Parang may kumirot sa puso ko sa nakita. Ninginginig ang duhod ko.
Nakayakap padin yung babae kay Leo. Si Leo naman ay hindi parin gumagalaw at nakatayo parin.Biglang lumayo si Leo sa babae at lumingon sa gawi ko. Nakita ko sa mga mata niya ang takot. Naramdaman ko ang braso ni Tita Isabel na nasa tabi ko at hinaplos-haplos yon. Naglakad papunta si Leo sa gawi ko. Nang makalapit siya ay agad niya akong niyakap.
"Love..." Ani niya sa takot na boses.
"S-Sino siya, Leo?" Nauunatal na tanong ko.
"She's nothing," Ani niya sa seryosong tono.
"B-Bakit ka n-niya h-hinalikan at n-niyakap?" Pautal-utal kong tanong.
Hinarap niya ako. Malalim siyang bumuntong-hininga.
"Ayaw kitang saktan pero ayaw ko magsinungaling sayo, Maui." Seryosong sabi niya. Hindi ako nakapagsalita.
"She was my Ex. Cassandra." Sabi niya. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Pero hindi nayon mahalaga, love... Ang mahalaga tayo na." Bulong niya at hinalikan ang noo ko.
Bumuntong-hininga ako at tumango nalang.
"Bakit siya nandito?" Tanong ko.
Bakit ba nandito yan?"I don't know. Wala naman akong pakielam sa kaniya." Baliwalang sabi niya. Ha! Parang hindi niya naging girlfriend si Cassandra noon, ha.
Bahagyan akong lumingon sa likod ni Leo para makita si Cassandra. Nakita kong naguguluhan siyang nakatingin sa gawi namin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Huwag nalang natin siya pansinin."
Sabi ko. Dahil baka ano pang mangyari."Masusunod mahal ko.." malabing na sabi niya at sumaludo pa. Napatawa naman ako ng mahina.
"Ay sus. Ay sus. Tama na ang landian. Kumain na tayo ng dinner." Biglang sabi ni Tita Isabel sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko ng ma-realized na kanina pa siya sa gilid ko.
"Sige po Tita.." ani ko.
Inakay ako ni Leo palapit sa Daddy niya. Matanda na ito pero kita parin ang ka-guwapohan niya. Medyo hawig niya si Leo.
"Dad, This is my Girlfriend. Maureen. Just call her Maui." Pagpapakilala nito saakin.
"And Maui, This my Dad. Larkin Ramirez."
"Nice too meet you po." Sabi ko at hinalahad ang kamay.
"Nice too meet you too, hija, Maui. Just call me Tito Larkin." Sabi nito at tinanggap ang kamay ko. Nakangiti akong tumango.
"Cassandra, hija. Dito ka narin mag-dinner." Yaya ni Tita Isabel kay Cassandra.
"Uh, Sure, Tita." Pagpayag nito.
Nagsipunta na kami sa Dinning area. Mag-katabi kami ni Leo. Siya nadin umikaso sa kakainin ko. Hindi sana ako papayag dahil nakakahiya pero wala na akong magawa.
Katapat ko si Cassandra sa Mesa. Minsan ay nakikita ko ang pagsulyap niya kay Leo.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Hanggang binasak ni Tita Isabel ang katahimikan.
"So, Welcomed back, Cassandra."
Nakangiting sabi niya dito."Thankyou po, Tita." Nakangiting pagpapasalamat ni Cassandra.
"So.., Cassandra. Anong dahil kung bakit ka bumalik ng Pilipinas?" Tanong ni Tito Larkin kay Cassandra.
Tahimik lang ako kumakain habang nakikinig sa kanila. Si Leo ay tahimik ding kumakain sa tabi ko. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya pinag-uusapan nila.