Sloth

38 5 0
                                        

Sloth

"'Ma, papasok na po 'ko ah," may kalakasan kong paalam kay mama habang hinahanap ko 'yong FEU ID ko sa loob ng black backpack ko na nakapatong sa sofa.

Sinigurado kong malakas ang boses ko dahil baka hindi niya 'ko marinig. Mahirap na. Nasa kwarto pa naman siya. Kahit naman one storey lang itong apartment na tinitirhan namin at magkadikit lang ang kwarto't sala, madalas ay hindi niya kami naririnig ng kapatid ko. Mas naririnig niya pa nga 'yong bulungan ng mga tsismosang kapitbahay eh.

"Eizerete, hindi mo ba susuotin 'tong gray mong sweater?" tanong niya, tunog nagda-dalawang isip. "Malay mo... umulan mamaya. Hindi ka masyadong maaanggihan kapag suot mo 'to. At saka, bagay 'to sa puti mong polo pati sa high-waisted pants mo."

Hindi agad ako nakasagot ni nakapagdesisyon. Busy kung busy kasi ang mga mata at kamay ko sa paghahalukay sa loob ng bag ko.

Kainis na ID. Kung kailan papasok na, saka naman nawawala! Kapag hindi kailangan, pakita nang pakita.

Napahinga na lang ako nang malalim habang kunot na ang noo ko.

"Ayon!" hiyaw ko nang makita rin sa wakas ang hinahanap. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sobrang lapad kasabay ng pagpatag ng kaninang kunot ko ng noo.

Hindi kasi 'to pwedeng mawala. Bukod sa FEU ID ko, nasa ID case rin kasi ang beep card ko na madalas kong ginagamit pauwi kapag sumasakay ako sa LRT. Sayang naman kung bibili ako ng single journey ticket, 'no. Mas mahal kaya 'yon ng nine pesos!

"Dalhin mo na 'to," nag-aalangang pagpilit sa 'kin ni mama.

Umayos ako ng tayo at saka siya nilingon. Suot-suot niya ang maluwag niyang sando at shorts na pambahay.

Sinukbit ko muna sa leeg ko ang lanyard bago tinignan ang hawak niya; medyo napangiwi nga lang ako. "Mainit po kasi..."

Pero kahit anong tutol ko, hindi naman ako nagwagi. Palagi siyang may counter argument sa sasabihin ko. Oo, sobrang mapilit talaga si mama. At dahil ayaw kong mauwi pa 'to sa sermon, siyempre doon na 'ko sa choice na hindi siya magagalit!

Palihim na nga lang akong napasimangot nang kunin ko na sa kamay niya ang sweater. I hung it over my left arm.

Tinalikuran ko na siya upang damputin ang bag ko sa sofa. Agad ko 'tong sinuot paharap para iwas sa mga nanlalaslas ng bag.

"'Di ba may quiz ka mamaya? Ba't 'di kita nakitang nag-review kagabi?" nagtatakang tanong ni Everey, 'yong bunso kong kapatid. Kalalabas niya lang sa CR matapos ang ilang taon na paliligo. Buti, natapos pa siya?

Pero in fairness... ang bango niya. Amoy na amoy ko 'yong humahalimuyak na flower scent ng shampoo niya. Shampoo ko rin 'yon ah? Ba't 'di ako gan'on kabango?

Umikot ako paharap sa gawi nila ni mama. Magkatabi sila at parehong naka-cross arms habang kunot ang kanilang noo. Naka-bathrobe pa naman si Everey. Para tuloy akong nasa harap ng korte at ready ng i-judge ng mundo.

Nagkibit-balikat ako. "Oo nga, may quiz kami. Pero nakinig naman kasi ako sa discussions kaya hindi na 'ko nag-review. Bahala na si Batman o Wonder Woman. Kung makapapasa, eh 'di papasa..."

Napahagalpak sa tawa si Everey na nagpatawa rin sa 'kin. Ang kaso, pagtingin ko kay mama, para ng makakapatay ang titig niya sa sobrang talim. Napakagat-labi tuloy ako nang wala sa oras habang patuloy lang sa tawa ang kapatid ko.

"'Yan, Eizerete Chillin! Pareho na kayong tamad. Mag-aral nga kayo nang mabuti!" sermon ni mama bago siya naglakad papunta sa de kahoy na puting pintuan.

Pagkabukas niya ng pinto, kunot pa rin ang noo niya nang harapin kami. "Hindi madali ang buhay kapag wala kayong diploma. Huwag niyong hintayin na pagsisisihan niyo 'yang katamaran niyo," litanya niya, mas humina na ang boses kaysa kanina.

Sandali kong nilingon si Everey para panlakihan siya ng mga mata. Buti't natikom din ang madaldal niyang bibig sa huli.

Wala ng patumpik-tumpik pa, nagpaalam na 'ko sa kanila na aalis na 'ko. Totoo na talaga 'to. Nang tignan ko kasi ang wrist watch ko, malapit na palang mag-a las seis.

Ginto pa naman ang oras, hindi pwedeng masayang ang kahit ilang minuto. Ma-late lang kasi ako ng five minutes sa sakayan? Maaabutan na 'ko ng malalang traffic niyan.

"Naubos mo naman 'yong almusal mo, 'di ba?" pagkukumpirma ni mama na tinanguan ko agad. Sagot ko pa, "Busog na busog na nga po 'ko eh."

Humalik na 'ko sa pisngi niya at saka umalis ng bahay. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makalabas sa apartment. Saktong sumalubong sa 'kin ang araw at ang maliwanag ng kalangitan.

'Di katulad sa mga nagdaang taon, kahit September na, 'di pa rin ako nangangatog sa lamig. Ang init-init pa rin kaya! Ang dalang pang humangin.

Sandali akong napahinto para tignan ang paligid. May ilan-ilan ng residenteng naglalakad pero hindi pa g'anong maingay ang lugar. Nangingibabaw ang huni ng mga ibon at ang kahol ng ilang aso.

Subdivision kasi 'to. Hindi populated at puro may trabaho ang nakatira— malamang, nakapasok na siguro ang iba o kauuwi lang galing duty nila.

Nagsimula na 'kong maglakad sa street gutter. Pero hindi pa 'ko nakalilimang minuto, tumatagaktak na ang pawis ko.

Dali-dali kong kinapa ang bulsa ng pants ko. Napakunot-noo nga lang ako nang walang madamang panyo. Natataranta kong kinapa ang iba pang bulsa pero wala talaga.

Natigil ako sa paglalakad. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa hawak na sweater. Napangiwi ako sa naiisip ko.

No choice, ipinampunas ko 'to sa noo at mga pisngi ko. Dugyot na kung dugyot. At least, hindi mukhang fountain ang mukha!

It was already 6:15 in the morning when I reached the downtown of Novaliches Proper.

Huminto ako sa kanto malapit sa bakery at saka tumingin sa paligid. Literal na napaawang ang mga labi ko nang mapagtantong puro kalat-kalat na mga tao lang ang nasa kalsada. "Nas'an ang mga sasakyan?!"

Papuntang ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon