ako takot, no. Nagulat lang ako." Sabi niya. Kumamot siya sa batok niya at nag-iwas ng tingin. Hindi ako naniniwala sa kaniya.
"Weh? Eh, ano yon? Bakit ganon reaksyon mo ng nagpakita yung multo sa screen? Para kang matatae sa takot." Sabi ko at bahagyan na tawa sa huli kong sinabi.
Hindi siya sumagot at nakaiwas padin ng tingin. Namumula pa ang hanggang ngayon ang tenga niya. Hindi ko na napigilan ang tawa ko at tumawa na ng malakas. Nagsatinginan ang mga tao na nanonood saakin dahil sa malakas na tawa ko. Iniisip siguro nilang baliw ako dahil wala namang nakakatawa sa pinapanood. Nakalimutan ko nadin manood dahil sa katatawa.
Nilingon ako ni Leo at inilapit niya ang muka niya sa muka ko kaya natigilan ako kakatawa. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at ganon din ako.
Ngumisi siya at mas lalong idinikit ang muka niya sakin. Halos mabulag ako sa lapit ng muka niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at nakita ko ang paglunok niya. Hinawakan niya ang baba ko at palapit na ang muka niya. Hahalikan niya na sana ako pero nagulat ako ng biglang sumigaw ang mga tao dito sa loob.
Sa gulat ay naitulak ko siya ng bahagyan. Ghad! Hahalikan niya na dapat ako! Nilibot ko ang tingin ko sa mga tao at nakita kong nakatingin sila sa harap kaya tinigna ko ang pinapanood. Nakita kong nagpakita ang multo sa female lead.