Naniniwala ba kayo sa Love? Nakakatawa lang isipin na siya na ang forever mo pero mawawala pa sayo.I’m Kaji Az Fuentes known on campus as an arrogant and basagulero in I never expected I would meet a woman who could change my habit.
"Master, anong gagawin natin sa isang to?" Ani ng isa kong kaibigan habang hawak hawak ang damit ng kaklaae naming si gio.
Lumapit ako sa gawi nila at marahas na pinagsusuntok si Gio. Wala akong naramdaman na awa dito habang unti-unti itong nawalan ng malay.
"Tara na hayaan nyo nalang siya d'yan." Saad ko naman at mabilis naglakad palayo sa gawi ni Gio.
Matapos naming bugbugin ang kawawang si Gio ay agad kaming nagtungo sa canteen upang kumain.
"Master, hindi mo ba napuruhan ang Gio na yon?" Saad naman nang isa sa mga kaibigan ko.
"Eh ano naman kong napuruhan ko yon, mabuti nga sakanya." I said at padabog na umalis sa mesa na pinagkakainan namin.
Dumiretso agad ako sa rooftop upang hindi nila ako masundan. Gusto ko muna mapag-isa, gusto ko sa tahimik na lugar yung walang nakakakilala sakin.
Habang nakahiga ako sa isang upuan naramdaman kong may kumalabit sa'kin kaya agad akong napabalikwas.
"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Sunod-sunod kong sabi habang nakangiti ito sa'kin.
"Hi, i'm Klea nice to meet you." Ani niya at sabay inilahad ang kanyang kamay.
"Walang akong panahon para kausapin ang isang tulad mo na hindi ko naman kilala." I said and walked away in her direction.
"Hoy! Ang sungit mo naman hintayin mo ako." Rinig kong sabi nito mula sa malayo.
Mabilis akong naglakad upang hindi ako maabutan nito. Pinaglihi ata yon sa uod, matapos kong matakasan ang wierd na babaeng yon ay agad akong nagtungo sa classroom namin. Sakto wala pa yong prof namin kaya napagisip-isip ko na mangtrip ng kaklase.
"Tsss, hoy ikaw!. Tawag ko sa isang nerd na lalaking nakaupo sa may banda sa likod.
Tumingin naman agad ito sa'kin na may bakas na takot.
"B-bakit kaji?" Mautal-utal nitong saad habang nanginginig ang dalawang kamay nito.
Binigyan ko ito ng paints at sinabihang ibuhos niya ito sa ulo niya. Agad naman nitong ginawa dahil narin sa takot. Napatawa ing lahat dahil sa naging itsura nito.
"HA!HA!HA! Bagay sayo yan mukhang kang baboy na alien." Tuwang tuwa kong sabi habang tinutulak ito palayo sa'kin.
Nang maitulak ko ito ng malakas ay napahiga ito sa sahig. Tumawa nanaman ng malakas ang iba naming kaklase, dahil sa tuwa hindi ko nalang namalayan na may sumipa sa'kin sa maselang bahagi ng katawan ko.
"Aray!" Napadaing ako sa sakit ng maramdaman ko yung paa nito na tumama sa may pagitan ng dalawa kong hita.
"Hinangaan kita pero ganyan pala ang ugali mo Kaji, wala kang respeto sa kapwa mo tao." Nanggagalaiting saad nito habang tinutulungan tumayo ang kanina kong pang inaaway.
"Paki mo ba? Tsaka wala akong sinabing hangaan mo 'ako." Pasigaw kong sabi sa harap ng babaeng umepal sa ginagawa ko.
"Ang sama ng ugali mo Kaji, hindi ka nababagay saming may puso at may respeto." Ani niya at kita ko sa mukha niya ang galit.
"Wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan." Galit kong sabi at itinaas ang kamay upang suntukin ito. Ngunit bigla nalang akong pinigilan ng isang guro namin.
Klea's pov
Maaga kaming pinauwi ng prof namin dahil wala naman siyang masyadong itinuro. Agad akong dumiretso sa store upang mag trabaho, abala ako sa paglilinis ng may biglang pumasok na katulad kong studyante.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update