Kaji's pov
Habang naglalakad kami nito ay bahagya ko s'yang tinitigan, mas lalo akong nainlove dahil sa katangian na meron ito. Hahawakan ko sana ito sa kamay kaso bigla n'yang inalis ang kamay n'ya.
"Ah Klea masaya ka ba?" Tanong ko habang nakayuko ang ulo ko. Napalingon ito sa'kin.
"Oo naman, bakit mo natanong yan?" Saad naman nito. Inangat ko nang kaunti ang ulo ko at tinignan ito.
"Ah wala lang, bawal ba magtanong?" Ani ko at tsaka ako nito hinampas sa likod ko.
"Para kang baliw HA!HA!HA." Wika n'ya na may kasamang tawa. Ngayon ko lang nakitang tumawa si Klea, hinila ko na ito sa kamay para magmadali dahil mahuhuli kami sa concert.
"Wait lang Kaji wag kang tumakbo." Pasigaw naman nitong turan sa'kin.
"Ano kaba bilisan natin baka hindi natin maabutan ang concert ng Hale." Saad ko habang tumatakbo parin.
"Okay fine." Ani din nito at binilisan ang pagtakbo.
Nang makarating kami sa kinaroroonan ng concert ay dali dali kaming humanap ng pwesto kahit ang daming tao nakikisiksik kami para mapanood namin ang concert ng Hale. Fav ko kasing banda ang Hale kaya hindi ko ito pwedeng palagpasin.
"Sakto kakasimula lang." Tuwang tuwa kong saad kay Klea.
"Fav banda mo talaga ang Hale?" Ani nito sa'kin.
"Oo naman, si dad kasi ayan din ang Fav n'yang banda." Saad ko sabay tingin sa kumakantang Banda at ngumiti ng bahagya.
Natapos namin ang concert at sobrang saya ko dahil nakapagpapic pa kami ni Klea sa Hale.
"Gutom ka na?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa naman ikaw?" Wika n'ya.
"Medyo gutom na tara street foods gusto mo?" Saad ko habang nakangiti.
"Syempre oo Fav ko kaya ang street foods." Ani n'ya at naglakad na kami kong saan may nagtitindang street foods.
Pinauna ako nitong pumunta dahil may tatawagan daw s'ya. Pero nakita ko itong may panyo sa bibig n'ya.Klea's pov
Habang naglalakad kami ay nasuka ako ng dugo, tinakpan ko ito ng panyo para hindi makita ni Kaji. Pinauna ko na itong pumunta sa bibilhan namin para hindi n'ya makita at marinig ang pagsuka ko. Hindi ko mo na s'ya kinausap simula ng kumain kami.
"Klea, okay ka lang?" Wika nito na may bakas ng pag-aalala sa mukha.
"Ah wala, medyo nahilo lang ako ng kunti pero malayo to sa bituka." Ani ko at tumawa pero may takip ng panyo sa bibig.
"Tanggalin mo kaya yang panyo sa bibig mo maganda ka pag wala yan." Saad n'ya at nginitian ako.
"Nako Kaji wag mo akong biruin ng ganyan." Wika ko at nagtawanan na kami.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan naman namin pumunta ng Star City. Ang saya ng buong araw ko, ito na ata ang pinakamasaya na nangyari this week.
"Woahhhhh! Klea okay ka lang dyan?" Sigaw ni Kaji.
"Oo naman ang sarap ng hangin." Saad ko at pinagmasdan ang langit. Feel na Feel ko ang sarap ng hangin hindi ko nalang namalayan na huminto na pala ang sinakyan namin. Bigla naman akong nagulat dahil napatakbo si Kaji sa labas at agad ko naman itong sinundan para tanuning kong anong nangyari sakanya, nakita ko itong sumusuka sa may basurahan.
"Hoy! Kaji anong nangyari? okay ka lang? ang hina mo nmn." Saad ko sabay tawa.
"Anong nakakatawa? Hindi ba pwedeng nakakahilo lang." Saad nito na nakasimangot ang mukha. Tawang tawa ako sa mga oras na iyon dahil sobrang naiinis na si Kaji sa pangaasar ko sakanya. Pagkatapos namin sumakay sa ibat-ibang rides ay naisipan naman namin umuwi dahil may pasok pa kami bukas.
Kaji's pov
Hinatid ko mo na si klea sa bahay nila delikado kasi na s'ya lang umuwing mag-isa. Nang makarating kami sa bahay n'ya ay nagpaalam na ito at nagpasalamat.
"Kaji, thank you sa araw na ito." Ani n'ya tsaka ito lumingon sa kaliwa.
"Ah wala yon, always welcome ka sakin." Saad ko naman na ikinatawa nito.
Pagkatapos namin makapagpaalam sa isat-isa ay sumakay na ako ng kotse para umuwi na din. Nang makauwi ako sa bahay namin ay umakyat agad ako sa kwarto ko at humiga sa kamang may ngiti sa labi.
"What if ligawan ko kaya si Klea?" Ani ko sa sarili ko. "Sasagutin n'ya kaya ako?" Saad ko ulit.
Bago matulog ay naligo mo na ako dahil amoy suka ako dahil nahilo ako kanina sa rides na sinakyan namin, tinawanan pa ako nang babaeng yun argggg. Nang matapos akong maligo humiga na ako sa kama, hindi parin mawala sa isip ko ang magandang mukha ni Klea hanggang sa nakatulog na ako.
----------------
"GOOD MORNING." Masayang bati ko sa bawat nakikita kong ka studyante at mga guro namin.
"Oh bro ang aga aga nakangiti ka d'yan." Saad naman ng bestfriend kong si Christ.
"Bakit? bawal na ba ngumiti ang isang Kaji?" Ani ko at nginitian ito.
"Aba hindi ka naman ganyan dati, imposible pare ang isang bully na si Kaji ay nagbago? Himala yon ah." Wika n'ya at kasabay nito ang pagbatok ko sakanya.
"Loko-loko, sabi nga nila walang imposible tsaka lahat nagbabago, at lahat nagkakamali." Ani ko at binilisan pa ang paglakad.
"Oo nga naman pero pare sino ba ang nakapagpabago sayo?" Tanong n'ya sakin.
"Wag mo na alamin, Aba chismoso ka na din pala ngayon." Saad ko at tinawanan ito.
Pumasok kami ng room namin na naguusap parin, si Christ ang pinaka matalik kong kaibigan kaya. Kong nasaan ako, nasa tabi ko din s'ya, napaisip din ako sa mga sinabi n'ya na ang isang tulad ko ay bigla bigla nalang nagbago. Hindi na ako nangbubully, dahil ba ito kay Klea? Nawala ako sa pag-iisip nang biglang dumating ang prof namin.
"Good morning class." Wika ng prof namin na history subject.
"Good morning sir." Wika naman ng namin.
At nagsimula ng magturo ang prof namin. Hindi ako gaano nakinig dahil nakatuon ang buong atensyon ko kay Klea, pinagmasdan ko ito buong maghapon. Natapos ang pagtuturo nang wala akong natutunan, ganto siguro mainlove.
"Klea." Tawag ko kay Klea.
"Oh bakit Kaji?" Wika n'ya habang nag-aayos ng gamit.
"Tara sabay na sa canteen." Ani ko na nahihiya.
"Sure ka? Baka may kasabay ka." Saad naman n'ya.
"Ah wala si Christ lang kasama natin." Wika ko naman.
"Ah Hello Klea, i'm Christ." Pagpapakilala naman ng kaibigan ko sabay lahad ng kamay n'ya. Bahagya ko itong hinampas dahilan para mapasimangot si Christ sakin.
Sabay sabay na kaming pumunta ng canteen at ako na ang bumili ng pagkain namin.
YOU ARE READING
GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]
Short StoryDo you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala ka pa kaya sa forever? Slow update