Leonandro Jake"Bro, bali-balita may bagong transfer daw sa section natin" rinig kong sabi ni Seb samin.
"And so?" Cold na sabi ko.
"Ang sabi-sabi nila is tatlong babae
daw, maganda at sexy, bro" sabi sakin ni seb sabay siko sakin.Naglalakad kami ngayon sa hallway dahil papunta na kami sa
classroom namin, kakatapos lang ng practice namin sa basketball
dahil niyaya ako ng mga kaibigan
ko kahit ayaw ko dahil kulang ako
sa tulog."Wala akong pake, Sebastian"
walang gana kong sagot.
"Ay sus, bakit loyal ka pa sa ex mo"
pang-aasar niya ni Cyle, isa sa mga
kaibigan ko din."Tss. Shut up, Asshole" naiinis kong sabi.
"Napikon, pre" rinig kong bulong ni Seb kay Cyle.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ko habang hawak ko ang bola ko, ng makarating ay wala pa ang first subject namin.
Pagkapasok ko palang ay agad tumama ang paningin ko sa babaeng naka upo sa gitna, napahinto ako sa pagpasok at pinagmasdan ko siya mula sa buhok niyang kulay brown na hanggang sa dib-dib niya lang at may hair clip sa gilid ng ulo niya, hindi lang yon dahil may bangs pa siya, bumaba pa ang paningin ko hanggang sa mata niya na kulay brown at sa ilong niya na matangos and her lips is damn, kulay pula iyon kahit ata hindi na siya gumamit ng lipstick ay mapula na iyon.
Umiling-iling ako dahil sa naiisip ko.
Tsk! Umayos ka nga, leo
Nag tama ang paningin namin ng ilang segundo at agad naman siyang umiwas ng tingin.
"Bro, bakit ka huminto?" tanong ni Cyle.
"Nothing" sabi ko at naglakad na papuntang upuan ko.
Sakto naman dumating na ang first subject namin na si Miss Elisha and nalaman ko din ang pangalan ng bangong transfer, Her name is Maureen Faye Juerez, at ang mga kaibigan niyan din na si Margaret at Jenny. Muka trip pa ng dalawa kong kaibigan yung Margaret at Jenny.
Ng matapos mag turo ni Miss Elisha ay lumabas na kami pero
bago pa kami makalabas ng mga kaibigan ko ay nauna na si Maureen at ang mga kaibigan niya, lumabas na ako at hinabol naman ako nila Seb at Cyle."Bro, saan tayo niyan" tanong ni Seb ng makarating kami sa Canteen.
"Doon nalang tayo sa labas ng school, bro" sabi ni Cyle.
"Fine, let's go" sabi ko.
Pumunta nalang kami sa labas ng school at kumain sa maliit lang na restaurant, mayaman ako pero marunong ako kumain sa mga ganto, kumain nalang kami, ng matapos namin kumain ay bumalik na kami sa school.
Habang naglalakad kami sa hallway ay nakarinig kami ng ingay.
"Bro, ano yun?" tanong samin ni seb.
"Aba, malay ko" sabi ni Cyle.
"Sige na Marga, please saglit lang naman tayo bibili lang ako ng gummy worms" napakunot-noo ako
dahil sa boses na familiar.Naglakad naman ako papuntang garden dahil doon ko narinig ang familiar na boses, sinundan naman ako nila Seb at Cyle.
"Ano ba!? Maui sabi ng bawal eh!"
at doon ko nakita si Maureen na nagmamakaawa sa kaibigan niya na si Margaret, yung isa pa nilang kaibigan na Jenny ang pangalan ay nakaupo lang at kumakain habang nakatingin sa dalawa niyang kaibigan.Wait...Maui? Hmm? Parang familiar yung pangalan, huh?
Hmm... Baka iba lang yon, leo.
Nakatingin parin ako sa kanila at nakita ko pa na lumuhod si Maureen, nagulat naman yung kaibigan niya "Saglit lang naman tayo eh!" Nakanguso niyang sabi,
cute.What? Cute? Did i just say that? tss! whatever.
"Bro, may gusto kaba sa kaniya" Nang-aasar na tanong bi Seb saakin
"Who?" tanong ko.
"Ay sus! Kunwari ka pa" pang-aasar niya.
Tss! Gago.
"I don't know who is it" napipikon na sabi ko.
"Tsk! Kunwari kapa, Si Maureen ang ibig kong sabihin, bro"
"May gusto kaba sakaniya" tanong niya.Gusto? Gusto ko ba siya? tss!
Impossible kakakilala ko lang siya kanina."No, I don't like her" sabi ko at nag-iwas na ng tingin kila Maureen na nangungulit parin.
"Weh? Di nga?" tanong niya.
"Tsk! gago, tara na nga" sabi ko at naglakad na papaalis hinabol naman ako ng dalawa kong mokong na kaibigan.
Ng makarating sa Classroom ay umupo nako at yumuko pa matulog.
Enjoy reading, guys! <33