Kaji's pov
Napabuga ako ng hangin dahil malapit na pala ang exam, wala akong naintindihan sa kahit isang subject. Marahan kong tinitigan ang kanina pang busy na si Klea, napangiti nanaman ako dahil nakita ko nanaman ang maganda n'yang mukha. Napalingon ito sakin kaya nagtama ang aming mga paningin, sa huli s'ya parin ang umiwas."Pare ang ganda ni Klea diba?" Tanong sa'kin ni Christ na kanina pa pala nasa harap ko.
"She's so perfect, her eyes, lips, and nose." I said while biting my lower lips.
"Pare tinatanong ko lang kong maganda ba si Klea, hindi ko sinabing pagnasaan mo." Ani ni Christ na ikinainis ko.
"Wft! Hindi ko s'ya pinagnanasaan." Iritadong saad ko. Napaatras naman ito bigla dahil akala n'ya ay susuntukin ko s'ya.
"Oh sorry pare, ikaw naman kasi may nalalaman ka pang pakagat labi d'yan." Turan nito.
"Isa pa, susuntukin kita." Saad ko.
"Oh! Easy lang pare, kalmahan mo lang kasi masyado kang halata eh." Pagpipigil n'ya sa akin.
Napasinghal na lang ako at muling binalik ang tingin ko kay Klea. Maya maya pa ay dumating na ang guro namin kaya muli kong binalik ang tingin sa harap. Nagreview lang kami sa kanya dahil malapit na nga ang exam ang gusto nya pa ay lahat daw kami ay makapasa sa subject nya.
"Tsk! Pano ako makakapasa kung ni isa wala akong maintindihan!?" Mahinang bulong ko dahil baka marinig ng guro namin.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ulit si Klea na busy ang pakikinig. Bukod sa maganda at mabait itong si Klea ay matalino rin sya kaya nga nagustuhan ko yan eh. Napangiti na lang ako habang dinidescribe ko sya sa utak ko. Nawala ako sa tuliro ng makita kong biglang lumingon si Klea sa gawi ko at binigyan ng matamis na ngiti. Hindi ko alam ang ginawa ko pero bigla akong ngumiti at tumango tsaka naman bumalik ang tingin n'ya sa guro.
"Nakita ko yon." Bigla ko naman nilingon si Christ dahil sa sinabi nyang iyon. Nakita ko syang nakatingin pa rin sa harap.
"Ang alin nakita mo?" Maang maangan kong tanong sa kanya at kunyaring inaayos ang aking gamit.
"Nako pre, wag ako. Nakita kitang ngumiti dahil tinignan ka ni Klea HAHAHAHA." Nanunukso nyang sabi sabay tawa ng mahina.
"Oh sige tumawa ka pa ng mapagalitan tayo!" Angal ko sa kanya.
"Namumula ka na pre ayaw mo pang umamin HAHAHAHA!" Natatawang saad n'ya sa'kin.
Inantay ko munang makalabas ang guro namin dahil malapit na itong matapos. Nang maligpit n'ya na ang mga gamit at nagpaalam na ay lumabas na ito, agad ko naman binatukan si Christ.
"Langya ka pre, bat ka nambabatok bigla. Sakit nun ah!" Angal nya sakin sabay himas ng ulo nya. Tinawanan ko lang ito tsaka nagligpit na. Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit ko ay sinundan ko agad si Klea.
"Klea!" Sigaw ko sakanya.
"Oh Kaji bakit?" Ani naman nito.
"Tara kain, libre ko." Wika ko at nginitian ito.
"Hoy pare sama ako, libre mo naman diba Klea!? Saad naman ni Christ. Badtrip talaga to.
"Teka teka bakit ka sasama?" Saad ko at sinamaan ng tingin.
"Para akong iba sayo pare, cge na libre mo naman." Angal n'ya sakin at nauna ng pumunta sa canteen.
"Kapal talaga ng mukha nito." Bulong ko at nginitian na si Klea. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ito tumatawa habang nagtatalo kami ni Christ.
Dating gawi ulit sabay sabay kaming tatlo kumain, may kunting kwentuhan at pangungutya sa isat-isa habang kumakain kami.
"Kaji bakit hindi kana bumalik sa grupo?" Tanong sakin ni Christ. Hininto ko mo na ang pagkain ko para sagutin ito sa tanong n'ya, pero bago ko sagutim ang tano n'ya tinignan ko mo na si Klea na tahimik na kumakain halatang nakikinig sa usapan namin.
"Wala na akong balak bumalik sa grupo tsaka matagal na akong kumalas." Saad ko at bumalik na ang tuon ko sa kinakain ko.
"Ah ganun, ibang iba na ngayon si Raven s'ya na ang leader sa grupo. Ang dami na din nilang nabully." Wika nito habang kumakain.
"Hindi parin talaga sila nagbabago." Ani ko sakanya at pinagpatuloy nalang ulit ang pagkain ko.
Nang matapos na kami sa kinakain ay napadaan kami sa basketball court, hindi mo na namin naisipan pumunta sa room dahil wala pa naman ang guro namin. Naglaro kami ni Christ habang si Klea ay nakikinood lang.
"Klea! gusto mo maglaro?" Sigaw ko sakanya para yayain maglaro.
"Ah hindi na, dito nalang ako." Sigaw din n'ya.
Pinagpatuloy na ulit namin ang paglalaro hanggang sa dumating ang grupo ni Raven, nilapitan nila si Klea at hinawakan sa uniform. Akmang sasampalin n'ya ito kaso bigla ko itong nahawakan sa kamay at itinulak ito palayo kay Klea.
"Ano bang problema nyo Raven? nananahimik yong tao tapos gaganyanin nyo?" Galit kong sabi sa grupo ni Raven. Ang sama naman nang titig nito sakin.
"Wag ka nga magmalinis d'yan Kaji kasi alam nating lahat na isa ka rin na bully." Sigaw nito sakin.
"Yung Kaji na kilala nyo dati wala na, kaya utang na loob wag nyong idamay si Klea." Inis kong saad gabang patawa tawa ito.
"Alam mo Kaji ang isang katulad mo madumi na, nabahidan ka na ng masama kaya bumalik ka nalang sa grupo." Turan nito at niyayaya akong bumalik sa grupo.
"Kahit kailan hindi na ako babalik sa grupo kaya wag na kayong umasa." Singhal ko at hinawakan na sa kamay si Klea upang umalis na.
"Kaji tandaan mo babalik ka parin sa grupo natin." Sigaw nito. Nagpatuloy parin kami sa paglalakad, hindi ko na nilingon ito.
Nakabalik na kami sa room pero hindi parin mawala sa isip ko ang paghawak nya sa damit ni Klea. Hindi ako papayag na saktan ulit nila si Klea kundi ako na ang makakalaban nila.
"Pare mukhang galit na galit si Raven kanina ah." Wika ni Christ. Hindi ko na lamang pinansin ito at natulog nalang.
Klea's pov
Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Kaji kanina, halatang iritado. Tumingin ako sa gawi nito at nakita itong tulog, ang gwapo ni Kaji pag tulog. Bumalik na ulit ang tuon ko sa guro namin at nakinig na ng itinuturo.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update