Pride

13 5 0
                                    

Pride

Bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Elisha habang binabalita niyang hindi pa pala siya tapos sa tasks niya. At habang nagsasalita siya, mas kumukulo ang dugo ko sa inis. Pikon na pikon na 'ko sa mga tao ngayon! Sinasagad nila ang pasensya ko.

"Your excuses are a bunch of trash," mariin kong sambit habang nanlilisik ang tingin sa kaniya.

Halos maluha ang mga mata niya. She keeps on giving me her apologies pero lalo lang akong naiinis.

Padabog akong tumalikod at saka naglakad palayo. Sa panlimang pintuan na nadaanan ko, roon ako pumasok. Dumiretso 'ko sa likurang bahagi ng classroom, doon sa may sulok. At kahit naiinis, marahan kong binaba ang bag ko dahil may ilang kaklase akong tulog sa unahan. Baka magising.

Nakasimangot akong umupo at saka ipinagkrus ang mga braso ko.

Sa lamig ng kwarto, dalawa ba naman ang aircon, ulo ko lang ang nag-iinit sa inis. Who wouldn't? Ang haba-haba ng araw na nilaan namin para sa gawaan ng tasks tapos hindi pa rin natapos ni Elisha? Balakid sa buhay! Pati iba, maaapektuhan dahil sa katamaran niya.

Bukas na ang pasahan ng paper namin eh, p'ano na 'yon?! Oo, taga-Rizal siya. Pero malayo rin ang bahay ko ah? Natapos ko naman ang nakaatas sa 'kin kahit gan'on! Ang dami-dami ko pa ngang ginagawa. Eh siya? Full-time student lang siya!

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok d'on si Maeven. Mataman siyang nakatingin sa 'kin. She looks apologetic and sad at the same time. Umiwas ako ng tingin at saka napangiwi.

Nang tabihan niya 'ko, hindi na 'ko nag-abalang tabunan siya ng tingin.

Her voice is soft and careful like the usual when she started talking to me, "Eizerete... alam naman namin na ginagawa mo ang best mo. Gan'on din naman si Elisha, pati na rin ako! Ang pinagkaiba nga lang, may mga pagkakataon na 'yong best natin, hindi kagaya ng best natin sa ibang araw o pagkakataon..."

Napairap ako. Excuses!

Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, "We are a team and are friends before we became groupmates. For us to do better, we have to guide and correct one another. And in that point, good communication is needed. Para saan pa na Communication students tayo, 'di ba? Kung hindi naman natin pina-practice ang listening, communicating, and understanding?"

Unti-unti, para akong sinampal ng katotohanan dahil sa sinabi niya. Unti-unti, kinakain ng lamig ng kwarto ang init ng ulo ko.

Oo, masakit marinig ang katotohanan na 'yon mula mismo sa kaibigan ko. Pero parang mas masakit na mapagtantong may mga mali na pala sa 'kin. Sa sobrang sakit, 'di lang sa balat ko kumapit 'yong hampas, lumagpas at tumagos pa nga sa buto-buto ko.

Marahan kong nilingon si Maeven sa tabi ko. She is smiling at me with her eyes asking for an apology. I can't help but feel a lump in my throat. Nasasaktan. Nahihiya.

Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko sa binti ko at saka nakagat ang ilalim kong labi. Silence enveloped the classroom and the only sound we can hear is the one coming from the two aircon.

Masyado na ba 'kong... malayo sa dating ako?

Hindi... hindi ko napansin na nagbabago na pala ang ugali ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? This is not me. This is not me!

Bumukas ang pinto at niluwa n'on si Elisha. Her eyes are red and so are her cheeks. Mas mariin ko pang nakagat ang ilalim kong labi. I feel guilty.

Masyado na ba talaga 'kong... nagkakasala? Marami na ba 'kong... nagagawang hindi tama?

Papuntang ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon