Ang saya kong gumising dahil sa nangyari kahapon, hindi ko iniexpext na magbabago bigla ang pakikitungo sa'kin ni Kaji.
"Anak bilisan mo d'yan may naghihintay sayo dito sa baba." Sigaw sa'kin ng Nanay ko mula sa baba.
"Opo Nay sabihin mo maliligo mo na ako." Ani ko.
Napaisip ako dahil wala naman akong inaasahang may susundo sa'kin, 𝑆𝑖𝑛𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎. Nagmadali akong maligo at magbihis dahil ayaw ko naman paghintayin ang kong sino mang naghihintay sa'kin sa baba, Nang matapos akong magbihis ay bumaba na'ko. Nagulat ako ng madatnan ko na kausap ng nanay ko si Kaji. 𝑆-𝑠𝑖 𝐾𝑎𝑗𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛? 𝑁𝑜 𝑤𝑎𝑦 𝑘𝑖𝑛𝑖𝑘𝑖𝑙𝑖𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑡𝑜𝑝 𝑚𝑒.
"Oh anak tapos kana pala tara na, sabay sabay na tayong mag-almusal." Saad ni Nanay na nakangiti.
"Good morning." Wika ni Kaji na nakangiti din sa'kin.
"B-bakit ka nandito?" Utal kong sabi.
"Sinusundo kita bawal ba?" Ani nito at napalingon pa kay Nanay.
"Bakit ano meron?" Saad ko sabay kunot-noo.
"Wala namam tara kain baka malate tayo." Wika n'ya at nagsimula ng kumain.
Naiilang ako habang kumakain dahil panay tingin nito sa'kin, 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑒𝑟𝑜 𝑤𝑎𝑔 𝑚𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑡𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛 𝑏𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑢𝑛𝑎𝑤 𝑎𝑘𝑜. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami kay Nanay.
"Kaji may sakit ka ba or nakadrugs ka kaya ka ganyan." Ani ko sabay tawa.
Napasimangot naman ito habang nakatuon ang tingin sa dinadaanan naming kalsada.
"Grabe ka porket nagkaganto lang ako eh nakadrugs agad." Saad nito na nakasimangot.
"Eh malay ko ba." Pangiinsulto kong saad.
"Ikaw nga kahit hindi nakadrugs eh mukha ka ng drugs." Ani nito na may kasamang tawa na nakakaasar.
"Magdrive ka na nga ang d'yan nakakainis ka." Saad ko at sinamaan ito ng tingin.
"Totoo naman kasi." Pangungutya pa n'ya sa'kin.
Pinark mo na n'ya ang kotse n'ya sa parking lot at bumaba na kami para pumasok na. Ramdam ko yung tuwa at excitement dahil ang isang Kaji ay nagbago, baka naman kasi nakadrugs to. Gulat na tinignan kami ng classmate namin dahi sabay kami nitong pumasok sa room.
"Pare ano nakain mo bakit kasama mo yang babae na yan?" Rinig kong sabi ng kaibigan nito.
Nagkatinginan kami bigla dahil sakto paglingon nito ay napalingon din ako. Kita ko nanaman ang gwapo n'yang mukha sa tuwing nagiging seryoso ito.
Kaji's pov
Napatingin ako sa gawi nito at saktong tumingin din ito sa'kin. Ang ganda n'yang pagmasdan kapag nakalugay ito ng buhok.
"Maling-mali pare na binully natin s"ya." Ani ko habang nakatingin parin sa gawi ni Klea.
"Wow! Pare nagbago ka ata, anong pinakain sa'yo ng babaeng yon?" Wika ng kaibigan ko.
"Lahat nagbabago pare kaya ikaw magbago ka na din walang patutunguan yang pangbababae mo." Ani ko na medyo pasigaw.
Nagalit ito sa sinabi ko kaya sinuntok ako sa mukha. Binawian ko ito ng suntok kaya ang ending nagkagulo sa room. Parehas kaming napatawag sa principal's office at dun kami nakatanggap ng sermon.
"Kamusta yang sugat mo?" Ani ni Klea at sabay nilagyan n'ya ng alcohol ang sugat ko.
"Ah okay lang ako malayo to sa bituka. Saad ko at napayuko.
"Ayan kasi napapala n'yong mayayabang dapat hindi mo na pinatulan." Ani naman nito habang sinisermunan din ako.
Pagkatapos n'yang gamutin ang sugat ko ay nagkatitigan kami hanggang sa mailang sa isat-isa.
Walang araw kaming pinapalagpas ni Klea, lagi kami nitong lumalabas at lagi din kaming sabay pumasok at umuwi. Nasanay na kami sa lagi naming ginagawa araw araw.
"Hoy Kaji gusto ko yan oh kunin mo nga pag hindi mo nakuha may batok ka sa'kin sa ulo." Saad nito na parang bata.
"Hayst sige wait itry ko." Ani ko at sinimulan ng kunin ang staft toys
Ang malas dahil hindi ko ito nakuha may batok tuloy ako sa ulo ng sampu. Pagkatapos namin maglaro ay kumain mo na kami.
"Kaji ano pala ang pangarap mo?" Saad nito.
Tahimik akong nagmamasid sa paligid at sa papalubog na araw bago ko sinagot yong tanong ni Andie.
"Ahm simple lang naman, maging piloto dahil gusto ko libutin ang buong bansa na kasama ka." Saad ko at napalingon ito sa'kin.
Tinitigan ko s'ya ng maigi. Napalingon ito sa kanan dahil siguro sa gulat.
"Baliw mapagbiro ka talaga." Wika nito at sabay tayo.
"Hoy wait lang hintayin mo ako." Saad ko habang sunusundan ito.
"Bilisan mo Kaji napakabagal mo." Ani n'ya.
Bakit ganon ang reaction n'ya sigurk nabigla ko lang s'ya. Alam kong balang araw magiging a'kin din si Klea.
"Sige dito nalang ako Kaji salamat sa libre ah." Wika n'ya habang nakangiti.
"Wala yon basta ikaw sige sunduin kita bukas ah?" Ani ko ar nginitian ito.
Tumango nalang ito na sumasang-ayon s'ya. Hindi ko mapigilan ang tuwa dahil nakasama ko nanaman si Klea. Mag gagabi na nang makauwi ako, nadatnan ko sina mommy na halatang aalis nanaman dahil nagmamadali sila.
"Mom." Tawag ko kay mommy pero hindi ako nito pinapansin.
Umakyat nalang ako dahil wala naman kwenta kong kakausapin ko pa sila hindi naman nila ako pinapansin kaya para san pa yong pakikipagusap ko sakanila. Dahil sa pagod ko nakatulog nalang ako.
Klea's pov
Hindi ko alam kong matutuwa ako sa kilig or maiiyak. Hindi n'ya pwede akong magustuhan, ayaw ko s'ya masaktan sa uli.
"Good morning anak." Ani ni mama na napakalaki ang ngiti.
"Good morning too." Saad ko at nginitaan ito.
"Bangon na d'yan nasa baba si Kaji hinihintay ka labas daw kayo." Wika nito at lumabas na ng kwarto ko.
Si Kaji yong tipong lalaking babawi sayo para mapasaya ka at para makabawi sa mga ginawa n'ya dati sa'yo.
"Hi, good morning." Bati agad sa'kin nito pagkababa ko.
"Hello bakit ka nga pala nandito?" Ani ko sakanya at tinignan ito.
"Labas sana tayo libre ko ulit." Wika naman nito.
"Ano ka ba lagi nalang ikaw yong gumagastos nakakahiya naman sa'yo." Ani ko at sinamaan ito ng tingin.
Napatawa nalang ito sa sinabi dahilan para mainis ako ng sobra.
"Syempre ako yong nag-aaya dapat lang na ako ang gagastos." Wika n'ya
"Kahit na ikaw pa ang mag-aya." Iritado kong sabi.
"Magbihis kana dali malalate tayo sa papanoorin nating concert." Saad nito at tumayo para lumapit sa'kin.
Pinaakyat na ako nito para magbihis, pilit akong tumatanggi pero masyado itong makulit kaya wala na 'kong nagawa kundi magbihis.
"Ang ganda mo d'yan sa suot mo bagay na bagay sayo." Ani n'ya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update