Envy

24 6 0
                                    

Envy

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Baka traffic lang kaya wala pang nakababalik na pampasaherong sasakyan.

Dumiretso 'ko sa tapat ng SB Plaza— ang nagsisilbing lugar para sa mga pila. Malawak ang kabuuan nito at malinis din; naghahalo ang kulay ng krema at pula. May karugtong pa ang plaza sa taas kung nas'an ang main highway.

Ilang minuto 'kong naghintay. Nakatayo. Nangangalay. Ang kaso, mamumuti na ata ang buhok ko't lahat-lahat, wala pa ring jeep o kahit AUV na dumaraan. Kahit ang mga tao, wala rito sa plaza. Kumpol-kumpol kasi sila sa kalsada mismo.

Hindi na 'ko nakatiis, naglakad na 'ko papunta sa street gutter. Sakto naman dahil may lalaking nakatayo r'on— naka-cap, puting shirt, at maong pants. Huminto 'ko sa may gilid niya at saka ko siya kinalabit. "Kuya..."

Agad niya 'kong nilingon. Nakasimangot at halatang bad trip. Parang napaurong tuloy ang dila ko dahil sa kaba.

No, bawal ang hiya-hiya rito, Eizerete.

Lakas-loob kong tanong sa mababang boses, "Bakit wala pong mga jeep—" Napahinto ako sa sinasabi ko nang sigawan niya 'ko, "Manood ka kasi ng balita!"

Malakas na kumalabog ang puso ko dahil sa takot at pagkapahiya. Napakapit na lang ako sa bag ko. Tulala lang ako sa kaniya hanggang sa makapaglakad na siya paalis. Bumubulong-bulong pa nga siya ng, "Tanong nang tanong. Peste!"

Sigurado 'kong maraming nakatingin sa gawi ko ngayon dahil sa pagsigaw niya sa 'kin. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa mga mapanghusgang tingin.

True to my expectations, paglingon ko sa kalsada, may ilan ngang nakatitig sa 'kin. Ang iba'y nahihiyang umiwas ng tingin at ang ila'y hindi natinag— para pa nga 'kong nilalait sa isip nila. From one to ten, g'ano kakapal ang mukha nila?

Napangiwi ako. Kinuha ko na lang ang opportunity na 'yon para i-approach ang pinakamalapit na babae sa 'kin. Tutal ay nasa 'kin na rin naman ang atensyon niya, ba't 'di ko pa sulitin, 'di ba? Humakbang lang ako nang ilang beses at tumigil din sa tapat niya. She's wearing a red office attire with a heavy makeup applied on her face.

"Hello po, ba't po kaya wala pa ring jeep o AUV?" magalang kong tanong sa kaniya.

Pero pareho ata silang pinaglihi n'ong lalaki kanina sa sama ng loob. Irapan ba naman ako sabay walk out?!

Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko sa kamay kung ilang beses akong sumubok magtanong sa iba. Kung hindi sila lalayo agad, ayaw magsalita.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka bumalik sa pwesto ko kanina sa plaza. Suko na 'ko. Maghihintay na lang muna 'ko rito at kapag wala pa ring sasakyan in 10 minutes, baka mag-bus na lang ako.

Mayroon na kayang bus ng ganitong oras?

"Itong mga taong 'to! Naghihintay ba kayo ng himala?" natatawang tanong ng isang boses-matandang lalaki. At sa tingin ko, ako ang kausap niya.

Napipilitan tuloy akong lumingon sa kaliwa ko. Sakto naman dahil naabutan ko siyang nakatitig sa gawi ko bago lumingon sa harap— patuloy pa rin siya sa pagtawa.

Base sa obserbasyon ko, mukhang nagta-trabaho siya sa barangay dahil sa suot niyang uniporme. So... may mga nasasagap siguro siyang balita?

"Nagkaisa 'yong mga driver natin dito ng jeep at AUV. Sumama sila sa kilos-protesta sa Circle hanggang Centris," pag-iimporma niya sa 'kin na nagpalaki sa mga mata ko. "Naghihintay po pala 'ko sa wala?!" hindi ko mapigilang bulalas.

Nilingon niya ko ulit at bahagyang natawa. "Oo! May sasakyan na sa taas, 'wag ka ng magpumilit dito."

Magpapasalamat na sana 'ko sa kaniya dahil sa kabutihan niya nang makarinig kami ng hiyawan. Curious na curious akong lumingon sa kalsada.

Agad na umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa nakitang jeep. Nag-uunahan ang mga taong makasakay kahit mabagal ang andar n'on. Sinungaling naman si kuya!

Magsasalita na sana 'ko nang huminto ang jeep kasabay ng pagpapababa sa mga sumakay r'on. Among them are those persons who treated me like a trash a while ago. Lalong lumakas ang tawa ng katabi ko. Hindi ko tuloy mapigilang matawa rin.

Failed. Malamang ay hindi naman papasada ang driver n'on. I can't help but grin in triumph. "Deserved! Mga maiitim kasi ang budhi... 2019 na, ang sasama pa rin ng ugali!"

Nakangisi akong nagpasalamat sa katabi ko at saka tumalikod. Dali-dali akong umakyat sa hagdan papunta sa taas na bahagi ng plaza. Pagkarating d'on, bumalandra sa 'kin ang kakaunting tao na nakapila. Wala pa ata sa sampu.

Napangiti ako sa saya. Ang swerte naman! Ganito talaga kapag nagpapakumbaba, binibiyayaan ng Diyos.

Tinapik ko ang balikat ko gamit ang kamay kong walang bitbit. I'm proud of you.

Tahimik akong pumila. Tanging nangingibabaw nga lang na ingay sa paligid ay ang malalakas na busina ng mga sasakyan. Kahit maaga pa lang, amoy na amoy ko na ang usok ng mga tambutso.

Nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng pawis ko kaya agad ko 'yong pinunasan gamit ang sweater ko. Nang matapos, taimtim akong nanalangin. Sana po... sana... may dumaang bus na pwedeng bumaba sa Muñoz.

"Oh... Baclaran, Baclaran, Baclaran!" sigaw ng boses-lalaki mula sa malayo.

Agad naman akong napalingon sa may bandang kaliwa ng kalsada. Bumalandra sa 'kin ang papalapit na bus. Matik na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Dadaan kayang Muñoz?

Paghinto sa harap namin, isa-isang umakyat ang mga nasa pila. Nang turn ko na, tinanong ko muna ang konduktor kung dadaan ba sa Muñoz. Luckily, oo raw! Para 'kong nanalo sa lotto nang mapapalakpak ako sa saya.

Dali-dali akong humakbang paakyat sa bus. Sumalubong sa 'kin ang lamig ng aircon na lalong nagpalapad ng ngiti ko.

Nang nasa aisle na, naghanap ako ng mauupuan. Pero dahil kaunti lang naman ang mga pasahero, malaya akong nakapili ng pwesto ko.

Naglakad ako papunta sa ikaapat na row sa may kanan. Inokupa ko 'yong nasa bungad lang, hindi 'yong sa tabi ng salamin. Bukod kasi sa mas convenient 'to dahil madaling makabababa, iwas snatch din. Marami kayang nagpo-post sa Facebook na kino-corner sa bus tapos tahimik silang tinatakot para ibigay ang gamit nila.

Cellphone na nga lang ang mamahalin kong bitbit, ipapanakaw ko pa ba? Speaking of cellphone, iche-check ko na rin pala ang Messenger ko kung may important announcements pala.

Pinatong ko muna sa katabing upuan ang bag ko at saka sinuot ang sweater ko. Nang mahila ko na pababa ang tela at maayos na ang pagkakasuot, kinuha ko ang bag, pinatong sa mga binti, saka muling sinukbit ang magkabilang strap sa mga balikat ko.

Although I am already covered with a thick cloth, I can still feel the breeze coming from the aircon sneaking through my sweater. Tila gumagapang ang lamig sa balat ko na gustong-gusto ko naman.

Nakangiti kong binukas ang zipper ng backpack at saka hinanap ang big notebook ko. Sa gitnang pahina, nar'on ang pouch ko. Saktong nasa gilid ko na ang konduktor kaya nagbayad muna 'ko ng 17 pesos.

Pagkabigay niya ng ticket, masaya 'kong nagpasalamat. Tinago ko agad ang papel sa bulsa ko at saka kinuha ang phone ko sa pouch. Pagkabukas ko nito, pinindot ko rin agad ang data button.

Free data lang ah! Nine pesos nga, pinanghihinayangan ko na, 15 pesos pa kaya?

Lihim akong natawa sa naisip ko. Tinitigan ko na lang muna ang screen ng phone ko habang sunod-sunod ang tunog ng notifications nito mula sa iba't ibang application.

Ilang sandali, tumigil din ang tunog kaya nagsimula na 'kong mag-scroll sa notification bar. Napukaw nga lang ang atensyon ko ng isang mensahe mula sa Messenger. Matik na napatigil talaga 'ko habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nagtatanong ang prof namin kung sino-sino ang gustong maging leader!

Papuntang ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon