Patapos na ang itinuturo ng guro namin pero si Kaji tulog parin, hinayaan ko nalang mo na ito dahil baka pagod s'ya. Matapos magturo ng guro namin ay naisipan kong lapitan si Kaji, nang makalapit ako ay tinitigan ko ito sa mata n'ya sobrang kapal ng kilay n'ya at mahaba ang pilik mata. Medyo pink ang lips n'ya at makinis ang mukha.
"Bulaga!" Gulat sakin ni Christ dahilan para magising si Kaji.
"Hay kabayo!" Ano ba, bakit ka nanggugulat?" Tanong ko sakanya at tinarayan ito.
"May problema ba kayo sakin?" Wika ni Kaji.
"Ah ito kasing si Klea tini-" Hindi na naituloy ang sasabihin ni Christ dahil tinakpan ko ang bibig nito.
"Ang ibig sabihin ni Christ gigisingin daw kita kaya ginulat n'ya ako." Saad ko habang nakangiti. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Kaji.
"Ah sure kayo?" Tanong ni Kaji.
"Oo pare ito kasi eh gigisingin ka kaya inunahan ko na." Singit naman ni Christ.
"Mga baliw!" Tumayo na ito at isinuot ang bag n'ya.
"Pare malapit na exam at makakagraduate na tayo sa high school." Saad ni Christ habang sinusundan namin si Kaji.
"Wala nga akong maintindihan kahit isa." Wika naman nito.
"Puro ka kasi tulog." Saad ko naman at tinawanan namin sya ni Christ.
"May point si Klea, puro ka lang kasi tulog at tingin sa gawi ni Klea." Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni Christ. Nakita ko naman na sinuntok ni Kaji si Christ dahilan para mapadaing ito.
"Tara na nga, mag aaway pa kayong dalawa d'yan." Wika ko at tsaka naglakad na palabas ng paaralan.
Hinatid ako ni Kaji sa bahay at gaya ng dati, nagkukwentuhan ulit kami bago s'ya umuwi. Habang naguusap ang mama ko at si Kaji ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya dali dali akong pumunta ng cr dahil nasusuka na din ako. Nang makapasok ako ng cr bigla nalang akong nasuka dahil hindi ko na mapigilan.
"Klea anak." Tawag sakin ni nanay kaya agad akong nagmadaling maghilamos at buhusan ang natitirang dugo sa sahig. Pagkatapos kong linisin ay lumabas na ako.
"Bakit ma?" Ani ko at nakita si Kaji na nakangiti.
"Kausapin ka ni Kaji." Turan ni mama sabay napatingin ako kay Kaji na lumalapit sa gawi namin.
"Ah sabi kasi ni mom papuntahin daw kita sa bahay bukas, ipagluluto ka daw n'ya ng pagkain at para naman daw makakwentuhan ka n'ya don't worry kasama si tita." Wika nito at sabay ngiti sakin.
"Hindi ba nakakahiya kay tita?" Ani ko naman.
"Ano ba wag kang mahiya." Turan naman nito sabay lapit nito, akmang hahawakan ako nito pero mabilis kong hampasin ang kamay ni dahilan para magulat s'ya.
"B-bakit? May germs ba kamay ko?" Saad nito at sumimangot sa harap ko. Tinawanan ko nalang ito para mas lalong mainis s'ya pero nagkamali ako dahil tumawa din ito.
"Bakit ka tumatawa?" Wika ko sabay taas ng kilay.
"Wala lang bakit masama bang tumawa ng walang dahilan?" Ani nito at pinisil ang ilong ko.
"H-hoy lalaki! Bakit ka namimisil ng ilong? Bakit hindi yung ilong mo ang pisilin mo ah!? Bakit sa'kin pa?" Sigaw ko at kinurot ito sa tagiliran n'ya.
"Aray Klea! Tama na, masakit!" Wika naman nito habang napapapikit ang kanyang dalawang mata.
"Aba! Aba! Bahala ka." Saad ko at mas nilakasan pa ang pagkurot sa tagiliran. Nang matapos ang asaran namin ay lumabas na kami ng bahay, siguradong hinihintay na kami ni tita sa bahay nila.
Lumabas nang bahay si Kaji na nakasimangot dahil nasobrahan ata ako sa pagkurot sa tagiliran n'ya. Napatawa nalang ako bigla ng biglang tumingin ito sa'kin na nakapouted ang kanyang labi.
Kaji's pov
Sobrang sakit ng tagiliran ko dahil sa kurot nitong si Klea, gustong-gusto ko ito sabunutan kaso wala akong laban sakanya. 𝑊𝑡𝑓! 𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑠𝑎𝑏𝑢𝑛𝑢𝑡𝑎𝑛 𝐾𝑎𝑗𝑖? 𝐵𝑎𝑘𝑙𝑎 𝑘𝑎? 𝐵𝑎𝑘𝑙𝑎 𝑘𝑎? 𝐻𝑎𝑦𝑠𝑡 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟𝑚𝑖𝑛𝑑.
Habang nagdadrive ako napatingin ako sa salamin at nakita itong mahimbing na natutulog. 𝐾𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑚𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑛, 𝑚𝑎𝑦𝑎𝑦𝑎𝑘𝑎𝑝 𝑎𝑡 𝑚𝑎- 𝑔𝑟𝑟𝑟 𝑎𝑛𝑜 𝑏𝑎 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑚𝑜 𝐾𝑎𝑗𝑖 𝑤𝑎𝑔 𝑚𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑛𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑠𝑖 𝐾𝑙𝑒𝑎 𝑜𝑘𝑎𝑦, 𝑒𝑛𝑜𝑢𝑔ℎ.
"Kaji okay ka lang?" Wika ni Klea na kanina lang ay tulog. Nagulat naman ako dito dahil bigla bigla nalang nagsasalita.
"Ah eh Klea gising ka na pala, okay naman ako. Bakit?" Saad ko habang nakatuon lang ang a'king tingin sa daanan.
"Okay, hindi ka ba nagugutom? Meron ako dito lollipop gusto mo? Okay hindi kita pinipilit." Wika nito at humalakhak sa tawa.
"What the hell! Seriously? Lollipop kakainin ko? Nakakabusog ba yan Klea?" Saad ko naman at sinamaan ito ng tingin. 𝐵𝑢𝑡𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑛𝑖𝑛 𝑎𝑏𝑎 𝑏𝑎𝑘𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑢𝑚𝑎𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑛𝑔𝑔𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑠𝑜𝑏𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑠𝑜𝑔.
"Ah Kaji may sinasabi ka?" Ani nito na nakataas ang kilay.
"Wala wala hihi." Sabi ko naman at ningitian ito. Buti nalang hindi n'ya narinig yong sinabi ko, pero totoo naman kasi yon.
"Okay akala ko may sinasabi ka eh." Wika nito habang may nakasalpak na lollipop sa bibig nito.
"Pahingi nga din ng lollipop." Saad ko naman.
"Sure ka? Okay." Ani nito at inabutan ako ng lollipop. Kinuha ko naman ito at kaagad na binuksan.
Nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong agad kami ni mommy.
"Hi iha, nagutom ba kayo sa byahe sakto meron na akong naihandang pagkain sa loob tara na para makakain na din kayo." Ani ni mommy at niyakap ng mahigpit si Klea, kelan pa sila naging close?
Masaya kaming nagsalo-salo at nagkwentuhan hanggang sa nakatulog si Klea sa sofa. Marahan ko itong binuhat para iakyat mo na sa kwarto ko para makapagpahinga s'ya ng maayos. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay dahan-dahan ko itong nilapag at kinumutan, tinitigan ko mo na ang mukha nito. Sobrang ganda talaga n'ya hindi s'ya nakakasawang tignan, binalak ko sana itong halikan kaso gumalaw ito sa kama...
"Kaji anak pakisagot nga mo na ng tawag sa cellphone ko." Sigaw naman ng mommy ko.
Mabilis akong bumaba para sagutin ang tawag kaso bigla ako nitong pinatayan. Binalik ko nalang sa mesa yong cellphone at umakyat na ulit sa taas.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update