Kaji's pov
Ramdam ko parin yung pagkahilo ko nang magising ako. Ngayon ko lang narealize na wala ako sa bahay namin.
"Oh gising kana pala." Saad ng babaeng bigla nalang pumasok.
"Sino po kayo, bakit ako nandito?" Ani ko at akmang tatayo na pero pinigilan ako.
"Mamaya kana umuwi iho mag almusal ka mo na at mag kape para kahit papano mahimasmasan ka kahit kunti." Wika nito at inalalayan sa kamay para bumaba.
Nang makababa na kami pinaupo ako nito at naghanda ng pagkain sa harap ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito na ipaghain ako ng pagkain, nakaramdam ako ng tuwa dahil parang mommy ko ang nasa harap ko.
"Thank you po." Saad ko at kinuha na ang kutsara para magsimula ng kumain.
"Nay, nandito na ako." Rinig kong sabi ng mukhang kakarating lang.
"Oh anak nandyan kana pala halika sabayan mo na kami dito kumain." Sambit nito.
Napatingin ako sa gawi ng babaeng kakarating lang, nagulat nalang ako dahil anak pala ito nang nagpakain sakin.
"Sige po mauna na ako, salamat po." Ani ko at tumayo na.
"Iho sabi ko naman sayo kumain ka mo na para magkalaman yang t'yan mo." Ani nito at pinaupo ulit ako.
"Nay akyat mo na ako sa taas magbibihis lang ako." Wika nito at umakyat na sa taas.
"Ang ganda ng anak ko diba? S'ya lang ang nag-iisa kong anak kaya mahal na mahal ko yon, masipag yon mag aral at lalo na dito sa bahay." Ani n'ya na may kasamang ngiti sa labi.
Nakaramdam ako ng inggit at awa dahil kahit mahirap lang sila mahal na mahal nila yong isat-isa. Mabuti pa s'ya may nanay na nag aalaga sakanya, samantalang ako nasa akin na lahat pero parang may kulang. 𝑁𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑘𝑜 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔
"Opo maganda po anak n'yo, mabuti naman po kahit dalawa nalang kayo ay nagtutulungan parin kayo." Ani ko at napayuko.
"Syempre naman iho kahit wala na yong tatay n'ya hindi n'ya parin ako pinapabayaan at ganon din ako." Sabi nito.
"Ang swerte naman po n'ya sayo." Ani ko at ramdam kong uminit yung mata ko.
"Mas maswerte ako sa anak ko iho dahil maalaga ito sa'kin." Pagmamalaki n'ya sa anak.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako at nagpasalamat dahil sa ipinakita nitong kabutihan at dun ko lang narealize na hindi lahat ng mahirap ay hindi masaya sa buhay, ako ngang mayaman hindi ko man lang naramdaman yong pagmamahal ng isang magulang ko simula nung tumuntong ako ng 5years old. Iniisip nalang nila lagi yun trabaho nila at sinasabing para sakin daw pero kailangan ko rin ng atensyon nila. Napabuntong hininga ako at tsaka na pinaandar yong sasakyan.
"Hello pare." Ani ng nasa kabilang linya.
"Hello, bakit ka napatawag?" Saad ko.
"Wala naman kakamustahin lang kita kong nakauwi ka ba ng maayos sa bahah n'yo." Sabi nito.
"Oo nakauwi ako ng maayos, salamat sa concern." Wika ko habang nakatuon lang ang tingin sa dinadaanan ko.
"Mabuti naman pare, sige may gagawin pa ako." Ani n'ya at binaba na ang cellphone.
Nag-iisip ako kong paano ako makakapagsorry kay Andie dahil sa dami kong nagawang kasalanan dito. 𝐻𝑎𝑦𝑠𝑡 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠.
--------------------
𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑡ℎ𝑒 ℎ*𝑙𝑙! Napamura nalang ako bigla nang gulatin ako ng mga kumag kong kaibigan. Ewan ko ba kong matatawa ako or maiinis sakanila.
"Pare sinong tinitignan mo d'yan?" Ani ng isang kong kaibigan.
"Wala." Saad ko na medyo pasigaw.
"Ikaw ah si ms.pakialamera tinitignan mo." Pangungutya ng kaibigan ko dahilan para sikuhin ito sa t'yan.
Bigla kaming napalingon ng tignan kami nito. 𝑁𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛'𝑦𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑡𝑖𝑡𝑖𝑡𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑔 𝑠𝑜𝑏𝑟𝑎, 𝑎𝑛𝑜 𝑏𝑎 '𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑘𝑜.
"Hoy!"
Bumalik ako sa katinuan nang gulatin ako ng kaibigan ko dahil ang lalim ng iniisip ko.
"Ano ba yang iniisip ko pare hindi ka naman ganyan dati ah." Wika ng isa kong kaibigan.
"Umalis nga kayo sinisira nyo ang maganda kong umaga." Ani ko at tinulak sila palayo sa'kin.
"Hindi mo na kami mahal pare kaya pinagtatabuyan mo na kami." Sabi ng isa ko pang kaibigan na kunwari umiiyak.
Napatawa nalang kami dahil sa inasta nito na parang baby. Balik tayo ulit sa moments ko, ganon parin ang ginagawa ko titigan s'ya hanggang maguwian. Nang palabas na ito sa room namin ay agad ko naman itong sinundan, 𝑔𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑙𝑜𝑟𝑑.
"Hoy ms.pakialamera." Sigaw ko sakanya mula dulo.
Kitang-kita ko ang paghinto nito sa paglalakad at tumingin sa gawi ko. Napangiti nalang ako at unti-unti itong nilapitan.
"Kong nandito ka para awayin ulit ako, wag ngayon Kaji." Saad nito at akmang lalakad na.
Hinawakan ko ito sa kamay at kita ko sa mukha nito ang gulat. 𝐽𝑢𝑠𝑞𝑜 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑎, 𝑤𝑎𝑔 𝑚𝑜 '𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑛𝑡𝑢𝑘𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑒𝑡 𝑎𝑘𝑜.
"Bitawan mo nga ako, ano bang problema mo?" Wika nito na pagalit.
"Ah eh don't worry wala akong balak awayin ka." Ani ko habang nakatuon sa mukha nya.
"Tapos? Bitawan mo na kamay ko." Saad nito.
Binitawan ko naman ang kamay nito at ngumiti sakanya. 𝐴𝑛𝑔 𝑐𝑢𝑡𝑒 𝑛'𝑦𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑡
"May kasama kang umuwi?" Ani ko na medyo nahihiya.
"Wala, bakit?" Saad naman nito.
"Ah tara sabay kana sa'kin." Wika ko.
"Sure ka? Baka palabas mo lang ito?" Ani n'ya at sabay tinarayan ako.
"Hindi nukaba tara na." Ani ko at hinila ito sa kamay.
Klea's pov
Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon, tuwa, inis, galit, at kilig. Halo-halong emosyon dahil parang biglang nagbago lahat ang Kaji na inaaway ako ay biglang bumait imposible. 𝑆𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑚𝑝𝑜𝑠𝑖𝑏𝑙𝑒.
"Kaji wait lang, wag ka nga manghila sipain kita d'yan." Sigaw ko dito pero wala patuloy parin ito sa paghila sa'kin.
Dahil sa inis ko kinagat ko ito sa kamay dahilan para mapasigaw ito sa sakit.
"Arayy! B-bakit?" Sabi nito at napatawa nalang ako dahil sa mukha nitong hindi madrawing.
"Sabi ko kako wait lang nasasaktan kaya kamay ko." Inis kong sabi sakanya.
"Ah eh sorry, hindi ko narinig pang dwende kasi boses mo." Pang iinsulto nitong sabi.
"Aba! nang aasar ka ba ah?" Ani ko at sinamaan ito ng tingin.
"Totoo naman kasi dwende ang boses mo." Sigaw nito sakin.
Pinagpatuloy parin n'ya akong asarin, dahil sa inis hinabol ko ito. 𝑀𝑎ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠'𝑦𝑎, 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑠𝑎𝑔𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎 𝑛'𝑦𝑎. Sobrang saya ko dahil ang isang Kaji biglang bumait sakin o baka naman palabas n'ya lang.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update