Nag re-ready ako ngayon ng mga gamit ko dahil papasok na ko ngayon. Alam kong late nako kaya mas binilisan ko pa ang kilos ko, late nako natulog kagabi dahil ka-call ko si Lucas, wala daw kase siya magawa at hindi pa daw siya inaantok kaya tinawagan niya ko.
Nang matapos kong mag-ayos bg gamit at bumaba nako papunta sa naghihintay kong driver na mag hahatid saakin papuntang school.
Sumakay na ko sa sasakyan at hinatid nabko ng driver. Wala ngayon si Mom at Dad dahil pareho silang nasa Spain, Si kuya naman ay may sarili ng Condo kaya minsan nalang siya umuuwi sa Bahay.
Nang makarating kami sa school ay bumaba nako.
Bumuntong-hininga muna ako. Actually hindi pako ready makita siya pero kailangan ko ng pumasok dahil ang dami ko nang hindi naaral.
Naglakad nako papuntang classroom namin. Nang makarating ako at tama nga akong late nako dahil pagpasok ko pa lang ng pintuan ay nagtuturo na ng Proffesor namin. Napatingin silang lahat ng pumasok at pati narin ang Proffesor namin.
"You're 30 minute late, Miss Juerez"
Sabi ng Proffesor namin.
"I'm sorry, sir" paumanhin ko at yumuko."It's okay, you may seat" sabi nito.
Naglakad nako papuntang upuaan ko, habang naglalakad ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa pwesto niya, nagtama ang tingin namin pero agad akong umiwas ng tingin.
Nang makaupo ako ay nagsimula na mag-turo ulit ang Proffesor namin, napatingin naman ako sa mga kaibigan na kita kong nakatingin sila sa harap. Ngumuso ako, hindi man lang ba nila ako kakamustahin? Galit ba sila?
Natapos ang clase at lunch na pero hindi parin nila ako pinapansin kaya tinanong ko na sila.
"Galit ba kayo?" Tanong ko.
Nagtaka naman silang dalawa at nagkatinginan. "Hindi" sabi ni Jen.
"Eh, bakit hindi niyo ko pinapansin kanina!?" Medyo pasigaw na sabi ko at ngumuso.
"Ha? E, nagtuturo kase yung Professor natin kanina, Maiu" sagot ni Marga.
Oo nga naman, Maiu.
Ang paranoid ko naman.
Ghad!"Ha, Oo nga, hehe" awkward na sabi ko.
Pumunta kami ng Canteen at umorder na ng pagkain. Nagtitingin kami ng upuan pero wala ng extra lahat.
"Saan tayo niyan?" Tanong ko sa kanila.
Sasagot na sana si Marga pero may tumawag kat Jen.
"Jen! Pwede kayo dito!" May kung sinong tumawag sa pangalan ni Jen, napatingin kami doon sa tumawag kay Jen at nakita ko doon si Leo na kumakain, mukang wala naman siyang pakielam sa paligid, kasama niya doon ang mga kaibigan niya.
Tumitingin ako kay Jen. "Ano yon, Jen? Kilala mo yon?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sakin.
"Ah yon, Si Kyle? E, yon maliligaw ko" sabi niya kaya nagulat ako."Ano!? May manliligaw kana? Nawala lang ako ng dalawang-araw may manliligaw kana?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tsk. Ayan pa, e, alam mo naman na marupok yan" sabi sakin ni Marga, tinignan naman siya masama ni Jen.
"Hmp! Hindi ako marupok, no. Tara na doon, mukang okay lang naman sakanila" sabi ni Jen at nag lakad papuntang doon ng hindi man lang kami hinihintay ni Marga. Umiling-iling nalang ako.
Wala akong choice kung hindi pumayag.
Bahala na hindi ko nalang siya papansinin.
Pumunta nako doon at tatabi sana ako kay Jen ng bigla niya akong tinulak kaya napaupo ako sa tabi ni Leo. Tinignan ko siya ng masama at ngumiti lang siya.